CHAPTER 62
Tatlong cup ng kape ang nainom ni Cassandra habang hinihintay ang babaeng nag-o-offer ng trabaho sa kanya bilang isang private nurse.
"I'm sorry, I'm late. Have you signed the twenty page contract?"
"Oo tapos na lahat, kailan ako pwedeng mag simula? Full time ba ito o part timer? Pwedeng part time na lang ako?"
"Hindi ka nagbabasa at basta lang pumirma?"
"Hindi na, wala na akong oras. Kailangan ko ng perang 'yan."
"You can start tomorrow pero may annual event si boss sa company. Baka hindi ka rin ma-entertain ng maayos. Maybe the next day."
"Pwedeng bukas na? Nakalagay kasi sa salary arawan ang sahod ko. Sayang naman kung hindi ko papasukan ang bukas."
"The next day na lang."
"Sige, salamat. Mauuna na ako," paalam ni Cassandra.
Pinagmasdan lamang siya ni Ms. Cha at biglang ngumiti ang babae. "Finally, magkikita na rin kayo. Kaso, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo kay boss. Will you still love him despite his disorder?"
KINABUKASAN, handa na ang lahat ng susuotin ni Mr. Levi Johnson ng Veintiuna Armas Hotel and Casino. Manonood siya pero hindi haharap sa publiko dahil pinagbabawalan siya ni Ms. Cha galing sa abiso ng Doctor. Veintiuna Armas Hotel and Casino was established in 1997. Kilalang-kilala ito bilang isang sikat na pasugalan ngunit may malaking ambag sa Pilipinas. Tila tigre ang negosyong ito dahil kahit ilang mga komunista ang gustong magpabagsak dito ay hindi nagwawagi.
"Cha! Cha!" Sigaw ni Levi habang hawak ang baston. Walang rumesponde kaya binasag ni Levi ang salamin. "Cha!" Muling pagsigaw.
Nawindang at halos malaglag ang panga ni Ms. Cha nang makita ang nagkalat na gamit ni Levi. Ang susuotin nito ay nabahiran ng mansta mula sa dugong umaagos sa kamay ng binata.
"Mr. Johnson!"
"C–Cha! I–I can't control my anger! I want to attend the party," giit nito. Kalunos-lunos na lumuhod ito sa sahig habang pinagsasabunutan ang buhok.
"Sir, wait here. I will call the Doctor."
"No, please! Don't leave me! S–someone will b-bomb this place!" Sigaw nito at hinagkan ang binti ni Ms. Cha, pilit niyang nilakasan ang loob upang hindi pumatak ang mga nagbabadyang luha.
"Sir, I will ask for someone's help."
Sa ilang minuto na nakalipas, tinurukan ng pampakalma ang binata at payapa na itong nakahiga sa kama. Ms. Cha will present herself in the casino's annual event, tunay niyang inayos ang sarili na hindi makakahalata sa tunay na pagkatao. Tunay na kaawa-awa naman ang depresyon na inabot ni Mr. Levi Johnson.
CARMELITE HOSPITAL
Hating gabi nang nagkaroon ng duty si Colin, agad niyang hinanap si Cassandra dahil kumalat na sa buong ospital ang biglaan niyang pagre-resign.
"Hoy gaga!" Bulalas ni Colin at kinurot ang tagiliran ni Cassandra.
"Aray," malamya niyang sagot.
"Bakit ka nag resign? Anong gagamitin mong pera para kay Dior? Alam mong delikado ang kondisyon niya!"
"I have a part time j—"
Hindi siya pinatapos ni Colin dahil hinatak nito ang kanyang buhok. "Gaga! Part time? Iba ang full time job!"
"Gaga ka rin! Pwede ba, patapusin mo ako no? Part time ang trabaho ko ngayon dahil kailangan ko ng tripleng sahod. Director Park recommended me as a private nurse. Isang mayaman na tao sa Pilipinas ang paglilingkuran ko."
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...