Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Napansin na nilang tahimik ako kanina. Kaya nagpaalam muna kami kay Mama. Lumabas muna saglit. Para makapag-usap. 'Di talaga ako natutuwa.
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
'Di ko naman sinasadya pero 'di ko na mapigilan mainis.
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Kasi bakit siya? Bakit yung may girlfriend na? Bilang babae, tama ba 'yon?
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Nakakainis. Kasi okay siya 'pag kaharap ako. Pero paano kung nakatalikod? Tumatawag din ba 'pag 'di kami magkasama?
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
May history sila e. 'Di naman ako OA lang, 'di ba?
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Naiinis talaga ako. And he listened to all of it. Sabi ko ayoko siyang pumunta. Dito na lang siya.
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
He'll cut her off, sabi niya. Pero humingi ng pabor. 'Wag raw sanang text. Kung pwede, sumama ako, para maayos silang magkausap once and for all.
Umayaw ako. Kasi bakit ako sasama?
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Ang ending, b-in-lock niya pa rin. Kakausapin niya raw but he promised me he won't be alone with her. Sasama niya raw si Quinn. Or sina Benj.
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Manggugulo pa kami ng ibang tao?
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
Wala akong makitang solusyon. Nirerespeto ko naman friendship nila. Naiintindihan ko naman kung bakit pangit kung sa text kung taon silang naging magkaibigan bago pa may nangyayari.
Kaya pumayag na 'ko. Ang request ko lang, 'wag sanang gabi. At 'wag sa bahay.
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr
He promised. Sabi niya, after nila mag-usap kung kailan man 'yan, babalik siya sa 'kin. Sa 'kin siya didiretso.
I'll choose to trust.
💬 0 🔁 0 🤍 0
Neve 🔒@NeverSayNeve • 2s
Can't sleep. Tama sina Milly. 'Di ako pwedeng ganito lagi. Ako muna. Ako naman.
💬 0 🔁 0 🤍 0
iMessage
THURS | 9:10 PM
Neve:
Lorenzo...Lorenzo:
Yes, loveNeve:
Nakauwi ka na ba?Lorenzo:
Just parked
What's on your mind?Neve:
Nagbago kasi isip ko.
Pwede bang bago kayo mag-usap...
Pwede bang kaming dalawa na lang muna?
Babae sa babae sana.
Gusto ko lang magkalinawan kami.
Okay lang ba sa 'yo 'yon?
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomantikIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...