Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Nakauwi na siya :( Ayaw ko na sana pauwiin pero mas okay daw na makapag-isip muna siya.
Nag-away-away daw sila doon. Nagulat daw si Miss K na may isa pang anak na halos kaedad lang ni B.
Nag-away daw nang malala yung mom at dad niya.
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Tapos :( saka umamin ang dad niya.
Na ni isa sa mga 'yon, hindi talaga niya anak. Pinalabas niyang mga anak niya at sinusustentuhan. Kasi pinabayaan na raw ng kuya niya. Siya na raw ang umako at 'di raw sinabi sa ibang tao kasi ayaw makarating kay SCM.
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Silang dalawa lang daw talaga ni B. Pero grabe daw ang inis niya kasi malapit din siya sa kinilala niyang half-sisters niya. Pakiramdam niya pinaglaruan silang lahat.
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Mas nagalit daw si Miss K kasi puro kasinungalingan na lang daw ang umiiral sa pamilya nila.
Ang ending... sabay silang umalis ng bahay ng mommy niya. Dumiretso daw si Miss K sa mommy ni Ice.
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
No'ng una, nagdadalawang isip pa raw si Miss K. Pero ngayon, pursigido na raw na makipaghiwalay.
Grabe 😫😥😓 ang sakit-sakit pakinggan ng boses niya habang kinukwento niya.
I can feel the pain.
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Kamahalan cried earlier sa shoulders ko. 'Di ko nakita but I felt it 😭😭😭
💬 0 🔁 0 🤍 0
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...