RIKKI'S POV
Nagising ako sa dahil sa liwanang na tumama sa aking mata. Dahan-dahan ko idinilat ang aking mata at tumingin sa paligid. Ibang iba na ang itsura ng paligid kumpara kagabi.
Umupo ako mula sa aking pagkakahiga, una kong hinanap ang lalaking kasama ko kagabi nang hindi makita ng mata ko ang lalaking iyon ay tumayo na ako at nag simulang mag lakad sa loob ng palikuran at naligo bago nag bihis.
Nang matapos ako mag bihis ay aalis na sana ako nang bigkang bumukas ang pinto at niluwa nito si Anton na aking kalaro kagabi.
"Aalis ka na?" tanong nito at nilapag ang supot na kanyang dala "May dala akong pagkain, kain muna tayo"
Hindi pa rin mag proseso sa akin ang nangyari sa amin kagabi.
"Nakausap ko na si Mr. Martinez, salamat at malaking tulong sa amin ang impormasying binigay mo" wika nito at umupo sa upuan "Pero may isa syang hiling kapalit nun ay buhay ng natin at anak natin"
"Ano yun?" sagot ko
"Buhay ni Apolline Marquez" nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi "Yung putang kasama mo"
AEY'S POV
Halos may isang linggo na simula nang makauwi kami mula sa aming paglalakbay at halos may isang linggo ko na din di nakikita si Mr. Tob at halos may isang linggo na din ako nasa bahay at di lumalabas buti na lang ay hindi ako kino-contact ni Ms. Rainbow at pinapabalik sa kung saan kami nag tratrabaho, pero kung sabagay ay kasama sa pinirmahan kong kontrata na hanggat hindi natatapos ang pinirmahan ko ay hindi ako babalik sa kung saan ako nag tratrabho.
"Parang may iba kay Rikki no?" wika ni Josefa habang nag susuklay ng buhok, umupo ako mula sa aking pagkakahiga at nilapag ang librong aking binabasa
"Parang hindi naman, paano nasabi?" wika ko
Lumingon sya sa akin "Hindi mo ba talaga pansin?" umupo ito sa kama "Simula nang dumating tayo mula parang may iba, parang may something sya na tinatago"
Sa totoo nyan ay pansin ko ang pagbabago na sinabi ni Josefa, pero hindi ko alam kung sa akin lang ba ilang si Rikki o sa lahat din. Hindi ko naman din kasi ugali ang mag tanong at baka may pinagdadaanan lang sya kaya sya ganun.
"Pero sa tingin mo, okay lang sya?" muling tanong ni Josefa
"Ang huling usap natin sa kanya ay yung tungkol sa anak nya at una nyang pag uwi dito, malay natin may kinalaman ang pag babago nya ay dahil sa anak nya"
Nag kibit balikat si Josefa at umupo sa upuan at nag simula mag ayos. Kinuha ko ulit yung librong binabasa ko at simula mag basa.
"Nga pala, hindi ko na nakikita si Mr. Martinez" wika ulit ni Josefa
"Baka busy lang" saad ko habang di nakatingin sa kanya
"Hindi ka ba nababahala na baka may iba syang ginagawa?" sinarado ko ang libro na binabasa ko "I mean, alam kong alam mo na ang ginagawa nya, hindi ka naman siguro tanga kung after mangyari yung trahedya na yun, ay hindi mo pa rin alam kung ano sya"
"Yung tungkol sa pagiging parte nya ng kung ano man?" wika ko
"Tungkol sa pagiging mafia boss nya, hindi lang sya parte ng kahit na anong illegal na aktibidad, pero sya ang namumuno ng kahit na anong illegal"
"Na kuwento na sa akin ang bagay na yun"
"Hindi ka ba natatakot na baka sakaling madamay ka? Ang pamilya mo?"
"Ikaw ba, hindi ka din ba natatakot na baka sakaling madamay ang pamilya mo sa gingawa mo?"
Huminga sya ng malalim at tumingin sa akin mula sa salamin "Kung alam lang kung gaano ako natatakot, pero hanggat di nila nalalaman kung ano ako at kung nasaan ang pamilya ko, hindi ako natatakot"
"Hindi tanga si Mr. Yu, paano mo nasabi na hindi nya alam ang tungkol sayo?"
"kung baka sakaling alam nila ang tungkol sa akin ay alam kong kaya sila protektahan ng mga tao na naging dahilan kung bakit ako nandito" Tumayo sya at lumapit sa akin "kaya ko protektahan ang sarili ko, pero natatakot ako na baka hindi kita ma protektahan laban sa taong mga nasa paligid mo"
Tumayo ako at hinawakan ang kanyang kamay "Kaya ko ang sarili ko, salamat, pero Josefa wag kang aabot sa punto na masasaktan ka para lang protektahan ako, sabihin mo sa akin kung ano ang mga bagay na kailangan mo o mga bagay kung saan ka nahihirapan, sabay tayong dumating dito at sabay din natin malalampasan ang bagay na ito"
____________________
LUMIPAS ulit ang isang linggo na halos paulit-ulit na lang din ang ginagawa ko at ngayong gabi ay wala ang mga kasama ko at nag pasya ako na kumain sa labas dahil ako lang naman mag isa at dahil gusto ko mag tipid. Sa isang fastfood lang ako kumain.
"1pc spicy chicken, rib part, upgrade yung drinks into float, large na yung fries, tapos alacarte ng spag, tapos medium meal din ako chicken spag orange juice ang drinks at dalawang ice cream" diretso kong wika sa counter
"Sorry maam sa kioks po muna tayo, dito na lang po sa counter ang payment" nangunot ang tingin ko sa kahera bago tumingin sa paligid, wala naman masyado tao "Dine in po ba o take out?"
"Dine pero take out yung chicken spag meal" nakangiti kong wika nang nag simula na itong mag pindot sa kanyang screen
"Serve na lang po sa table nyo"
Kinuha ko ang binigay ng kahera at nag simula nang mag lakad patungo sa sulok bago umupo. Tumingin ako sa labas, umuulan at mukhang walang balak tumigil ang ulan.
ROAVE'S POV
Umuulan at halos wala akong magawa ng halos ilang linggo matapos namin dumating sa unsuccssfull o successful transaction namin.
Kumagat ako ng tinapay at uminom, pupurgahin na yata ako sa monay na ito. Isinandal ko ang ulo ko at hindi inaalis ang mata sa inuutos ni Mr. Martinez sa akin, dahil sa oras na mawala ang tingin ko sa trabaho ko na ito baka sa liblib na lugar na lang makita ang bangkay ko.
"Tangina" halos mag panik ako ng makita ko si Miss Aey na papalapit sa sasakyan ko habang dala ang isang plastic, halos mag taasan ang balahibo ko ng ngumisi ito habang naglalakd, naka hoody itong itim at halos sumabay sa kulay ng hoody nya ang kanya aura habang papalapit sa akin.
kahit tinted ang aking sasakyan ay mukhang alam nya na ako ang nasa loob. Tumingin ako sa gilid ko kung saan sya nakatayo at kumatok sa bintana. Wala akong balak mag pakita o ibaba ang aking bintana ng mag simula sya kumatok ulit. Binaba ko ang bintana ko pero sasakto lang upang di nya makita ang mukha ko para kahit paano ay hindi nya ako makita.
"Baka nagugutom ka na, Roave" napamura ako sa isip ko ng banggitin nya ang pangalan ko "Baka din kasi nag sasawa ka na sa tinapay na kinakain mo, sige na kunin mo na ito" tinaas nya ang plactic na hawak nya "Wag kang mag-alala hindi tayo nag kita at hindi kita nakita" hindi ko alam pero halos lumabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa kaba.
To be continued
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
ActionWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Biglang isang mabilis na anino ang humarang sa kanya mula sa isang madilim na eskinita. B...
