JEYA'S POV
Nitong mga nakaraang araw, hindi ko alam ang gagawin ko, maraming bulong mula sa aking isip at sinasabi na sumuko na ako. Sa isip ko, may plano na ako tapusin ang buhay ko.
Minsan nasa isip ko, gamitin kutsilyo upang matapos na ako, perokaya gusto ko na mawala kasi nasasaktan ako sa araw-araw, ang sakit sakit na ng pang-araw-araw ko, tapos sasaktan ko pa ang sarili ko.
Minsan, sa tuwing tatawid ako, mula sa overpass, gusto ko tumalon, kung sa baba ako tatawid, gusto ko mag pagsagasa, pero ayaw ko makita ako sa kabaong ko na iba na ang itsura.
Gusto ko uminom ng kahit na anong gamot, i-overdose ang sarili, pero hassle, di ko naman kasi alam kung anong gamot ang pwede kong gamitin.
Gusto ko uminom ng Zonrox, pero pangit ang lasa.
Gusto ko isabit ang sarili ko, pero natatakot ako na baka may makakita sa akin at ma-trauma sila sa aking itsura.
Sa isip ko, gusto ko mamatay, pero ayaw ng katawan ko, ayaw ng katawan ko gawin.
Sadyang mapaglaro ang ating isip.
Alam ko ang iba hindi ako maiintindihan, ang iba ay huhusgahan ako sa bagay na nangyari sa akin ngayon, pero hindi mo maiintindihan ang pinagdadaanan ng tao, kung wala ka sa kanilang kinakatayuan.
Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang malawak na dagat.
"Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, hindi ko man alam kung ano iyon, pero wag mong susukuan ang sarili mo, magiging maayos din ang lahat" wika ni Nox
Tumingin ako sa kanya "Taray nag mature ka na talaga, kung dati puro kalokohan ang sinasabi mo, ngayon may paganyan na" pabiro kong wika
Natawa ito ng tipid at tumingin sa akin "Para na kitang kapatid, Jeya, wag kang mahihiyang magsabi sa akin ng problema" tumingin ulit sya sa dagat "Kung nandito sila Aey at Josefa, malamang ganun din naman ang sasabihin nila"
Napayuko ako at tumingin ulit sa dagat. Hindi pa pala nya alam ang tungkol sa amin at sa aming ginagawa.
"Alam kong makakaya mo yan, alam kong magiging maayos ka din" wika ni Nox sa tabi ko
Gusto ko mag kwento kay Nox tungkol sa nangyayari sa akin, pero natatakot ako na baka mag iba ang tingin nya sa akin.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kaming nakatingin lang sa dagat. Nag dadalawang isip ako na sabihin sa kanya ang totoo.
RIKKI'S POV
Nasa balkonahe lang ako ng aming bahay. Tanghali na, kumakain si Aey mag-isa habang si Josefa ay wala pa ganun din si Jeya.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag aalangan na tawagan ang tatay ng anak ko para makausap ang anak namin.
Hindi kalaunan ay tinawagan ko na ito.
May ilang segundo pa ang tinagal bago ito sumagot.
"At bakit ka tumawag?" Wika ng boses babae sa kabilang linya
Napapikit ako, hanggang ngayon masakit pa rin para sa akin na May iba nang kasama ang aking kinakasama, mas masakit din na imbis ako ang kasama ng anak ko, ibang nanay.
"Gusto ko lang kamustahin ang anak ko" wika ko
Narinig ko ang paghinga nya ng malalim.
"Jon" tawag nya "It's Rikki, your mother" rinig kong wika nya sa kabilang linya
"Nanay?" Pinigilan ko ang pagiyak ko ng marinig kong ang maliit nyang boses "Nanay?"
"Jon" wika ko "How are you na anak?"
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomanceWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...
