XXXIV

947 1 0
                                        

Nasa mall pa kami kung saan kami kumain, may mineet din si Mr. Tob na isang business partner.

Kaya pala dito din kami kumain para less hassle sa kanya.

Hindi na ako sumama sa kanya at sinabi na mag kita na lang ulit kami sa kung saan kami kumain kanina.

Hindi naman na ito umangal dahil wala naman itong pakielam sa akin. Kung pagsalitaan nya nga ako kanina para akong di tao kung tapak-tapakan nya.

Kung hindi ko lang kailangan ang pera di naman ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. Di ko rin naman ginusto ito, sadyang wala na talaga akong ibang pag pipilian pa.

Nakaupo lang ako at nakikinig sa grupo ng tao sa gilid na nag kakantahan.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at nag lakad lakad.

Dapat pala sinabi ko na uuwi na lang ako at babalik sa kanyang opisina sa oras na kailangan nya ako. Ginagala ko ang tingin ko at sinusubukan na libangin ang aking sarili.

Napatigil ako ng maramdaman ko ang pagyanig ng paligid ko.

"Na lindol ba?" Tanong ko sa sarili ko

Halos mabingi ako ng May malakas na pagsabog.

JOSEFA'S POV

Pagkatapos may mangyari sa amin ng isa kong kustomer ay iniwan ako nito sa loob ng kwarto.

Madali akong nag bihis at dahan dahan na nag halungkat sa kanyang gamit.

Sana may makuha ako.

Hindi ako nag nanakaw, kinukuha ko lang ang dapat na sa akin.

"Really?"

Napatingin ako sa pintuan. Nag lakad ako papalapit at binuksan ng maliit para sumilip.

"I know" wika nito habang pinag lalaruan ang kutsilyo na hawak nya

Ilang beses ko na sya nakalaro sa kama, kilala ko na sya at medyo alam ko na  ang takbo ng kanyang utak.

Sa ilang Linggo ko na sya nakakasama at halos sya na din nag bibigay ng ilang bagay na illegal ko na binebenta ay natatakot pa rin ako sa kanya.

Gustuhin ko man na sya layuan pero lagi nya ako nahahanap. Kilala nya ang pamilya ko at binantaan nya ako na sa oras na kumalas ako sa aming kasunduan ay uubusin nya ang pamilya ko.

Marami na syang pinatay na tao kung kaya ay nagagambala pa rin ako na baka ano mang oras, pag wala na akong silbi ay bigla na lang nya tapusin ang buhay ko.

Alam ko ang bawat trabaho na meron sya at halos lahat yun ay illegal.

Isa sa trabaho na hindi ko masikmura na ginagawa nya ay pag kuha ng laman loob ng tao bago nya gawin isang karne at ibenta.

Simula ng malaman ko iyon natatakot na ako kumain ng mga delata o kahit na anong karne.

Gustuhin ko man kumanta at isumbong sya sa pulis pero di ko magawa. Matunog ang pangalan nya, may pera at kaya nya paikutin ang bawat tao sa pamamagitan ng pera.

May criminal records na din sya sa Japan at kilala ang kanyang pamilya. Isang sindikato.

Hindi o walang tao ang nakakapag pigil sa kanila. Dahil katulad nga ng sinabi ko, mapera sya, at kaya nya paikutin ang lahat.

Maraming pwedeng gawin ang pera.

"Apolline Martinez?" Napatingin ako sa kanya "I already did, her father died and her mother still breathing" sarkastiko itong tumawa "I will never scared at them, I already kill half of them, and I'm sure, their meat is delicious like a pig, maybe soon, not now but soon"

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon