Umaga na at halos kulang ang tulog ko mula kagabi.
"Morning" napatingin ako sa bumati sa akin
"Goodmorning Aey" bati ko
"Nasaan sila?" Umupo ito sa tabi ko "Sila Mr. Tob"
"Maaga sila umalis" sagot ko at tinuloy ang pagkain ko "Di ko naman din tinanong kung saan sila pupunta, wala din naman kasi ako pake"
"Ganun" huling wika nito bago sya kumuha ng pagkain na Naka handa sa harap namin
"Goodmorning madlang Pipol" wika ni Jeya at umupo sa tabi ko "Kayo a umi-score kayo kagabi"
"Umi-score?" Sabay na tanong namin ni Aey
"May narinig kasi akong mga kalabog kagabi, baka nga sinubukan nyo ang iba't-ibang position sa kama Hahahaha" nag tinginan kami ni Aey
"Oo nga na medyo madaming kalabog kagabi" wika ni Aey"Ang akala ko kayo ang nagawa ng milagro"
AEY'S POV
"Ang akala ko kayo ang nagawa ng milagro" wika ko bago sumubo
"Bakit wala bang nangyari sa inyo ni Mr. Martinez kagabi?" Wika ni Jeya
Muntikan na ako mabulunan sa tanong ni Jeya
"Asus ang O.A mo naman mabulunan parang bago a" wika pa rin ni Jeya
Napaiwas ako ng tingin na parang naninibago sa ganung gawain.
"Don't close your eyes and look at me"
Umiling ako dahil parang naririnig ko naman ang boses nya na sinasabi ang ganung kataga.
Oo may nangyari sa amin kagabi pero bakit parang nahihiya ako na May nangyari kagabi.
Hindi naman na bago ito pero bakit parang naninibago ako sa kanya.
"Speaking" bulong ni Josefa
Mula sa likod ko at sa salamin na nasa harap ko ay nakita at narinig ko ang pag bukas ng pinto na niluwasila Rohan sumunod si Mr. Tob.
"Hi girls" bati ni Rohan, umupo naman sa kabilang tabi ni Josefa si Roave na huling pumasok din
Umupo din si Mr. Tob sa tabi ko.
"Here" nilapag nito sa tabi ko ang isang maliit na box "Wear that later"
"May gagawin pala ako" tumayo si Josefa
"Sandali pala nakalimutan ko yung phone ko sa room" wika ni Jeya bago tumayo din
Tinignan ni Josefa si Roave na pasubo na sana "Tsk" nakasimangot naman na tumayo si Roave
"Gonna check the other things" wika ni Rohan bago sila umalis sa harap namin
Nag walang bahala ako at nanatiling normal kahit sobrang ingay na ng puso ko dahil sa lakas ng kabog. Ano ba ang nangyayari sa akin.
"You, okay?" Wika ni Mr. Tob sa gilid ko
"Y-yeah, Mr. Tob" uminom ako ng tubig parang bumaba kung ano man ang nakaharang sa lalamunan ko
"We have a party that we need to attend later" wika nito sa tabi ko
Tumingin ako sa kanya, agad naman ito umiwas ng tingin at sumandal sa upuan bago sya nag cross arms
"Party?"
"Yeah, a party"
"Tungkol saan?"
"Just go with me"
"Ano yun, sasama ako tapos di ko alam kung saan at kung tungkol saan ang party"
Nakakunot noo itong tumingin sa akin "Bakit ang kulit?" Napataas ang dalawa kong kilay dahil nag Tagalog sya, pag sya talaga nag salita ng Tagalog ang sexy lang
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomanceWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...
