Roave's POV
Hating gabi na at halos nakauwi na sila Ms. Apolline.
Nasa tapat ako ng kanilang tinutuluyan. Patay na din ang mga ilaw.
Nag iisip pa rin ako sa mga sinabi Josefa kanina.
Hindi na sana ako magugulat kung bakit alam nya ang mga bagay na yun.
Pero parang mas madami ang alam nya kumpara sa mga bagay na alam ko.
Nakakapag taka din na kung paano at bakit napunta si Josefa sa ganung kalagayan.
Masyado magulo ang mundo na pinasok ni Josefa na pwede sya mamatay.
Halos nagising ang natutulong kong diwa ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Tinapon at inapakan ko ang sigarilyo ko bago ito sagutin.
"Mukha kang tanga dyan" wika ng kabilang linya ng sagutin ko ito, tinignan ko ang pangalan "Makakalimutin ka ba at pati boses ko hindi mo maintindihan?"
Huminga ako ng malalim, mag sasalita na sana ako ng maramdaman ko na parang May gumalaw sa gilid.
"Tangina" wika nya sa kabilang linya "Umalis ka na" mag sasalita pa sana ako ng maramdaman ko ang pag pukpok sa ulo at bigla na lang nandilim ang paningin ko
AEY'S POV
Umaga nanaman at isa nanamang nakakapagod na araw ang mangyayari.
Ang ugong lang ng aircon at orasan ang naririnig ko sa buong opisina ni Mr. Tob.
Ano pa nga ba ginagawa nya.
Nag babasa nanaman.
"Hay" hinga ko ng malalim napansin ko ang pag tingin nya sa akin bago nya binalik ang tingin nya ulit sa kanyang binabasa
Hindi nya ba napapansin ang ayos ko ngayon? Hindi nya din ba pansin ang bago kong buhok?
Kagabi din kasi ay naisipan namin mag ayos ng buhok. Nag pagupit ako ng maikli. Sabi nila Rikki bagay daw sa akin.
Ang itsura tuloy ng buhok ko ay maikli na kulot. Hindi naman sobrang ikli at kulot ang buhok ko, wavy lang talaga.
Kumpara sa mga suot ko din noon ay halos nag Simpleng polo ako at short.
Hindi din ako masyado nag lagay ng make up, mas bagay daw kasi sa akin ang simple lang.
Pero wala man lang ako narinig sa kanya na 'you look beautiful today'
Kinuha nya ang cellphone nya at nag pindot-pindot ng kung ano man ang pinindot nya.
Tumayo ako at nag lakad lakad sa harap nya. Habang tumatagal ay na boboring na ako sa kanyang opisina, halos May Linggo na din simula ng may mangyari sa aming dalawa.
"Are you hungry?" Rinig kong wika nya, tumingin ako sa kanya at nakatingin lang ito sa kanyang folder
Hindi ako sumagot at tumungo sa lalagyanan nya ng prutas bago kumuha ng saging.
Binalatan ko ito at kinain, buti hindi nabubulok ang mga prutas nya sa dito.
Nakatalikod ako sa kanya pero ramdam ko ang pagtingin nya sa akin. Naramdaman ko ang pag tayo at pag lakad nya patungo sa akin.
Naalala ko nanaman yung nangyari noong gabi. Nilapag ko ang saging sa lamesa nang maramdaman ko na nasa likod ko na sya.
Bigla ako humarap sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay pero naikot nya ako. Ang pwesto naming dalawa ay nasa likod ko sya habang Naka cross ang dalawang kamay ko na hawak nya.
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomansaWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...
