Roave's POV
Hila hila ko si Ms. Aey palabas ng may isang pagsabaog nanaman ang aming narinig patungo ko sa aming lalabasa.
"Fuck you, Brix" I said
"Pasensya na kaibigan hindi ko yata napansin na meron pa" wika ni Brixx mula sa aking earpiece
"Siguraduhin mo lang na wala ng bomba sa aming dadaanan, kundi ako mismo mag papasabog sayo" banta ko kay Brixx
"Sigurado na akong wala na kaibigan
Puno na nang ingay ng putok ng baril at usok dahilan para mahirapam kami gumalaw,
"Roave" rinig kong wika ni Mr. Martinez
"Hindi pa kami makalabas dahil sa kapal ng usok"
"Window" tumingin ako sa taas at sinunod ang nag salita mula sa earpiece
"Miss Aey" tinuro ko ang bintana sa taas "Can you do it?"
"Is there a choice?" tanong nya
"No," tumayo siya at naghubad ng heels bago lumapit sa bintana at iniangat ang sarili palabas. Ginawa ko rin ang ginawa niya at tumalon. Halos mabingi ako sa narinig kong putok ng baril at malamang may mga organisasyon na dito na nagsimulang gumalaw.
Tumakbo kami at halos wala akong na-miss at pinaputukan sila at kung saan man sila tamaan, buhay man o hindi, hindi mahalaga. Tatalikod na sana kami nang may nakita akong grupo ng mga lalaki na papunta sa direksyon namin, hindi dahil sa duwag ako, umatras kami, kung hindi ko lang kasama si Miss Aey-malamang nagawa ko na at barilin sila. Lumingon kami at binuksan ko ang isang pinto na akala ko ay storage room. "Dito ka na lang Miss Aey"
"Bakit saan ka pupunta" tanong niya sa garalgal na boses, kailangan kong gawin ito, kailangan ko siyang iwan para hindi malihis ang atensyon ng mga estranghero "Please don't leave me"
"I'll back to you Miss Aey" tumalikod na ako at lumabas bago tumakbo"Mr. Martinez?" Tinawag ko ang earpiece ko pero walang sumasagotNgayon wala na talaga akong choice kundi bumalik kay Miss Aey.
AEY'S POV
Napayakap ako sa aking hita habang nakaupo, malaki ang kwarto kung nasaan ako pero parang hindi ako makahinga dahil parang sobrang sikip. Hindi ko alam gagawin ko at parang mababaliw ako dahil hanggang ngayon ay rinig ko ang putok ng baril at ilang pagsabog mula sa labas.
Tumayo ako ng marinig ang kalabog mula sa labas ng pintuan. Tumakbo ako sa sulok at kinuha ang pwede kong manangga. Nakita ko naman ang biglang pagbukas ng pinto at pag pasok ng isang lalakin duguan, nang makapasok sya ay sinarado nya ang pinto at narinig ko ang mabigat nyang paghinga.
Halos di ako pakahinga ng matabig ko ang isang lalagyan dahilan para ito ay mahulog.
"Who are you?! Show yourself!" nakataas ang baril nito na nakatutok sa gawi ko
Lumabas ako habang nakataas ang kamay "Please" wika ko at binaba ang hawak ko "Wala akong kahit anong hawak, ibaba mo yang baril mo, pakiusap, ako si Aey"
"I don't..." naputol ang kanyang sasabihin ng may lumabas na dugo mula sa kanyang bibig na syang kinagulat ko din, "Don't you dare move"
Hindi ko pinansin ang sinabi nya at lumapit ako sa kanya at tinulungan sya umupo sa sahig, kahit madilim ay nakita ko ang dugo mula sa kanyang tagiliran, hindi ito tama ng baril dahil base sa punit ng kanayng suot.
"Fuck it martinez" bulong nito "Let go of me" tabig nito sa aking kamay
"Martinez? Tobias Martinez?"
"You know him?" hinila nito ang ulo ko at sinandal ang noo nya sa noo ko "If I die tonight... tell him... see you in hell" kahit hirap sa pag sasalita ay nag banta ito
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
ActionWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Biglang isang mabilis na anino ang humarang sa kanya mula sa isang madilim na eskinita. B...
