CHAPTER 60
Pitong buwan ang nakalipas at malaki na ang t'yan ni Cassandra. Tunay na tumahimik ang kanyang buhay pagkatapos ng masalimuot na nakaraang buwan. Pakiramdam niya'y pasan-pasan pa rin niya ang krus. Binenta niya ang unang bahay at bumili ng panibago. Mas liliit lamang ito dahil silang dalawa lang naman ni Dior ang nakatira at sasusunod ay tatlo na sila.
Tila hindi masaya si Cassandra habang pinagbubuntis ang anak nila ni Tobias, kahit isipin niyang inosente ang batang ito—patuloy pa rin na tumatakbo sa isip niya na pinakasalan at nagpabuntis siya sa taong kumitil sa buhay ni Vito at napakaraming sundalo. Sa ilang buwan na nakalipas, ni minsan hindi dinalaw ni Cassandra si Tobias sa puntod nito. Lalong hindi pa rin nahahanap ang ulo ng pinaniniwalaan nilang si General Timothy Dela Cruz.
Pagkatapos ng gabing iyon, nagsalita rin siya sa mga pulisya na hindi niya kailanman kilala si Tristan upang maprotektahan ang El Asesino. Pinaghinalaan siya na kakilala si Tristan dahil isang pulis ang nakakita sa inasal ni Cassandra.
Pinanindigan ni Cassandra ang pagpapanggap gamit ang pagkukunwaring nangungulila siya sa kanyang namatay na asawang si Timothy.
"Mama!" Tawag ni Dior.
"Yes, anak?"
"Ma, I'm hungry."
"May pagkain naman sa refrigerator."
"Ma nakakasawa po kasi."
Bumuntong-hininga si Cassandra at kinuha ang pitaka upang tingnan ang pera. "Halika, labas na lang muna tayo," tugon niya at kinuha ang susi ng sasakyan. They decided to go to fast food dahil paborito ni Dior ang Strawberry ice cream at fries.
Tunay na nanumbalik sa dati si Cassandra. Nilalayuang pilit ang mga kaibigan at ayaw na rin makisalamuha. Namumuhay lamang siya kasama ang anak at ayaw na rin manghingi ng tulong. Pero ginagawa niya ito nang hindi madamay sa gulo sila Colin at Floyd. Aminadong natakot si Cassandra sa nangyaring iringan ni Colin at Tristan noon kaya ito na ang pinaka iniwasan niya.
Sa pagbaba nila ng sasakyan, agad tumakbo si Dior habang hawak ang kamay ni Cassandra. Nagmamadali ang bata at agad pumila. Natutuwa si Cassandra na makita ang anak, dahil habang lumalaki ito. Mas nakakamukha ito ni Vitona humalo sa mukha niya. Matatas at napaka advance ng batang ito. Nagmana lang naman sa kanyang tatay na sundalo.
Sa ilang minuto na nakalipas, nakuha ni Dior ang gusto habang pakuya-kuyakoy pa ito at sinisimot ang natitirang strawberry ice cream.
"Done mama! Uwi na po tayo, bawal kang mapuyat!"
"Good job soldier! Napakabait na bata. Teka, busog na ba ang mga dragons sa t'yan mo?" mapang-asar na sinabi ni Cassandra.
"Mama, wala po akong dragons sa t'yan," he pouted kaya na-kyutan si Cassandra at kinurot ang pisngi ng anak pagkatapos ay pinapak na parang pagkain ang leeg.
"Halika na boyet uwi na," giit ni Cassandra at sabay na lumabas ang mag-ina. Inalalayan niya si Dior na sumakay sa backseat at isinara ang pintuan ng sasakyan. Sa pagsarang ito, napalingon si Cassandra sa sasakyan sa kabilang kalsada at hindi siya makapaniwala sa nakita.
"Vito?" wika niya at naglakad. "Vito!" sigaw ni Cassandra pero nawala sa kanyang paningin ang tinititigan dahil dumaan ang isang malaking bus. Bumuhos ang kanyang luha habang hinihintay na matapos ang mahabang bus na humarang sa kabilang kalsada. Nang makadaan ito, wala na ang sasakyan na kanyang nakita.
"Hindi, hallucination lang ito. Nababaliw ka na naman Cassandra," bulong niya sa sarili at hinilamusan ang mukha. Agad siyang sumakay at pinaandar ang sasakyan. Subalit, habang nakatitig si Cassandra sa kalsada ay hindi mawala ang itsura ng kanyang dating nobyo. Maliwanag niya itong nakita at buhay na buhay kung titingnan. Sa pag-uwi nila ni Dior, pinatulog lamang niya ang anak at kalaunan ay sumabay na rin siya rito.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...