RIKKI'S POV
Nasa bakasyon kami at halos di kami nag kikibuan, masyadong awkward ito dahil kasama namin si Mr. Martinez.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinawagan ang dati kong asawa para sana makausap ang anak ko.
Pero katulad ng mga tawag ko nitong mga nakaraan, binabaan lang ako ng telepono.
Pumasok si Jeya "Mag eenjoy kaya tayo sa bakasyon na ito, shuta, para tayong mga pipe" umupo ito sa tabi ko
Hindi rin ako mag eenjoy kung ganito ang nangyayari sa akin, hindi ako matahimik hanggat di ko nakakausap ang anak ko. Anak ko na lang ang dahilan para lumaban sa araw araw na pagsubok, sya na lang ang dahilan ko para mabuhay, kung pati sya mawawala ng tuluyan, baka ikamatay ko. Sa boses na lang ng anak ko ako kumukuha ng lakas ng loob, pero kung pati boses nya ay di ko na marinig, ewan ko na lang.
"Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Jeya sa tabi ko ng pumitik ito sa harap ko
Huminga ako ng malalim "Ayos lang ako"
"Dapat pala di ko na lang tinanong, dahil base sa kilos mo ngayon, alam kong May problema"
"Nabalitaan ko na sinama ng dati kong asawa ang anak namin sa ibang bansa, hindi ko sila matawagan ngayon, Jeya alam mo kung gaano kaimportante ang anak ko sa akin, kahit boses nya lang marinig ko, pero di ko na alam ang gawin ko ngayon, tinatawagan ko sila, pinapatayan ako"
"Bakit di mo puntahan sa tinutuluyan nila"
"Sa tingin mo di ko sinubukan puntahan sila, nung pumunta ako, kaysa ko nalaman na wala na sila doon at ang sabi ay pumunta na sa ibang bansa kasama ang asawa nya at ang anak namin"
"Anong bansa daw?"
"Hindi nila alam" tumingin ulit ako ng malayo "Baka ikamatay ko ang labis na kalungkutan, wala nang magandang bagay ang nangyayari sa akin, sa anak ko na lang ako kumukuha ng lakas, pero inilayo pa sa akin" pinunasan ko ang luha ko "Pinanganak yata ako na may kakambal na sumpa"
"Pagsubok lang yan, subukan mo puntahan ang dati mong biyenan, alam nila kung saan na ba talaga ang nanunuluyan ang pamilya ng asawa mo, nanay yun at alam nya ang pakiramdam na malayo sa anak, siguro naman kahit papaano ay maawa sayo yun"
"Sinubukan ko na din makipag usap, pero lumalayo sila, tanginang buhay to, puro problema"
"Di ko na alam ang sasabihin ko, wala naman ako sa posisyon mo, pero tatagan mo lang ang loob mo, alam kong kakayanin mo yan"
"Hanggang kailan?"
"Lahat ng problema May solusyon, sa bawat bagyo, May bahaghari, sa bawat lungkot, May kasiyahan, sa bawat hamon, May magandang kakalabasan, kaya lumaban ka lang, wala tayong no choice sa mundong ito, kundi lumaban ng Lumban, isa tayong sundalo sa sarili nating gera"
Tumungo lang ako, kuha ko ang punto ni Jeya, pero sa mga salita bigkas nya, parang ayaw pumasok sa akin, masyado ako nakakain ng kalungkutan at nang isip ko. Kailangan ko na mabawi ang anak ko, yun lang.
Tumayo ako
"Saan ka pupunta?" Rinig kong wika ni Jeya
"Kailangan ko mabawi ang anak ko" wika ko
Nag lakad ako palabas at narinig ko pa ang pag tawag ni Jeya sa akin.
Dapat pala di na muna ako sumama sa kanila, kailang ko sulitin ang bawat araw sa pag hahanap kung nasaan ba talaga sila, kailangan ko makita ang anak ko.
Wala na akong pake kung ano ang pwede mangyari. Ilalaban ko ang anak ko, ilalaban ko sya ng patayan.
JEYA'S POV
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomanceWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...
