AEY'S POV
Hindi ko maidilat ng buo ang aking mata dahil sa aking panghihina, pero puro puti lang ang aking nakikita.
"Wala syang alam" wika ng lalake
"Sa tingin mo?" Wika ng isang lalake
"Oo kung meron man at kung May pakielam ang pamilya nya, kanina pa silang nandito"
Gusto ko sumabat sa kanilang pag uusap, pero walang boses na lumalabas sa aking bibig.
Hindi ko narinig ang sumunod nilang pinag usapan ng May biglang malakas na pagsabog.
Narinig ko ang ilang takbuhan at ilang putok ng kung ano pa man.
"Apricity" naaninag ko ang bulto ng isang lalake na nasa harap ko pero malabo pa rin ang paningin ko
__________________________________
"Aey" nararamdaman ko ang pag-alog ko pero di ko maidilat ng mata ko "oy aba kanina pa nag aalarm ang cellphone mo"
Tuluyan ko naidilat ang mata ko at nakita ko si Josefa.
"Ano mas puyat ka pa sa akin?"
Umupo ako sa pagkakahiga "Nasaan ako?" Wika ko habang hawak ang aking ulo
"Malamang nasa kwarto natin, nasaan ka ba?" Nilibot ko ang paningin ko
Alin dun ang panaginip lang?
Panaginip ba yung may makaaway ako kagabi? Panaginip ba yung nakita at narinig ko? Panaginip ba yun?
"Naguguluhan ako" wika ko
"Saan?" Tanong ni Josefa "Nag aadik ka na din ba?" Napatingin ako kay Josefa "Daig mo pa ang nag aadik, bahala ka na nga dyan, matutulog na ako" tumayo ito at humiga sa kanyang kama
Kinuha ko ang cellphone at mag alas-siete pa lang ng umaga.
Isang mensahe naman ang pumasok sa cellphone ko.
"One o'clock in the afternoon" basa ko, nangunot ang noo ko, sino ba ito at ano ibig nyang sabihin
Tinawagan ko ang numerong nag text sa akin at segundo lang ang tinagal nang May sumagot.
Hindi ito nag salita at hindi rin ako nagsalita.
"Hello?" Wika ko wala pa ring sumagot "Trip mo?"
Huminga ito ng malalim at doon pa lang nalaman ko na kung sino ito "tss"
"Mr. Tob?"
Hindi na sya nag salita at bigla na lang ako binabaan.
Sa tingin ko alam ko namang ibig sabihin ng text na yun.
1 na daw ako pumunta sa kanya.
Edi okay.
Humiga ulit ako sa kama at tumulala sa kisame. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyari.
Kilala ko din ang taong iyon at sigurado ako.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nag madaling kumilos at nag ayos ng aking sarili.
Nag madali akong maligo at inayos ang mga gamit ko.
Tinignan ko si Josefa na nasa gilid at mahimbing ang tulog. Bago ako lumabas.
"Oh, goodmorning, ferson" wika ni Rikki na papasok sana sa kanyang kwarto "Iba ang ayos natin ngayon a"
Naka pantalon ako at puting tshirt habang ang mahaba kong buhok ay nakatali.
"Parang ang linis mong babae ngayon" wika pa rin nya "Ibang-iba sa pagiging puta"
Nag lakad ako patungo sa kusina at kinuha ang gatas. Kung bago ka at hindi marunong sumakay sa mga biro ni Rikki malamang mapipikon ka sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomantikWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...
