XXXI

1.1K 3 0
                                        

Nakatingin ako sa kamay nya na may kalmot. Mas lalong nag patunay na hindi ako pwede mag Kamali at totoo ang nangyari kagabi.

Bakit gusto nya ako saktan?

"What are you looking at?"

"Sino ka ba talaga?"

"What?"

Hindi ko namalayan na napalakas na pala ang dapat sa isip ko lang sinabi.

"Hindi kita masyado kilala, hindi ko alam ang background mo, pero parang kilalang kilala mo na ako"

"Do I need to tell you, who really am?"

"Bakit hindi? I mean alam mo at kilala mo na ang pamilya ko, pero ni isa hindi ko alam nag tungkol sayo"

"You don't want to know" wika nya at binalik ang pag susulat at pag babasa nya

Hindi ba sya nag sasawa na mag sulat at mag basa ng kung ano ano? Buong buhay nya ba ganyan ang kanyang ginagawa?

"Do you think, I will ask you if I don't want to know?" Wika ko

"You don't need to know"

"About the scratch in your hand, what happened?"

Sinara nya ang libro na binabasa nya "La ragazza che sa molto verrà uccisa" napalunok ako, ngayon ko lang syang nakita na ganun tumingin, parang pambabanta ang kanyang binigkas "You can go home now"

Tumayo ako at tumalikod, mag lalakad na sana ako palayo pero humarap ako sa kanya "Masabatka met" wika ko, nangunot ang noo nya

Tumalikod ako at nag simula na ulit mag lakad palabas.

Akala nya sya lang marunong.

Napatingin ako sa oras ko at alas tres pa lang ng hapon.

Edi umalis, edi umuwi.

"Good afternoon Ms. Apolline" hindi ko pinansin ang pag bati ni Rohan at sumakay lang sa elevator

Hindi ko ini-expect na magagawa nya na saktan ako, pero sigurado akong sya iyong lalake kagabi, lalo pa nag patibay sa aking hinala ang kalmot na ginawa ko sa kanya.

Hindi ko inaasahan na magiging mabait sya sa akin kasi sino ba naman ako, isa lang naman akong babae na mababa ang lipad, pero kahit ganun naman, di rason iyon para saktan ako o kung ano pa man.

Hindi ko sya kilala pero parang mas kilala na nya ako, marami syang koneksyon, marami syang pwede gawin, oo, kilala sya, mabango ang pangalan nya, pero yung manakit ka ng kapwa, hindi sasapat iyon para respetuhin ka.

Halos mag-init ang buo kong mukha dahil sa galit sa kanya, gusto ko sya saktan pero di ko magawa. May paraan pa ba ako para makaalis at makawala sa kanya.

Ang tagal matapos ng ilang buwan para makaalis ako sa kanya.

"Aray!" Sigaw ko ng may sadyang bumangga sa akin at hinila ang kamay ko

Agad naman ako naging alerto sa ginawa nya upang mabilis ko syang naitumba sa sahig na hindi ko namalayan.

"Ms. Apolline!" naramdaman ko ang paghila sa akin

Nakita ko ang lalake na halos mahirapan tumayo habang hawak ang kanyang leeg.

Nasaktan ko ba sya?

Roave's POV

Nakatingin lang ako kay Ms. Apolline na tulala. Isa ako sa tauhan ni Mr. Martinez na kumuha ng painting na bidding noong nakaraan.

Hindi din ito ang unang pagkakataon na makita ko si Ms. Apolline. Pero ito ang unang pagkakataon na makita ko sya na walang hirap na naitumba ang lalake. Ang mapungay nyang mata ay parang lumiyab habang nakaibabaw sya sa lalake at hawak ang leeg nito.

Ngayon naman wala syang emosyon na nakatulala sa kung saan.

Ang misteryo ni Ms. Apolline, bukod sa pangalan ng magulang nya, hindi ko na alam ang tungkol sa kanya.

Pero alam kong kilalang-kilala na sya ni Mr. Martinez, kahit kaliit-liitang detalye ng buhay mo ay malalaman nya. Walang sikreto sa kanya.

"What happened?" Tanong ni Mr. Martinez habang nakatingin ng diretso kay Ms. Apolline na halata mo ding nag aalala

Bukod sa mga pamatay na tingin ni Mr. Martinez sa amin, ngayon ko lang sya nakita na ganun tumingin at kay Ms. Apolline pa

Nakita ang pag kurap ni Ms. Apolline, tinignan nya si Mr. Martinez.

"Uuwi na ako" nag simulang mag lakad si Ms. Apolline

Hinawakan ni Mr. Martinez ang braso ni Ms. Apolline "No stay here"

Tinignan sya ng masama ni Ms. Apolline, nakita ko ang pag lunok ni Mr. Martinez bago nya tinanggal ang pagkakahawak nya kay Ms. Apolline at umiwas ng tingin.

"Sabi mo, I can go home" nakatingin na wika ni Ms. Apolline habang nakatingin kay Mr. Martinez "then I'll go home"

Tumingin si Mr. Martinez kay Ms. Apolline "I'll take you home"

"No need, kaya ko umuwi mag isa, sanay akong umuwi mag isa"

"Let me take you home" tunog nang mamakaawang boses ni Mr. Martinez

Shet, iba na ito.

"Pinapauwi mo ako mag isa noon, kaya sanay akong umuwi mag isa" tumalikod si Ms. Apolline

Susundan sana sya ni Mr. Martinez ng bigla syang humarap "Subukan mo humakbang dyan" bata ni Ms. Apolline bago tuluyan lumabas

Napahilamos si Mr. Martinez sa kanyang mukha "Fuck it damn!" Napatingin sa akin si Mr. Martinez "What are you waiting for?"

Hindi ko pa naintindihan ang ibig sabihin ni Mr. Martinez hanggang sa siniko ako ni Rohan "Sundan mo si Ms. Apolline ihatid mo" bulong ni Mr. Martinez

"Copy Mr. Martinez" wika ko

Yun at yun lang ang trabaho ko, madalas nakaka miss din pala yung away at gulo.

Hindi naman din totoo na hinahayaan ni Mr. Martinez si Ms. Apolline na umuwi mag isa. Kahit saan yata pumunta si Ms. Apolline nandoon ako.

Buti nga walang masamang nangyari sa kanya kagabi, bigla na lang din ako nawalan atensyon sa kanya dahil sa lalakeng bumangga sa akin.

Pero bakit kaya, parang halos ang daming nag babantay sa kanya.

Gusto ko makilala ng lubusan si Ms. Apolline pero di ko magawa.

Nagulat na nga lang din kami na fiancé sya ni Mr. Martinez. Pero hindi seryoso sa babae si Mr. Martinez pero ngayon ko lang din sya nakita na ganun tumingin sa isang babae.

Bukod sa una nyang nakarelasyon, ibang-iba ang tingin nya ngayon kay Ms. Apolline.

Sya na ba talaga ang babae na mag papalambot ng tuluyan sa matigas na puso ng isang Dylan Tobias Martinez.

Ems.

Alam kong di lang simpleng babae si Ms. Apolline, bukod sa misteryo sya, nakatira din sya sa tirahan ng mga babae na alam mong di maayos ang buhay.

Ilang araw ko ba naman sya nababantay, halos nabubusog ang mata ko dahil sa mga babae na nakikita ko sa kanila.

Halos makita ko din ang halos kalahatan sa loob ng bahay na iyon ay gising sa gabi at ibat-iba ang mga suot. Alam kong sila ang babae na gising sa gabi at tulog sa umaga.

Isa silang multo.

Emsss

To be continued




Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon