255

5.1K 249 93
                                    

iMessage

SAT | 7:10 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SAT | 7:10 PM


Lorenzo:
I've been thinking
Can we really survive a whole year without seeing each other?




Neve:
Tingin ko naman, oo? Nasa effort at dedication naman kasi 'yan kung gaano tayo kapursigido (determined lels) na kayanin talaga. Ikaw nga four years mo rin nakayanan na 'di ako kinakausap 'di ba? 😆
Ako...
Ako pa ba?
Tingin ko naman faithful ako 😆




Lorenzo:
Are you sure this is fine with you?




Neve:
Nakapag-decide ka na ba?




Lorenzo:
I think you had a point when you said the distance would be good for me
This does feel like a good place to start over again




Neve:
Kaso?
Inaalala mo 'ko?




Lorenzo:
Yeah




Neve:
Pero kung aalisin mo 'ko sa inaalala mo, mag-stay ka?




Lorenzo:
Does that bother you?




Neve:
Hindi. If anything, masaya ako kasi honest ka na rin sa totoong gusto mo. Kung gusto natin magkaro'n ng healthy relationship, ito naman talaga yung tamang gawin 'di ba?
Saka alam mo... nagmuni-muni rin ako bago matulog kagabi.
Naisip ko lang sa rami ng nangyari nitong mga nakaraang araw at buwan, baka tama lang din na mag-focus din talaga tayo sa sarili natin? I think we deserve to heal without worrying about each other. Kumbaga, paano ba... Mahal pa rin naman natin yung isa't isa? Nando'n pa rin naman yung care at effort na isipin yung isa't isa... pero instead of being blockers, magiging inspiration natin yung isa't isa para mag-grow? Kumbaga, 'di natin hahayaan na matabunan ng pagmamahal yung dapat gawin natin para sa sarili natin. Kasi para maayos natin tayo, dapat maayos muna tayo.
Makes sense ba?




Lorenzo:
It does
If I understood you correctly




Neve:
Haha kaines! Kailangan ko ba i-translate?





Lorenzo:
Hahaha no
I think I got you
You're completely right





Neve:
😆
Pero kidding aside, tingin ko lang meron din kasi akong dapat ayusin pa sa sarili ko. Ang overthinker ko pa rin kasi. Parang need ko pa mas mahalin din yung sarili ko para 'di na 'ko naaapektuhan ng iniisip ng ibang tao. So habang nandyan ka, naisip ko na gamitin din yung time na 'yon to focus on myself din. Sasabayan kita, parang gano'n?
Para 'pag nakabalik ka na, mas okay na tayong dalawa?





Lorenzo:
Just want to make this clear
We're not breaking up, right?




Neve:
Hindi ngaaaa! Haha. Gano'n ba yung tunog ko? Sorry, sorry. Nag-ramble kasi ako. Ang point ko lang talaga, love ourselves first. Gano'n. Kaya okay sa 'kin yung decision mo. Mag-uusap pa rin naman tayo dito at mas mag-e-effort ako na makausap ka kahit chat or calls lang.
Kaya okay sa 'kin 'to. Tingin ko kaya nating mag-work 'to. Ikaw ba?




Lorenzo:
Me too
I'll work hard to make this work
I really want to be a better man
Not just for you but also for myself
And I think this is a good place to start




Neve:
Tingin ko rin ❤️❤️❤️




Lorenzo:
Will you be okay seeing only those boys from now on?




Neve:
HAHAHA!
Yes na yes ❤️
Sila pa ba? Lakas kaya 'yan sa 'kin ❤️




Lorenzo:
Thank you
For doing this for me
For us



Neve:
Aww para sa 'tin 'to ❤️🥺❤️🥺
Big Boss?




Lorenzo:
Yes?



Neve:
Mahal kita ❤️
Lagi mo 'yon tatandaan ha. Kahit pa dagat pagitan natin.





Lorenzo:
I love you so fucking much too, baby





TWITTER

Neve 🔒@NeverSayNeve • 15m

Mas magagawa kitang mahalin sa tama kung mahal ko na talaga yung sarili ko.

Excited to see you in a year, Kamahalan.

💬 0 🔁 0 🤍 0

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon