Naka upo ako sa couch sa loob ng opisina ni Mr. Tob.
Habang si Mr. Tob. Ayun nag babasa.
Normal lang ang araw na ito para sa akin.
"Goodmorning Mr. Martinez" napatingin ako sa pumasok "Goodmorning, Ms. Apolline"
"Morning" bati ko kay Rohan, nag lakad ito patungo kay Mr. Tob at binigay ang isang Folder
"Il signor Yu è dietro tutto questo" nakatingin lang ako sa kanila na nag uusap
Tumingin sa akin si Mr. Tob "Dove sono roave e jara? portala fuori di qui prima"
Tumayo ako "Importante ba ang pag uusapan nyo?" Wika ko mukhang importante kasi at di kailangan ang presensya ko
"Lei non capisce l'italiano, vero?" Wika ni Rohan
"Cosa ne pensi?" Tumayo si Mr. Tob at lumapit sa akin
Tinignan nya ako diretso sa mata "Do you want to eat?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng makaramdam ako ng kaba. Ewan ko kung kaba ba ang nararamdaman ko.
ROHAN'S POV
Sinundan ko ng tingin si Mr. Tob na papalapit kay Ms. Apolline.
Ngayon ko lang nakita na ganyang ang tingin ni Mr. Tob sa isang babae. Madami na syang babae na nakasama pero ngayon lang talaga sya tumingin ng ganyan.
Matinik sa babae ang kababata ko na ito, sana laro lang din sana kanya si Ms. Apolline.
"Do you want to eat?"
Napaiwas ako ng tingin. Patay na. Ilang araw o Linggo pa lang sila magkasama, pero hindi naman, kilala ko si Mr. Martinez, walang seryosong bagay o tao sa kanya.
Napansin ko ang pag-iwas ni Ms. Apolline ng tingin kay Mr. Martinez.
Una kong makita si Ms. Apolline, alam kong hindi lang din sya simpleng tao, mas una ko syang nakilala bago pa man makilala ni Mr. Martinez si Ms. Apolline.
"Rohan, buy us any food" utos ni Mr. Martinez habang di inaalis ang tingin kay Ms. Apolline
"Copy" wika ko mababaw akong tumungo bago nag lakad palabas
"Goodmorning, Mr. Fermin" bati sa akin ng sekretarya
"Goodmorning" ngumiti ako nang batiin ko sya, bigla naman ito namula
Tss—ganun ba ako kagwapo para kiligin sya ng halata
Umiling lang ako at nag lakad na nang tuluyan palabas.
Habang nag lalakad naman ako ay binabati ako ng ilang babae na nakakasalubong ko, pati na rin ilang lalake.
"Oh, Jara, you are here" bati ko ng makasalubong ko si Jara
"So you are here too" wika nya habang Naka taas ang isa nyang kilay magkapatid nga kayo ni Roave—para syang babaeng version ni Roave, pero di katulad ni Roave ay pala-ngiti ang lalake nyang kapatid, di tulad nito ni Jara para syang pinag sakluban ng langit at lupa
Ewan ko ba pero sa pag nakikita ako nito laging nakakunot ang noo.
AEY'S POV
Nang makaalis si Rohan ay may inaasahan akong mangyayari sa amin ni Mr. Tob, pero kasabay ng pag-alis ni Rohan ay pag balik ni Mr. Tob sa kanyang lamesa.
"So tell me about yourself?" Wika nya
Nangunot ang noo ko, bakit bigla syang naging interesado sa akin.
Lumapit ako at umupo sa upuan sa harap ng kanyang lamesa.
"Give and take" wika ko "I tell my story, you tell yours"
Syempre gusto ko din sya makilala kahit papaano.
"I'm the eldest among the four, and you?" Tanong ko "Where do you fall in the birth order of your family?"
"Only son" sagot nya"About your mother?"
"What about my mother?" Tanong ko
"Tell me about your parents"
Tinignan ko sya ng ilang segundo bago ko sya sagutin "Simpleng magsasaka lang ang magulang ko sa probinsya, May maliit kaming sakahan" hinimas nya ang ulo ng baso, may salita ba syang hinahanap? "Hindi boto ang magulang nang nanay ko sa tatay ko, dahil isa lang magsasaka ang pamilya ng tatay ko, nabuo ako, dahilan para palayasin ng mga lola at lolo ko ang nanay ko, may sariling pabrika ang pamilya nang nanay ko, dahil nga asawa sya ng tatay ko, walang nakuha ang nanay ko kahit piso sa kanila" kwento ko "ikaw?"
"They are both dead"
"Patay na din ang tatay ko—sa sakit" wika ko, alam kong napa background check na nya ako, pero sa dahilan nang pagkamatay ng tatay ko di ko sinabi, ano pa ang saysay sa pagkwento ko sa kanya tungkol sa buhay ko, kung alam na nya ang totoo
Unless "May gusto ka pa bang malaman tungkol sa akin?"
"Nothing" wika nya at bumalik sa atensyon ng mga folder
Kinuha ko ang isang folder at binasa. Tungkol ito sa isang property sa Tagaytay. Isa syang architecture design ng property sa Tagaytay.
Maganda sya malaki. Naalala ko nga pala na engineer din si Mr. Tob.
More on architecture design ang laman ng folder, iisa ang lugar, sa Tagaytay pa rin. Sa ilang araw akong nandito nalaman ko din sya ang halos mayari ng mga 5-star hotel sa buong Pilipinas at buong Asya. Siempre nag search din naman ako sa Google kung sino ba talaga ang isang Dylan Tobias Martinez.
Ang nakalagay pa na most youngest billionaire in Asia, wala nga lang picture na nakalagay. Pero matatawag ko bang swerte ang sarili ko dahil kasama ko sya at May nangyari sa amin.
"Maganda ang view nito kung maitatayo sya" wika ko "Ito yung design number 5, maganda ang design nya, more on glass, mas ma appreciate ang ganda ng Mayon volcano pag ganito, alam mo yun, people nowadays, mahilig sila mag picture, like kahit simpleng bagay, nagandahan lang sila, click, picture na agad.
Isa pa, isa ang Tagaytay sa May magandang tanawin, hindi masyado mainit at di rin masyado malamig, puntahan din ng ilang tao, kaya papatok yang building na yan. Di ka naman na din mahihirapan i-promote yan, kasi nga, konting click, upload sa social media–then boom promote na yang hotel na yan" nag tingin pa ako ng ilang design
"You are interested to architecture design huh?" Wika nya
"Oo, kung naituloy ko ang college, dalawa lang yan sa gusto ko, ang maging architecture o maging psychiatrist"
"Psychiatrist?"
"Hmm... Gusto ko maging architecture para maitayo ang dream house ko, gusto ko maging psychiatrist kasi..." Napatigili ako, bakit nga ba gusto ko yun? "I want to know, why do people need to experience anxiety or depression? Totoo bang nasaisip lang natin sila? Totoo bang gawa gawa lang ng isip ang ang depresyon? Siguro yun yun ang dahilan"
"You can go back to school"
"Tss, sa susunod na lang, kailangan ko muna tulungan ang kapatid ko"
"I'll help your siblings, and you, to go back in school"
"Huh?" na pa pause sya habang nakatingin sa akin "I mean tutulungan mo ako makapag aral ulit?"
"Ill never repeat what I said" wika nito at binalik ang atensyon sa kanyang binabasa
"Pero kung totoo man yung narinig ko, sige, kahit maging katulong mo ako, taga luto, taga linis ng bahay, o kahit maging secretary mo, o kahit taga punas ng bintana ng building na ito, gagawin ko" halos di mawala ang ngiti ko sa labi ng marinig ko iyon
Gustong gusto ko talaga makapag tapos ng pag-aaral. Yun ang gusto nila nanay at tatay sa amin.
"Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, thank you" nakangiti kong wika
Tumingin sya diretso sa mata ko "Really? Will you do anything I want?"
Napalunok ako dahil sa tingin nya at mukhang alam ko na ang gusto nya din mangyari sa amin.
To be continued
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomanceWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...
