XXXVI

983 1 0
                                        

Nasa passenger seat ako habang nasa driver's seat si Mr. Tob. Sila Rikki ay nasa backseat na kapwang mga tahimik lang.

May mga convoy naman kaming kasunod, sila Rohan at iba pa nitong kasama.

Ewan ko ba kung ano ang nangyari kay Josefa at sinasagot sagot nya si Mr. Tob na halata mo nang naiinis na sa kanya.

"Ang boring ng byahe na ito" napatingin ako sa rear view mirror ng mag salita si Josefa

Muntikan na lumabas sa dibdib ko ang aking puso ng bigla ito dumungaw sa tabi ko at pinindot ang radyo sa harap.

"Para kahit paano hindi boring, masyadong tahimik ang lahat" wika pa rin ni Josefa

Umiling lang ako at tumingin sa labas.

"Pwede ba natin buksan yung bintana" tumingin ako sa likod ko "Nasusuka na ako e"

"Ang gamol mo naman Jeya" bulong ni Rikki na parang di bulong dahil rinig ko

"Pwede naman" sagot ni Josefa at walang ano ano ay May pinindot sa harap para bumukas lahat ng bintana

Narinig ko naman ang paghinga ng malalim ni Mr. Tob.

Tumingin na lang ulit ako sa labas.

Hindi ko alam kung ilang oras na namin binabaybay ang daan pero naiinip na ako.

♪♪♪And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me♪♪

Kinagat ko ang dila ko dahil sa kanta na narinig ko mula sa radyo. Shuta talaga. Siguro magkakaroon ako ng sakit sa puso dahil lagi na lang ganito ang aking nararamdaman.

♪♪♪We stop to get something to drink
My mind clouds and I can't think
Scared to death to say i love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply♪♪♪

Sinandal ko na lang ang ulo ko at pinikit ang aking mata.

__________________________________

"HOY NYETA KA JEYA!"

"HAHAHAHA PUNYETA KA DIN!"

Dahan dahan ko binuksan ang mga ko at halos masilaw ako sa liwanag na tumama sa mukha ko. Nang medyo na adjust na ako sa liwanag ay unti unti ko nang nakita ang buong paligid. Nakaharap ang sasakyan sa isang malaking dagat.

Bumaba ako ng sasakyan at nakita sila Jeya at Rikki na nag tatakbuhan sa dalampasigan. Nilibot ko ang paningin ko at halos kami lang ang tao.

"Gising na pala ang senyora" napalingon ako sa gilid ko ng mag salita si Josefa "Kamusta ang tulog mo?"

"Maayos naman. Nasaan na tayo?"

"Batangas" nilibot ko ang paningin ko sa paligid, nasaan sya? "Kasama yung mga tao nya, May pinuntahan, akala ko nga tagaytay ang tungo natin batanggas pala, pero di bali, maganda naman" napayuko ako at tumingin ulit kila Rikki "Kilala mo na ba?"

"Sino?"

"Sya"

"Si Dylan... I mean si Mr. Tob"

"Oo, bukod sa pangalan nya, ano ang alam mo tungkol sa kanya"

"Wala na, bukod sa pangalan nya, wala na"

"Imposible"

Tumingin ako kay Josefa at tumingin din sya sa akin "ano ang ibig mong sabihin"

"May alam ka na sa kanya"

"Wala pa"

"Sige sabihin na natin na wala ka pa ngang alam tungkol sa kanya, pero alam kong alam mo na ang pwede nyang gawin sa oras na makagawa ka ng mali"

"Yung ginawa mo? Yung pambabastos sa kanya, hindi ba mali yun? Hindi ka ba natatakot sa kanya?"

"Kung usapang patay, hindi ako takot mamatay"

"Bakit sa tingin mo kaya nyang pumatay?"

"Dahil sya si Dylan Martinez, sya si Dylan Tobias Martinez"

"Hindi ako takot mamatay, takot ako na May maiwan ko ang mahal ko sa buhay"

"Delikadong tao si Mr. Tob, halos lahat ng auction, legal man o illegal nandoon sya, sa underground transaction malimit mo syang makikita, yung babaeng nawala na katulad natin, kagagawan nya..."

"...Kagagawan ng katulad nya" putol ko sa kanyang pananalita "Hindi ako bulag o bingi sa mga nakikita at naririnig ko, alam ko lahat Josefa nakita ko lahat narinig ko lahat...Natatakot ako na baka kung ano ang gawin nya sayo, kapatid ang turing ko sayo, natatakot ako na baka saktan ka nya"

"Salamat, pero kaya ko na ang sarili ko" umiwas sya ng tingin "May mga droga akong nakita sa kwarto natin" tumingin ako sa dagat "Bakit?"

"Wala akong magawa, hawak nila ang pamilya ko sa leeg... Hindi ako takot mamatay, takot ako na saktan nila ang pamilya ko, wala na akong pake sa pangarap ko matupad man o hindi, gusto ko protektahan ang pamilya ko, pero hindi ko na alam kung paano, hindi ko alam kung paano lumabas sa pinasok ko"

"Kilala nya din ako, malamang alam na nya ang tungkol sa pamilya ko" wika ko

"Hindi pa" tumingin ulit ako kay Josefa "Maniwala ka hindi pa, kay Martin ako nag tratrabaho, sya ang tinatrabaho ko, inaanak nya si Mr. Tob, Aey mag ingat ka sa kanya, sa kanila gusto ka nyang..."

"Malapit na lang ang hotel na pag tutuluyan natin" wika ng kung sino man sa likod "Hinihintay na tayo doon ni Mr. Martinez" nilingon ko ang nag salita, Si Roave

JOSEFA'S POV

Nilingon ko ang buong kwarto na syang pagtutuluyan namin, mas malaki pa ito sa tinutuluyan naming tatlo.

Para syang isang bahay.

O kung tawagin bahay nga sa sobrang laki.

"Pagmamay-ari ito ni Mr. Martinez, itong buong hotel"

"Pake ko" sagot ko kay Roave, mula naman sa gilid ko ay nakita ko ang paglingon nya sa akin

"Maganda ka sana..."

Pinutol ko ang kanyang salita "Hindi lang sana..." Tumingin ako sa kanya "Maganda talaga ako"

"Alam mo, para kang walang kinakatakutan" wika nya

"Wala nga, hindi na ako natatakot sa lahat" wika ko "Simula ng pinasok ko ang mundo na meron kayo, wala na akong kinakatakutan, kahit sa kamatayan"

"Kung sabagay..." Tumingin sya sa kung saan "...hindi ka naman mapupunta sa posisyon na yan kung May kinakatakutan ka, alam kong May idea ka na kung bakit ka, kayo ni Ms. Apolline, nandito, hindi ka bulag at alam kong di ka bingi sa mga bagay na nakikita mo at naririnig mo, alam ko na din na alam mo ang bagay tungkol sa pamilya nila"

"Sa tingin mo bulag at bingi si Aey? Sa tingin mo wala syang alam? Maaari nung una, oo, nagkaroon sya ng koneksyon sa inyo, hindi malabo na magkaroon sya ng ideya tungkol dito"

"Maaari nga..." Tumingin sya sa akin "...gusto ko kayo balaan sa pwede gawin ng mga tao sa paligid nyo, maski sa pwede namin gawin sa inyo, maaaring kaya nyo iligtas ang sarili nyo, pero sa dalawang kaibigan nyo, ay hindi, mag ingat kayo sa mga tao na pwede pumasok sa buhay nyo, protektahan nyo ang mga tao na malapit sa inyo"

Nangunot ang noo ko "Kung sa pamilya ko, sigurado akong di nila malalaman kung nasaan sila, alam kong hawak sila ng taong kaya sila protektahan, pero kung gagamitin nyo ang kaibigan namin, baka mauna ko kayo mapatay"

To be continued

Out of story mga kapatid, follow nyo socmed ng ating kapatid.

Tiktok : @isay_wen20
IG : @deleonriza_

Katulong ko yan si kapatid gumawa sa ibang parts dito kaya, sana, mag tuloy tuloy na ang pag update nito para matapos sya by this year, tysm.

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon