RIKKI'S POV
Sabay-sabay kaming kumakain ngayong hapunan.
Tahimik lang silang tatlo at ni isa walang nag sasalita, napatingin si Aey sa akin bago sya nag kibit balikat.
Pag mga ganitong salo-salo namin, madalas nangunguna sa ingay si Jeya o kaya si Josefa.
Hindi ako manhid, ramdam kong May problema, hindi ko lang maitanong kung ano, gusto ko din sila bigyan ng personal space hanggang ready na sila na buksan ang problema na meron sila.
Sa aming apat si Jeya ang halos bumubuhat sa amin, si Jeya ang may malawak na isip, positibo sya sa lahat. Sa tuwing ako ay nag bubuksan ng problema ko sa kanya ang lagi nyang sinasabi ay lahat ng bagay na pinagdaanan natin ay worth it. Isuko na lang ang lahat sa diyos.
Hindi magbibigay ng pagsubok ang D'yos na alam nyang di natin makakaya, alam ng diyos na bawat pagsubok ay makakaya natin.
Kung ano man ang problema ng bawat isa sa amin, Lord tulungan mo kami, Lord ikaw na po bahala, susubukan namin lumaban, gabayan mo sana kami sa lahat.
Tumayo si Jeya at walang buhay na nag lakad at pumasok sa aming kwarto.
"Pagod na ako, matutulog na muna ako, gisingin nyo na lang ako girls pag alas siyete na" wika ni Josefa ng tumayo sya at nag lakad din papasok sa kanilang kwarto ni Aey
Hindi ako tanga para malaman ang ginagawa ni Josefa, alam ko, ramdam ko, kita ko ang bawat galaw nya, gustuhin ko man sya pagsabihan, pero natatakot ako na baka magalit sya sa akin, wala pa kaming isang taon na magkasama at mag kakilala kung kaya hindi ko alam ang tunay nyang istorya.
Narinig ko ang paghinga ni Aey ng malalim.
"Kumusta na si Jeya?" Tanong nito
"Kumusta na si Josefa?" Balik na tanong ko
Umiling sya "Nitong mga nakaraang araw hindi ko na sya masyado nakikita at nakakausap kaya hindi ko alam kung kumusta na sya" sagot ni Aey
"Si Jeya..." Panimula ko "Ayos sya kahapon, nag kwekwentuhan pa kami tungkol sa plano nyang pag alis at pag sama sa isa nyang kustomer" sagot ko "Kumusta ka na?"
Ngumiti si Aey at nagkibit balikat, napatingin ako sa kanyang isang daliri ng makita ang singsing.
"Galing sa kustomer mo?" Tanong ko, kumunot ang noo nya, ngumuso akong tinuro ang singsing
"Oo" tanging sagot nya
"Kumusta na ang kustomer mo na iyon?" Tanong ko ulit
"Ayos naman, mapapakisamahan" sagot nya
Sa ilang buwan ko na kasama si Aey, hindi ko pa alam kung ano ang kwento nya, hindi sya masyado nag bubukas ng kwento tungkol sa buhay nya o maski sa mga bagay na nangyayari sa kanya, sa aming apat, si Aey ang may saradong kwento.
"Ikaw kumusta na?" Tanong nya
Huminga ako ng malalim. Kumusta na nga ba ako?
Hindi ko masabi na maayos ako o hindi ako maayos, dahil halos lahat ng nangyayari sa akin ay normal na lang, nasanay na lang ako na ganito ang buhay ko.
"Ewan ko" ang tanging nasagot ko lang
AEY'S POV
Binalik ko ang atensyon ko sa pagkain nang mag salita si Rikki sa harap ko.
"Mukha di ko na makukuha ang anak ko" wika nito, tinignan ko sya na nakangiti ngunit May malungkot na mga mata "Sa buhay na meron ako, mukha di ko na sya makukuha pa"
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomanceWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...
