In which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds.
***
An MNR epistolary collaboration wit...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
FRI | 9:31 PM
Lorenzo: Hey love Are you back home? Just got up Sorry I slept in
Neve: Yup! Nakauwi na kanina pa 😊 Dapat hinabaan mo pa yung tulog mo. Ngayon ka pa lang nakakabawi talaga, e. Friday night naman kaya mahihintay kita.
Lorenzo: Don't want to keep you waiting :) Are you free tonight or do you have other things to do?
Neve: Wala naman na. May ibibigay daw ulit next week si Master na manuscript for proofreading pero sa Monday pa 'yon kaya wala naman na 'ko gagawin tonight. Tinapos ko rin talaga nang maaga yung revisions ng script para mas mahaba tayo makapag-usap. Kamusta lakad n'yo ni Miss K kahapon? Gaganda ng pictures n'yo. Inggit ako 🥹 Ganda talaga ng San Francisco.
Lorenzo: Yeah and hella tiring haha I can't keep up with Mom's energy at all She wants you to come with us next time, btw Actually She's already checking for your flights last night Do you have your passport?
Neve: 😱 Meron naman akong passport pero wala pa akong US visa talaga. Saka!! Pasabi kay Miss K na thank you pero 'wag na muna!! Mahirap kaya ma-approve ng visa dito. Masasayang lang yung ticket.
Lorenzo: Hmm I wouldn't think that's going to be a problem if I make some calls but I know you won't like that haha
Neve: Tama! Dapat dumadaan tayo sa tamang proseso 🤪
Lorenzo: Hahaha There's my good girl :)
Neve: Kayo lang naman may special privileges kasi may connections kayo 'no. Pero kami, naku. Pahirapan kaya sa lahat ng bagay. Kaya ikaw, dapat laging good boy ha? Be considerate lagi sa mga saguiguilid lang tulad namin 😆
Lorenzo: Hahaha yes, ma'am :)
9:37 PM
Lorenzo: Baby There's something I need to tell you I had a talk with Mom last night and she's planning to extend our stay here until next year
Neve: Nakita ko na nga na mangyayari 'yan. 🤔 Why not? Parang maganda din naman sa inyo? Ikaw ba? Anong plano mo?
Lorenzo: I told her I'm still planning to fly back as scheduled Like what I promised you
Neve: Kailangan ba? 🤔 Naisip ko lang kasi, no'ng tinitingnan ko yung photos n'yo kahapon, parang ang gaan-gaan n'yo nang tingnan. May peace na, lalo sa 'yo kasi mas masaya ka ngayon. Dapat ba putulin kagad 'yon? Iniisip ko lang na baka 'di mo rin naman talaga gugustuhin na iwan d'yan si Miss K lalo na wala ka namang urgent na babalikan dito.
Lorenzo: That's not true I'm coming back for you
Neve: Hayun na nga 😅 Ako rin naman, ayokong malayo tayo pero kung ako lang talaga yung reason bakit ka babalik, tapos gusto mo naman talagang makasama yung mama mo talaga o gusto mong mag-stay d'yan for a different reason... I'm saying na baka dapat mag-stay ka na lang muna? Kasi ako, makakapaghintay naman ako. Alam ko sa sarili ko na kaya nating mag-work 'to kahit LDR lang.
Lorenzo: Are you sure?
Neve: Oo. Kasi 'di ba? Sabi mo rin sa 'kin no'ng nakaraan na hinahanap mo pa sarili mo at kung anong gusto mong gawin ngayon, lalo na umalis ka na sa company n'yo. Ang sa 'kin lang, baka makatulong na nandyan ka sa malayo... malayo sa lahat dito... para makapag-isip nang maayos. Yung maayos talaga na sarili mo lang ang iniisip mo at hindi ang kahit sino. Hindi rin ako. 'Yon kasi tinuro sa 'kin nina Master, e. Dapat unahin muna natin yung sarili natin bago natin alagaan yung ibang tao. Para 'di tayo nauubos.
Lorenzo: You're not going to break up with me, are you?
Neve: Hindi! Ang layo naman ng narating mo 😅 Ang sinasabi ko lang, gusto ko sanang magdesisyon ka para sa sarili mo kung ano talaga ang gusto mo. Hindi yung ako yung inuuna mo. O ibang tao. Kasi ako, makakapaghintay naman ako. Uso naman na LDR ngayon, e. Pwede pa namang maging tayo kahit magkalayo tayo. Kaya ikaw? Ano ba ang gusto mo talaga?
Lorenzo: Honestly? I like being here But it's difficult being apart from you, Neve I want to be with you I want to talk to you without worrying about our time difference
Neve: Paano kung mag-effort pa tayo na mag-usap nang mas madalas? Yung tipong 'di ramdam na magkalayo tayo? Sa gano'n din naman tayo nagsimula 'di ba? Tingin mo ba makakatulong?
Lorenzo: I think so But I need to think about this again I see your point I just don't know what I want to do
Neve: Buti pa. Pag-isipan mo muna bago ka magdesisyon. Kung ano man maisipan mong gawin, just remember that I'm gonna support you no matter what, oki?
Lorenzo: I know, baby I wanna see you Can you take a call?
Neve: Video call ba? Wait. Two minutes. Pasok lang ako sa kwarto.