Kabanata 80-

2.6K 138 48
                                    

CHAPTER 80

Mahigpit na hawak-hawak ni Cathy ang mga dyaryo na ibinalandra sa kanya ng mga tauhan ni Russ. Nalaman ni Cathy ang dating misyon ni Marissa para alamin kung sino ang humahawak sa El Asesino. Mula ito sa mga ipinanakaw niyang pruweba sa warehouse ng Black Umbrella.

"Malakas ang kutob ko na si Vito ay may kinalaman sa pagkawala mo. Napaka imposible na mawala ka ng ilang taon. Alam kong pinatay ka niya," bulong ni Cathy.

"Gumana ang plano!" Bulalas niya.

"Bakit kasama si Vito? Eh matagal ng pulbos ang gagong iyan?" Saad ni Russ.

"Really? Pulbos? Akala mo magaling na kayo ni Tobias? Akala mo matalino ka na? Sa tagal ng panahon kung hindi pala ako lilitaw at kung hindi kami magkikita ni Vito, edi ilang taon kayong bulag at walang alam na si Don Vito ang lider ng El Asesino?" Malokong sinabi ni Cathy at sinuot ang kanyang blusa. Bumangon siya sa kama at si Russ na nanatiling nakahiga ng walang saplot.

"What do you mean? Niloloko mo ba ako?" Tanong ni Russ.

Hinugot ni Cathy ang lahat ng litrato nila ni Vito sa Amerika at initsa kay Russ. Halos lumabas ang dalawang mga mata nito at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

"What the hell is this?! Buhay si Vito?!"

Ibinigay pa lahat ni Cathy ang litrato hanggang sa bumulaga ng tuluyan ang mukha ni Charish.

"This fucking traitor?! Siya ang sumagip kay Vito?!"

"Who? I don't know this woman, Russ."

"Charish was one of Tobias' favorite women! Siya ang humahawak sa international transactions, I can't believe this! Pinaglaruan kami ni Charish!"

Nag-init ang dugo ni Cathy at nakaramdam ito ng kirot sa kanyang sinapupunan. "I need to kill this woman! Matagal ng mainit ang dugo ko sa kanya dahil noong nasa Amerika pa si Vito, palagi niya akong ipinagtatabuyan."

Mas lalong umawang ang ngiti sa labi ni Russ dahil nakahanap siya ng taong kakampi sa kanya, lalong may matinding galit din ito kay Vito. Ilang taon niyang pinag-aaralan kung sino ang lider ngunit ang lahat ng kasagutan ay na sa iisang babae lamang. Lalong nalaman din niya ang family background ng Valentin at Castañeda na tunay na apelyido ni Marissa at Cathy sa kabila ng napakaraming pangalan nilang ginagamit.

Malakas ang kanilang kutob na si Vito ang kumitil sa buhay ni Marissa. Lalong binisita nila ang lumang bahay nito na tinupok na ng apoy. Walang ni isang ebidensya ang na iwan at tanging mga lumang dokumento lamang ang na sa mansyon kung saan nanirahan ang tatlong magkakapatid na Castañeda.

"It's the game of fate that made Cassandra's life twisted by the two Mafia organizations. She doesn't know that the man she wanted to marry was the mortal enemy of your family. Nakakatuwang isipin kaya pala napaka linis ng track records ni Cassandra dahil tinapon lang siya sa isang drug addict ng kanyang ina. Buong pagkakamali pala na nabuhay siya. Edi mas maganda kung patayin na lang din siya dahil wala rin bilang sa mundong ito," tawang-tawa na sinabi ni Russ habang nagsusuot ito ng salawal.

Tahimik lamang si Cathy dahil malakas ang kanyang pakiramdam na pinsan niyang tunay si Cassandra. It runs from the blood lalong ang physical feature ni Cassandra ay nahahawig kay Marissa. Ang boses nitong nahahawig sa kanyang ina na si Austria Castañeda.

"Poor Cassandra, walang may gusto sa iyo. Even your mom who dumped you like a puppy."

Nagdaan ang ilang araw at nanatiling nakamonitor ang kalagayan ni Dior, panay ang bisita ni Nathalia sa kanya at tumatabi rin ang bata sa kanya.

"When will you go out, Dior?" Tanong ni Nathalia

"I don't know... wala pa akong bagong puso."

"If I have an extra heart, I will give it to you. Don't worry, si Tita Charish at Mama Colin ay gumagawa na ng paraan to help you."

EL ASESINO MAFIA: Don Vito ValentinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon