256

5.1K 270 84
                                    

LETTER

To Sarah,

Hi, be. Musta ka na?

Birthday mo ngayon kaya naisip kong magsulat ulit sa 'yo. Ang tagal na rin nang huling beses na kinausap kita, 'no? Ang totoo n'yan, nahirapan akong bitawan ka. Yung mga panahon na kinakausap kita no'ng buhay ka pa, maging yung mga panahon na sa text na lang, nahirapan akong bitawan 'yon. Nasanay kasi ako na laging may kinakausap, e.

Kaya lumipat muna ako sa kung saan-saan, para makapag-adjust man lang pero iba pa rin kasi yung ikaw talaga. Kasi best friend kita, e. Iba ka pa rin talaga.

Pero be. 'Di na 'ko gano'ng nahihirapan ngayon. May mga nakakausap na kasi ako. Natutunan ko nang maging honest nang buo kina Master at Milliebells. Yung mga bagay na sa 'yo ko lang nasasabi, kaya ko na rin sabihin sa kanila nang hindi nag-aalala na baka ma-misunderstand nila ako o baka may masabi akong mali. Masaya ako na ganito na kami ngayon kasi napaka-uplifting maging honest sa kanila. Parang mas naging close pa nga kami? Akala ko 'di na posible 'yon pero para ngang mas close na kami. Ang saya lang.

Bukod pa sa kanila, may isa pa 'kong naging bagong lakas, be. Ang dami nang nangyari simula nang huminto akong kausapin ka, at isa 'tong tao na 'to sa naging dagdag sa buhay ko. Coincidence? Destiny? 'Di ko alam.

'Di ko inaasahan na mai-in love ako sa ganitong paraan. Kasi sa totoo lang, 'di talaga naging maganda sa 'kin na nabasa niya halos lahat ng mga sinabi ko sa 'yo. Mali kasi, e. Mali noon, mali pa rin ngayon kahit balikan ko. Aminado naman siyang mali nga ang ginawa niya at matagal na niyang ihiningi ng tawad 'yon. Napatawad ko na rin siya.

Ngayon? Mahal na mahal ko na siya, be. Hindi ko rin inakala at hindi ko rin napigilan. Basta ang alam ko lang, kahit na may halong sakit minsan, napakasarap pala magmahal at mahalin. Nakakatuwa na nahanap ko na rin yung matagal ko nang pinapangarap. Dati, tanong lang 'to, e. Dati, sa isip at mga nobela ko lang posible. Ngayon, nandito na. Abot kamay ko na.

Ngayon? Nasa tamang tao na 'ko, be. Magkalayo man kami, pero ayos lang. Kasi ramdam na ramdam ko naman yung pagmamahal niya kahit ang layo namin sa isa't isa. Mas nararamdaman ko pa nga yata ngayon kasi nakikita ko yung effort niya na iparamdam sa 'kin 'yon kahit na may literal na distansya sa pagitan namin.

Okay na rin na magkalayo muna kami para naman makapag-focus kami sa mga sarili namin. Weird siguro sa iba ang naging desisyon namin, pero tingin ko ito yung makakabuti para sa 'ming dalawa. Ang dami kasing naging kaganapan talaga, be. Nasaktan ako nang sobra. Pero ang dami ko ring natutunan at tingin ko, tumatag din naman ako bilang tao, babae, kaibigan, at girlfriend. Feeling ko need lang din talaga namin maghilom bago lumaban ulit. 'Di man maintindihan ng iba 'yon pero ayos lang. Kami naman yung nasa relasyon. Kami ang pinakanakakaintindi kung ano talaga ang tama para sa 'min.

Sabi ko nga kina Master at Milliebells, palalayain ko muna siya pero 'di naman ibig sabihin n'on ay pakakawalan ko siya. Mahaba naman ang oras. Kuntento na muna ako sa photos at video calls kahit na miss na miss ko na siya.

Ikaw rin, miss na miss na kita. Natupad ko na nga pala ang mga pangarap natin. Super ganda ng career ko ngayon. Ilang teleserye at movies na ang nahawakan ko. At lahat 'yon, naging posible lang dahil sinamahan mo 'kong mangarap noon.

Matutuwa ka rin pala na marinig na slowly, inaayos ko na ang sarili ko. Mas inaalagaan ko na. It took time pero marunong na 'kong mag-no. Marunong na rin akong ipaglaban yung mga gusto at ayaw ko.

'Di ba, nakwento ko noon si Ate? Hayun. Humihiram ulit. Umayaw na 'ko kasi kako hangga't 'di sila nagso-sorry kay Mama, ayoko na muna. Lalong nagalit sa 'kin pero ayos lang. Gano'n talaga. 'Di maiiwasan na may mga maiinis talagang mga tao sa 'yo. I can't please everyone and that's okay. Tanggap ko na 'yon ngayon.

Sina Kuya at Bunso naman, 'di na masyadong nag-aaway. Nag-mature na rin after namin kausapin ni Mama. May mga araw na sila pa rin ang sakit ng ulo ko, pero 'di na gaano. Sana tuloy-tuloy nang magkasundo ang dalawang 'to.

Abangan mo pala, be. May bago akong script na sinusulat for a movie. Excited ako rito kasi gusto ko ang moral lesson na ituturo ng kwento na 'to. In a way, ginawa ko rin 'to para ipaglaban ang sarili ko. And what's even better? Approved na ng management. Tatapusin ko na lang para makapag-start na ng production.

Abangan mo, ha?

Ikaw unang nakaalam. 'Di ko pa nasasabihan yung isa kasi busy pa siya sa pagta-travel kasama ang mommy niya. Nakita ko rin na nakarating na ro'n ang Three Musketeers. Saka ko na sila tatawagan para makapag-enjoy naman sila.

Sina Master at Milliebells naman, mamaya pa nila malalaman. Magkikita kami. Sleep over. Papabasa ko na rin sa kanila para mapaganda pa. Excited na 'kong makita ulit sila <3

Huling mensahe ko na 'to, be, ha. Pakakawalan na talaga kita. Tapos nito, 'pag sinunog ko 'to, palalayain na rin kita at ang lahat ng sakit na naiwan sa 'kin.

Sana masaya at payapa ka na.

Ako rin, masaya at payapa na at dahil 'yon sa mga taong sinuportahan ako mula simula hanggang dulo. Kasama ka ro'n.

Miss pa rin kita, be, pero hanggang dito na lang ha?

Goodnight!

I love you!

Sweet dreams lagi!

Love,
Neve

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon