XXXIX

1K 3 1
                                        

"Anong mas bagay, nakalugay o naka pusod?" Tanong ni Jeya

"Kahit anong ayos naman maganda pa rin" wika ni Josefa

"Oo nga no..." mula sa salamin nakita ko ang repleksyon ni Jeya na umayos sa pag kakaupo "...Bahala ka na po kung anong ayos" sabi nito sa nag aayos ng kanyang buhok

Nag hahanda kami ngayon dahil katulad ko ay kasama namin sila Josefa at Jeya sa party na mangyayari mamaya.

Mula sa akin kina-uupuan ay tahimik lang ako habang inaayusan.

Hindi ko maiwasang kabahan dahil tulad nga sabi ni Mr. Tob ay nandoon ang iba nyang relatives so meaning makikita ko o makikila ko ang kamag-anak nya.

Wala naman ito sa kontrata na pinirmahan ko. Pero dahil trabaho ko at bilang isang pekeng babae nya na fiancé nya ay kailangan ko gawin ito.

Huminga ako ng malalim.

Hindi naman ako sanay makipag kita sa kamaganak ng kung sino. Ano na lang din sasabihin ko kung tatanungin ako kung ano ang relasyon ko sa taong iyon. Pero dahil trabaho ko malamang kailangan ko nanaman mag sinungaling.

Tinignan ko mula sa repleksyon ng salamin ang aking sarili.

Kulay itim ang aking suot may slit ito sa aking kaliwang binti.

Habang kay Jeya at Josefa ay kulay itim din katulad sa akin, kay Josefa off shoulder kay jeya naman ay pa long sleeve mesh naman sa kanya. Habang ang akin ay long sleeve ang sa kanan ko habang ang kaliwa ko ay off shoulder.

Tinali namna pataas ang aking buhok at nag iwan sa mag kabilang mukha ko ng konti.

"Miss" inabot sa akin ng babae ang isang box at pag bukas ko nito ay isang maskara na hindi sasakop sa buong mukha ko

"Mascara?" Wikang tanong ni Josefa

"Masquerade party" mula sa repleksyon ay nakita ko ang pag pasok ni Rohan "Ready, girls?" Tanong nito

"Born to be" tumayo si Josefa

Tumayo din ako at humarap sa kanila bago sinuot ang maskara.

Diretsong naglakad si Josefa at tumigil sa gilid ng pinto bago tumingin sa akin at sumenyas gamit ang ulo na parang nag aaya na din lumabas.

Huminga muna ako ng malalim bago nag lakad na din.

Pag labas namin ng silid ay nakita ko si Mr. Tob na nakatalikod na nakatayo at nakatingin sa malaking bintana.

Walang emosyon itong humarap sa akin at tinignan ako nito mula ulo hanggang Paa.

"Not bad" huling wika nito bago diretsong lumabas habang hindi na uli ako nito nilingon

Nakasakay na kami ngayon sa isang yacht kung tawagin nila. Nasa loob naman kami ng isang kwarto kasama ko sila Jeya, Josefa at si Jara.

Ang sabi ni Rohan ay sa isang malaking yate naman na nasa gitna ng karagatan gaganapin ang party.

Nakaupo si Josefa habang may binabasang folder habang si jeya ay kumukuha ng litrato sa gilid.

Nag pupunas naman ng baril si Jara.

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang lumingon si Jara sa akin na agad ko naman ikinaiwas nang tingin at binalik ang paningin sa labas.

Sa gitna ba ng Pacific ocean ang party na iyon at bakit parang ang tagal ng bayhe namin.

May halos 20 o 30 minutos ang tinagal namin sa gitna ng karagatan nang sa wakas ay naaninag ko ang isang malaking yate na sinasabi ni Rohan.

"Gigayatch" nilingon ko ang nag salita sa gilid ko, si Jara "That's what it's called"

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon