"Ang aga mo umuwi?" Wika ni Jeya na nasa sala habang nanonood
Dumaretso ako sa kusina at kumuha ng tubig "Pinauwi na nya ako, ano pa gagawin ko doon!"
"E o bakit parang galit ka?"
Hindi ko sinagot si Jeya. Nababagabag pa rin sa nangyari kanina, ginawa ko ba talaga yun? Ngayon ko lang din na realize yung mga kaya kong gawin.
Tinuruan kami ng tatay ko mag arnis nung bata ako, tinuruan kami kung paano ipatanggol ang sarili.
Pero hindi ko inaasahan na magagawa ko yun sa isang inosenteng tao.
Galit ako at hindi ko nakontrol yun nung may bumangga sa akin.
"Ayos ka lang?" Nilingon ko si Jeya na nasa tabi ko na pala
"Oo ayos lang ako"
"Hindi ka ayos, may problema ba?" Tinignan ko lang si Jeya pero nag aalangan ako mag kwento sa kanya
Kaibigan ko sya at nay tiwala ako sa kanya, May mga bagay lang talaga na di dapat sabihin kahit kaibigan mo sya.
"Pagod lang siguro" wika ko "papasok na muna ako sa kwarto"
Nag lakad ako patungo sa kwarto ko. Wala ulit si Josefa. Umupo ako sa kama ko at napakagat sa labi.
Ang ingay ng katahimikan sa kwarto namin.
Tumayo ako at nag linis na lang ng kwarto para kahit papaano ay maging umaliwalas ang paligid ko pati ang isip ko.
Napakunot ang noo ko ng May nakita akong kumikintab sa sulok habang nag lilinis ako.
Bakit May foil dito?
Nag luluto ba dito si Josefa at May foil sya sa damitan.
"Aey!" Halos mapatalon ako ng marinig si Josefa
Halos napaatras ako ng hawiin nya ako.
"Bakit ka ba nangingiilam ng gamit!" Galit na wika nito
"Sorry" wika ko "Mag lilinis sana ako"
"Hindi mo na kailangan mag linis, malinis naman ang kwarto!" Sigaw nito
"E bakit nagagalit ka!? E bakit sumisigaw ka!?" Sigaw ko pabalik
Halos mag bago ang mukha nya "s-sorry"
"Ano ba ang nangyayari sayo Josefa"
"Wala wala"
"Hindi kita maintindihan" wika ko at nilagpasan sya bago umupo sa upuan "Pasensya kung ginalaw ko ang gamit mo"
"Pasensya din"
Nakatingin ako sa repleksyon nya sa salamin sa harap ko "Bakit kasi May foil dyan sa cabinet mo"
Tumingin sya sa salamin. Ngayon ko lang napansin na sobrang laki na ang Pinayat ni Josefa. Ano ang nangyayari sa kanya.
"Nag luto ako nung nakaraan, tapos..." Umiwas ng tingin si Josefa "...napasok ko yata ang foil dito"
"Okay..."
Tumingin ulit sya sa akin "Sana next time, kahit nasa iisa tayong kwarto, magkaroon tayo ng pribadong gamit" wika nya, humarap ako ng tuluyan sa kanya "Kahit ano makita mo sa gamit ko, huwag mo na lang sana pansinin"
"Sorry ulit" wika ko, tumalikod sya at lumabas ulit
Ano ba ang nangyayari kay Josefa, parang nag iiba sya nitong mga nakaraang araw.
__________________________________
"Gusto nyo sumama?" Napatingin kami kay Rikki
Mag alas sais na ng gabi at nasa sala kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
Roman d'amourWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...
