CHAPTER 44
Puno ng gamit pang bata ang isa pang kwarto na inilaan kay Dior. Kapapanganak lang din ni Colin at nandito sila sa bahay ni Cassandra upang magkaroon ng maliit na salo-salo. Naiwan sa kwarto ni Dior si Floyd at Colin kasama ang anak nitong si Nathalia. Habang si Cassandra na nasa kanyang kwarto at nagsasalamin.
Sa ilang linggo na nakalipas pagkatapos niyang manganak, hindi pa rin bumubuti si Cassandra at nakikita pa rin niya si Vito. Ayaw naman niyang pumunta para sa therapy dahil malakas ang paninindigan niyang tama ang lahat.
"Vito, kailan ka ba uuwi? Ilang buwan na lamang at magpapasko na. Paano kami ni Dior, kami lang dalawa sa bahay?" saad ni Cassandra habang kinakausap ang sarili. "Pinagkakamalan nila akong baliw dahil ayaw nilang maniwala na nakikita kita sa labas tuwing gabi. Alam ko nakabantay ka lang, pero bakit hindi ka lumapit? Ano ba dapat ang kailangan kong gawin para bumalik ka rito?"
"Cassy?"
Biglang nagising sa katotohanan si Cassandra nang marinig niya si Colin na kumatok. Mabilis niyang pinunasan ang mukha at humarap kay Colin.
"Umiiyak ka na naman..." bungad ni Colin.
"Hindi naman."
"Makakatulong sa'yo ang psychiatrist na kaibigan ni Floyd."
"Hindi ako baliw."
"Hindi naman ibig sabihin na kumausap ka sa mga psychiatrists ay baliw ka na. Kadalasan, sila ang mas nakakaintindi sa mga katulad mong may ganyan na nararamdaman. You need them, Cassy. Gusto mong maging sundalo diba? So you need to be physically, emotionally, mentally healthy. Nanay ka na, hindi lang sarili mo ang dapat isipin. Kasama na si Dior sa lahat ng desisyon mo sa buhay. Look at me, since lumabas si Nathalia, itinapon ko lahat ng bisyo ko at mga bagay na makaaapekto sa pagpapalaki ng anak ko. You should be like this, hindi sa dinidiktahan kita sa dapat mong gawin. What I mean is, pwede mo iyon gawing inspirasyon para makabangon muli. Ang hirap maging single parent."
Biglang hinatak ni Cassandra ang kamay ni Colin upang hagkan ang kaibigan. "Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ako aasa. Pero totoo lahat ng sinasabi ko. Ilang beses kong sinundan ang lalaking iyon. Colin, mahal na mahal ko si Vito. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya kayang kalimutan."
Nakaramdam ng lungkot si Colin habang pinupunasan ang luha ng kaibigan.
"Do you want justice for him? Then, you should be strong to face your fears, Cassandra. Kung ang lungkot at ang tunay na pagmamahal mo kay Vito ang gagamitin sa laban na ito. Sigurado akong mananalo ka at makakamit ang katotohanan. Napagtanto ko lahat ng sinabi mo, ang hirap i-asa sa batas ang hustisya kung kaya mo rin naman itong hanapin at ipaglaban. I will support you, kung gugustuhin mong mag sundalo o makapasok sa kahit anong sangay ng gobyerno para sa ipinaglalaban mo, ako ang bahala kay Dior. Kinakapatid na rin kita, Cassandra."
"Salamat, Colin."
"Open your heart again at huwag kang matakot na magmahal muli, okay?"
Magana na lumabas ng kwarto si Cassandra at Colin at sinalubong sila ni Floyd na bitbit ang dalawang bata. "Halika na, nagugutom na ako," reklamo ni Floyd.
Sabay-sabay silang kumain at halata sa mukha ni Cassandra ang labis na saya. "Floyd, na pagdesisyonan ko na at magpapatingin na muna ako sa psychiatrist. Ayoko naman na magkaroon ko ng problema habang inaalagaan ko ang anak ko. Besides, gusto ko rin ituloy ang pagpasok sa DLPA."
Halatang nagulat si Floyd at napatingin kay Colin. "How about the baby? Hindi naman pwedeng iwan mo agad ang anak mo."
Tumango si Cassandra kasabay ang matamis na ngiti. "Colin will help me," tugon ni Cassandra.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...