XLIV

478 3 0
                                        

Nakahiga ako at nakatingin sa ceiling ng aking kuwarto, wala pa sila Josefa at halos kalagitnaan na din ng gabi at hindi ako makahanap ng tulog.

Tumayo ako at sumilip sa bintana. Ang tyaga din ni Roave mag bantay sa akin, pero bakit nya ginagawa ang bagay na ito, hindi sapat ang dahilan na isa ako sa babae ni Mr. Tob para gawin nya ang bagay na ito.

Mula sa bintana ng aking kuwarto ay nakita ko ito lumabas at nag sindi ng sigarilyo habang may kausap sa kanyang telepono. Hindi ako bulag at mas lalo hindi ako manhid para hindi makita at maramdaman ang mga bagy-bagay. Simula ng masinsinan na usapan namin ni Mr. Tob, alam ko na kung sino at ano sila. 

Hindi ko ma-imagine na napasok ako sa ganitong sitwasyon, natatakot ako para sa aking sarili at para na din sa aking pamilya, na baka madamay sila sa gulo na meron si Mr. Tob.

Mula sa aking kuwarto ay nakita ko si Roave na dali-daling sumakay sa kanyang sasakyan at mabilis ito pinaandar.

KINABUKASAN ay tuluyan na akong hindi nakatulog na para bang isa akong adik na hanggang ngayon ay high. 

"Sarap mo, Aey" puno ang bunganga ni Josefa habang nag sasalita "Itong pagkain talaga ang specialty mo" sumandok pa ulit si Josefa ng kanin at kare-kare 

"Kamo bagoong pa lang ulam na" wika naman ni Jeya habang sa kabilang gilid si Rikki na tahimik lang na kumakain

Dahil hindi nga ako makatulog ay nag pasya ako na lutuan ang aking mga kaibigan ng kare-kare, na miss ko din naman magluto at nakakaluwag luwag ako ngayon, maaga din naman ako umalis para mamalengke at mag luto, namigay din naman ako sa ibang babae na sa kabilang mga kuwarto din na kapwa namin puta.

"Hindi na kayo nag kikita ni Mr. Martinez" wika ni Rikki sa gilid ko habang nag lilinis ng lamesa

"Hindi pa ulit" sagot ko "Bakit?"

" Wala lang, hindi ka kasi naalis ng bahay" ngumiti ito sa akin at tuluyan dinala ang plato sa lababo "Alam mo ang swerte mo" 

Napahinto ako sa pag pupunas ng lamesa at napatingin ako dito habang nakatalikod habang nag huhugas ng plato. 

"Paano mo nasabi?" tanong ko at tinuloy ang pag aayos ng lamesa

"Wala lang, hindi ka dumaan sa maraming lalaki katulad namin, nagamit ka-oo-pero hindi tulad namin na sobra" tumingin ito sa akin "Pero hanggang kailan ang pagiging maswerte mo?"

Nangunot ang noo ko "Rikki"

"Mag ingat ka, hindi lahat ng tao sa paligid mo ay totoo sayo, pwede may mag traydor; saktan ka, o baka higit pa doon ang gawin sayo, maski sa akin wag kang mag tiwala"

"Bakit?" tanong ko 

Ngumiti ito at humarap "Hindi natin masabi ang panahon, Aey, Hindi mo masabi kung sino ang totoo, madalas kung sino ang laging nandyan at nag bibigay, ay sya ang delikado" lumapit ito sa akin "Basta mag ingat ka, lalo na kay martinez o kung sinong Martinez ang kilala mo, wag naman sana, pero hanggat konti ang alam mo ay ligtas ka"

Itinuloy ni Rikki ang kanyang ginagawa at inwan ako na puno ng pagtataka, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Rikki sa kanyang mga binigkas, pero walang ano mang salita ang muling lumabas sa aking bibig kahit puno nang tanong ang aking isip.

Nang matapos si Rikki sa pag huhugas ng mga plato ay pumasok na ito sa kuwarto nila ni Jeya habang ako ay papalabas habang dala-dala ang supot ng basura. Tumingin ako sa paligid at di tulad ng mga nakaraang araw ay hindi ko nakita si Roave ngayon. Pero tulad pa rin ng mga nakaraang araw ay ramdam ko ang matatalim na mata na tumutusok sa kinaroroonan ko-nasanay naman na ako doon dahil siguro o sana ay katualad lang din ni Roave ang mga tao na iyon-ni hindi man lang sila lumalapit o ano pa man.

JOSEFA'S POV

Mula sa bintana ay nakasulyap ako kay Aey na tumitingin sa paligid, alam kong di ganun kamanhid si Aey para di nya maramdaman ang mga mata na laging nakasunod sa kanya, alam ko din na di ganun katanga si Aey para di malaman ang mga bagay-bagay sa paligid nya.

Narinig ko ang usapan nila ni Rikki kanina, so totoo? Totoo na inutusan sya ni Mr. Martinez na patayin si Aey para makuha nya ang kanyang anak at ang kanyang asawa para na din mabuhay sila. 

Pero dalawa lang yan, ang mapatay ni Rikki si Aey o si Rikki ang mapatay ni Aey. Kahit naman din magawa nya ang bagay na iyon hindi sya papatahimikin ng kaniyang multo. 

Mula sa malayo ay nakita ko ang isang pamilyar na kotse na nakatigil na halos kakarating lang din.

Napatawa ako sa isip ko dahil sa pag aakalang di na sya pupunta. Halos may ilang araw ko na din sya nakikita na nag babantay mula sa malayo. Ano nanaman kaya ang inutos sa kanya ng kanyang amo?

Inayos ko ang damit ko at lumabas ng kuwarto, kinuha ko naman ang tupperware na pinaglagyan ko ng pagkain.

"O san ka pupunta?" tanong ni Aey nang makasalubong ko sya na papasok ng aming tinutuluyan

"Dyan lang, di ako lalayo" hindi ko na sya hinintay na makasagot; nakangiti ko itong nilagpasan

Habang nag lalakad ako ay hindi ko maiwasan na maalis ang tingin ko sa sasakyan. Kahit sobrang tinted ng sasakyan ay ramdam ko ang tingin ng taong nandoon.

Hindi ko na hinintay ang pag bukas ng pinto o pagbaba ng bintana ng sasakyan ay pumasok na agad ako.

"Baka gutom ka" inabot ko ang tupperware sa kanya na agad naman nya tinggap

"Baka makita ka ni Miss Aey na kasama kita, let me tell you that she already know that I'm following her"

"Let me tell you also that she know everything" tumingin sya sa akin at ngumiti lang ako "She's not stupid and what do you expect" huminga ito ng malalim

"Mr-"

Pinutol ko ang sasabihin nya "I know everything, he's planning to kill Aey, but I will never let that happen, kailangan muna nila dumaan sa akin"

"How about Rikki?"

"Like what I said, I know everything, ang priority ko dito ay si Aey"

"What's your plan?"

"Again, hindi ko hahayaan na mangyari yun" tumingin ako sa bintana sa taas kung saan pansin ko si Aey na nakatayo at nakatingin sa gawi namin "Alam kong ramdam ni Aey ang kilos ni Rikki, katulad nya nakikiramdam lang ako, hindi ko din masisi si Rikki lalo na at nanay sya at handa nya gawin ang lahat para sa anak nya"

"Sa tingin mo din ba may idea si Miss Aey kung ano ang pwede gawin ni Miss Rikki?"

Nag kibit balikat ako "Hindi ko alam, pero ramdam nya yan na may mali sa paligid nya, nalaman nya nga na sinusundan mo sya" narinig ko ang paghinga nito ng malalim

"Hindi ko alam kung ano ang plano ni Mr. Martinez at pinababantay nya sa akin ang iyong kaibigan"

"Takot sya sa sarili nyang multo, ramdam nya din suguro ang dugo nya" napangisi ito, napatingin ako sa kanya

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa bintana kung saan si Aey.

Simula sa simula pala talaga ay planado ang pag punta nya dito at pagkikita nila ni Mr. Martinez. 

Sa loob ng ilang taon ko nabubuhay dito sa mundo madami pa pala ako hindi alam, mula sa buhay na meron ako hanggang sa paligid ko. Hindi ko maitatanggi kung bakit mas pinili ng magulang ko na mabuhay na lang na nag hihirap kaysa sa marangya ngunit magulong buhay.

"Alam na nang pamilya mo ang ginagawa mo dito sa manila?" tanong ni Roave

"Siguro? Oo? Di ko alam" patanong na sagot ko "Kahit pa lumayo ako o ang pamilya ko sa gulo ng nakraan ay patuloy pa rin kami hahabulin ng mga multo nito, sinubukan ng pamilya ko umalis sa mundong iyon, pero hindi namin magawa dahil sa mga nangyari sa nakaraan" 

To be continued

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon