Chapter 7

14.9K 298 28
                                    

Chapter 7

SA pagmulat ng kanyang mga mata, napalingon si Cassandra sa paligid hanggang sa makita niya ang isang sulat na may bulaklak sa lamesa sa tabi ng kama. Bumangon si Cassandra at binasa ang nakapaloob dito.

'Good morning, little lamb. Hindi na ako nagpaalam sa iyo. I really have to go. I promise, your boss will be back after months. Be a good girl.'

Hindi alam ni Cassandra kung matutuwa ba siya sa tawag ni Vito sa kanya o malulungkot dahil hindi niya ito makakasama ng ilang buwan.

Sa ilang linggo niyang nakatira kasama ang binata, masasabi niyang parang nagkaroon siyang muli ng pamilya. Kaya sa simple nitong hindi pagdating sa oras ay agad siyang nag-aalala. Cassandra felt a brotherly love from him. Tunay na napakabait nito at wala siyang reklamo kahit pa minsan ay nagsusungit ito.

Sa kanyang pagpasok sa paaralan, tahimik lamang siyang naglalakad habang nakahawak sa kanyang cellphone. Pakiramdam din niya'y espesyal siya dahil hatid-sundo siya ng mga driver ni Vito.

"Huy! Busy sa cellphone, ha?" wika ni Colin habang bitbit ang reviewer.

"Huwag kang maingay, nanonood ako ng balita."

Tila nagkaroon ng interes si Colin at nakisilip sa pinonood ng kaibigan.

'Ang kasunduan sa pagsuko ng terorista ng smuggled firearms ay nagaganap ngayong araw sa Mindanao. Nananatiling nagbabantay ang buong sandatahan ng De Luna Philippine Army upang magkaroon ng payapang pag-uusap sa pagitan ng dalawang kampo.'

"Wow! Kaya pala. Si Papa Vito, nand'yan?"

"Oo, eh. Kumusta kaya siya?"

"Wow na wow, nag-aalala? Boyfriend ba o asawa mo na?"

"Ano ba iyang bibig mo? Huwag mong bigyan ng kulay dahil kapatid ang turing niya sa akin. Kahit kailan at malisyosa ka!"

"Diyos ginoo. Hindi ako mamalisya. Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung ako ikaw, baka bumigay na ako sa kanya. Napaka-hot ni Blonde Hair! 'Tapos kutis-Pinoy, ang yummy!" bulalas ni Colin habang kunwari'y nag-aaral ng leksyon.

Kalaunan, nagsimula na ang pagsusulit ni Cassandra. Hindi mawala sa paningin niya ang cellphone dahil nakikibalita siya sa lahat ng nangyayari sa Mindanao. Ilang saglit at tumayo na ang dalaga at ipinasa ang test paper.

"Are you sure na tapos ka na, Ms. Cordova?"

"Opo, lalabas na po ako!" pagmamadali ng dalaga at hindi na niya hinintay si Colin. Muli siyang nakikonekta sa library wifi at hinintay na bumukas ang bagong balita sa social media.

'Balita ngayon ang pagkakaroon ng hindi pagkakasundo ng De Luna Philippine Army at mga terorista. Namataan ni Major General Don Vito Valentin ang patagong pagtutok ng mga sniper sa kanilang kampo. Nagkaroon ng putukan at kasama mismo si Major General Don Vito Valentin sa mga tinamaan ng bala mula sa mga terorista.'

Napatayo si Cassandra at tila'y nanlamig ang buong katawan sa nangyari. Kusang pumatak ang kanyang luha habang nakatitig sa balita.

"Kumusta siya? Bakit tinamaan siya? 'Di ba siya nag-iingat? Paano ako lalapit sa kanya? Paano ako makakapunta ro'n?"

"Huy, Cassandra! Bakit umiiyak ka? Ano'ng nangyayari?" tanong ni Colin na kadarating lamang sa college library.

"Si Vito, tinamaan. Paano ko siya pupuntahan?"

"Oh my gosh?! Malubha ba?"

"Hindi ko alam!" bulalas ni Cassandra na hindi pa rin mapalagay. Ilang saglit ay naisip niya ang calling card na ibinigay ni Vito sa kanya. Agad nag-iwan ng mensahe ang dalaga.

EL ASESINO MAFIA: Don Vito ValentinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon