XL

1.2K 3 1
                                        

AEY'S POV

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba kami nandito. Halos sumakit na din ang aking paa.

Nasa mahabang lamesa naman kami ngayon at kanina pa nakabalik sila Rohan at Roave pero di nila kasama si Mr. Tob.

Tinanong ko naman kung nasaan sya pero sinagot lang ako ni Rohan na babalik din daw yun.

Napatingin ako sa orchestra na tumutugtog sa taas.

"Sayaw tayo" hinila ni Rohan si Josefa sa gitna, aangal sana ito pero wala na sya magawa

"Ayain mo naman ako sumayaw" wika ni Jeya, kausap si Roave

"Let's go" wika naman ni Roave at pumunta na sila sa gitna

Ngayon kaming dalawa lang ni Jara ang nasa lamesa.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi nya kanina habang kumukuha ng pagkain sila Josefa.

Nandito ang kapatid ni mama?

Bakit sila nandito?

"Ms. Jara" nilingon namin ng sabay ni Jara ang lalaking nasa tabi nito na nakalahad ang kamay, tinanggap ito ni Jara at tumingin sa akin bago kumindat

Ngayon mag isa ako sa lamesa nag mamasid sa paligid.

Josefa's POV

Nasa gitna kami ng dance floor kasama si Rohan.

Tinigan ko ang kinaroroonan ni Aey at nakita ko si Jara na nag lalakad kasama ang isang lalaki patungo sa amin.

"Don't mind her" tinignan ko si Rohan na nasa harap ko

"I do mind her, she's my friend—no she's my sister, they are my sisters, that's why I  mind them because I care about them"

"This is the first and last time that I'm gonna tell you this, this time you are in danger"

"Alam ko" sagot ko habang nakatingin sa mata nya "Simula ng pinasok ko ang ganitong bagay, tanggap ko na, alam kong kaya nila protektahan ang pamilya ko kung sakali na mawala ako"

AEY'S POV

[Play nyo guys yung Everything I own]

Mula sa lamesa ay nakatingin lang ako sa mga kaibigan ko na nasa Dance floor. Sa totoo lang hindi ko pa nararanasan ang maisayaw sa ganitong handaan.

Tumingala ako at tinitigan ang malaking chandelier na nasa gitna.

Totoo kaya ang mga bato na nandito?

"*Ehem*" nilingon ko ang boses sa gilid ko

"Buti bumalik ka pa" wika ko bago binalikan tingin sa Dance floor

"Wanna Dance?" Tinignan ko ulit ito, bago ako nag lakad sa gitna

Sumunod naman ito at nilahad ang kanyang kamay na tinanggap ko din at nagsimula kaming mag sayaw.

Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata habang kami ay nagsasayaw. Hindi ko alam pero parang may kung ano sa aking tiyan na parang kumulo, di ko alam kung ano ang meron sa dibdib ko na parang bumilis ang tibok nito, hindi ko alam pero parang bumilis ang galaw ng paligid pati ang mga tao.

Umiwas sya ng tingin sa mata ko at ganun din ako bago huminga ng malalim.

Napatingin ako kay Jeya at ngumiti lang ito na agad ko din sinuklian ng ngiti din.

Natapos ang aming pag sasayaw ng matapos din ang tugtog ng orchestra bago kami bumilik sa aming lamesa.

Pag balik namin ay tinignan ko ang mga kasama ko.

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon