CHAPTER 82
Buong tapang na pumunta si Chino sa bahay nila Colin. Itinapat niya ang sasakyan sa gate kung saan nandoon ang kanilang anak habang naglalaro. Kahit nakita na niya ang anak, gusto pa rin niya itong makasama sa mismong tahanan ni Colin.
"Nathalia," tawag niya at tumingin naman ang bata sa kanya.
Bumilog din ang mga mata nito at lumabas ng gate. Wala rin naman reaksyon ang mga gwardya dahil lahat ng nagbabantay sa bahay nila Colin ay alagad ng El Asesino.
"Papa! I miss you! Kailan po kayo titira with us?"
"Soon, anak. Teka, asaan ang lola mo?"
"Ah, namili po siya. Kasama ko lang po r'yan sila yaya at mga gwardya."
Panatag naman ang loob ni Chino dahil pati katulong ay sugod ng El Asesino
"Let's go inside. Hintayin po natin si Mama."
"O-okay," tugon niya at binuhat ang anak.
Sa pagpasok nila ng bahay, natuwa naman si Chino dahil alam niyang maayos pinapalaki ang kanilang anak ni Colin. Nakita rin niya ang mga awards ng bata at hindi nga talaga pinabayaan ni Colin si Nathalia.
Isinama ni Nathalia ang ama sa kwarto at nakipaglaro ng jackstone. He felt happy dahil hindi niya ito naranasan sa kanilang magulang.
"Nathalia, don't worry. You will never experience the pain I've got when I was a kid. Ipagtatanggol ko kayo palagi ng mama mo. I will train you to be a tough woman like your mom, nang walang sino man ang pwedeng manakit sa iyo."
******
UMUWI nang tahimik si Cassandra at nakita na lamang niya si Vito sa loob ng kanilang kwarto. He's doing an exercise. Halatang seryoso ang mukha ni Cassandra pagkatapos inilapag lamang ang gamit sa kwarto.
"Babe, bakit hindi ka nagsasabi na aalis ka? I told you not to go out without me."
"Okay, sorry," tugon ni Cassandra at pumunta sa walk in closet pagkatapos ay inilapag ang pregnancy result ni Cathy. She get some clothes para maligo na rin.
Sa pagpasok ni Cassandra sa loob ng banyo. Wala siyang kamalay-malay na pumasok si Vito sa loob ng walk in closet. He found the pregnancy result at ngumiti.
"Cassandra, is pregnant now!" Bulalas niya at kahit hirap sa paglalakad, pumunta siya sa kanyang drawer at kinuha ang wedding ring nila noon. Tinago ito ni Charish mula sa kasal nilang hindi natuloy.
Vito picked up his phone at inabisuhan sila Manang Tes na ihanda ang garden para sa kanilang magiging kasal.
"I will marry you. Judge Ejercito will seal our marriage legally."
Sa paglabas ng kwarto ni Cassandra, halata ang pamamaga ng kanyang mga mata. Hindi niya alam kung paano niya ilalabas kay Vito ang sama ng loob.
"Are you okay? Bakit ang pula ng mga mata mo?"
"Nahilam sa sabon."
Vito kissed her lips down to her neck. Umatras si Cassandra at nagtaka naman si Vito.
"Pagod ako, matutulog na ako."
"Ayaw mo bang kumain? Ipagluluto kita."
"Magpahinga ka, parang hindi ka na operahan sa bawat kilos mo," seryosong sinabi ni Cassandra at tinalikuran si Vito.
Bumuntong-hininga si Vito at pilit na pinigilan ang inis. Ayaw na ayaw niyang tinatalikuran siya. "She's pregnant, hindi dapat ako magalit," bulong ni Vito.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...