CHAPTER 14
MANILA
Pagod ang mga intern nurses habang kasama ang mga regular employees ng ospital. Suki sa emergency room ang naganap na nakawan sa bangketa. Putukan at ilang saksakan ang naganap. Dagdag pa ang ilang nadamay na inosente.
"Do we still have time for nightlife?" Tanong ni Colin at tumingi ang ilang kasamahan sa kanya.
"Of course we have!" Tugon ni Dr. Floyd at tiningnan naman ang kanyang relo.
"May October Music Festival sa Mall grounds ng Asia Mall. Tutal halos naman sa atin ay morning shift, we still have time for bonding," tugon ni Head Nurse Jas.
Nagtawanan at tila excited ang lahat sa last day of October Music Festival. Mula sa kinauupuan ni Colin, napansin niya ang cellphone na tumutunog at si Cassandra ang tumatawag.
"Huy! Bakit absent ka?"
"I am here in Baguio with my boss."
"Kayo lang dalawa?"
"Hindi, kasama ang mga empleyado niya," pagsisinungaling ni Cassandra.
"Well, I am glad that you are okay now dahil nand'yan sa tabi mo ang gwapo mong boss! Siguro naman at kumakain ka na ng tama?"
"Ano ka ba naman? Napaka malisyosa mo. Bukas uuwi na rin ako ng Manila."
"Hay naku at sayang! Alam mo ba na nagkayayaan na manood ng October Music Festival sa Asia Mall! Diyos ko at alam kong pangarap mo pa naman na makanood sa mga ganitong events!"
"Sayang, maybe next time! Makakanood din ako. Sige at mag-iingat ka ha? Colin, walang iinom at huwag sasama sa ibang lalaki!" Pagbabala niya.
"Oo naman, sige na! Ingat ka ha! Ikaw rin at huwag kang magpapaputok kay Mr. Blonde!"
Hindi na nakasagot si Cassandra dahil napangiti na lang siya. "Oh my gosh, Vito!" Bulalas niya dahil paglingon niya nakatitig lang si Vito sa kanya.
"Sinong kausap mo?"
"Si Colin, iyong best friend ko. Sayang at manonood sila ng October Music Festival."
Hindi kumibo si Vito at nag-isip ng iba. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at mabilis na nag-iwan ng mensahe kay Chino.
'October Music Festival. Ipadala mo ang ibang tauhan nang mabantayan ang mga nagbebenta ng droga.' Ipinadala na mensahe ni Vito.
"Sino ang ka-text mo?"
"Ah, si Manang Tunying kinumusta ko lang."
"Huwag kang nagkamali na mambabae."
"I've been single for six years."
"Eh bakit ang tagal? Sino ba ang ex mo? Ang tagal mo naman mag move on!"
"Never-mind."
"Ako, walang ex. You are the first..." natigilan si Cassandra nang sumagi sa isip niya ang mapait na nakaraan. Hindi makakaila na nagmarka sa buong pagkatao niya ang lahat ng karanasan noon. She has been saved by a psychiatrist magmula ipinadala siya sa Women and Children's Help Desk noong ginawan siya ng masama ng Ama.
She was drugged by her own father at ang murang katawan niya ay nakaranas ng labis na dahas. She fought her father hanggang sa basagan niya ito ng bote sa ulo. Tumakbo sa Barangay si Cassandra noon at isinuplong ang ama. Pero nang huhulihin na ang kanyang ama, tinakot ni Alfred si Cassandra kaya binawi niya ang sex assault sa ama. Hindi na ito muling naulit dahil ito ang naging panakot ni Cassandra sa sariling ama kung uulitin niya pa ito. Hanggang sa pagmamaltrato na lamang ang ginagawa nito sa kanya sa tuwing walang makain at mainom na alak. She sacrificed herself including her dignity because she wants to have a complete family at bumalik ang kanyang Ina. Ngunit sa ilang taon na kanyang paghihintay, walang napala ang dalaga at tuluyan na niyang tinalikuran ang mapait na buhay.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...