International world wide basketball tournament [Ongoing]

424 15 7
                                    

Chapter:4

Agad naman nagpa tawag nang meeting ang coach nang ryokufu,dahil sa nalalapit nilang laban sa shohuko. Kaya naman pinadalhan niya nang imbitasyon si coach anzai,para mapaghandaan din nila.

"Okey team buti naman at nang dito kayo lahat,dahil may mahalaga ako sasabihin sa inyo. May paparating na International world wide basketball tournament at kasali ang shohuko"Pagpapaliwanag ni coach Ofuna Sensei sa kanyang team.

"Ayos yan coach matagal kuna gusto makaharap ang shohuko lalo na yang mayabang na si Rukawa ilalampaso ko yan!. Gigil na wika ni Michael Okita.

Bakit nga ba nag ngingit ngit sa galit itong si Michael Okita kay Rukawa.

*FLASHBACK *

nag simula ito noong nsa America siya kasama ang pamelya nito. Kilala ang pamelya nito bilang isang businessman's sa California. Ang papa nito ay best friend nang pamelyang Kaede sa madaling salita mag bestfriend ang Daddy ni Michael at Daddy ni Rukawa. Tuwing may gathering sa mansion nang Okita palagi nito pinagmamalake nang papa ni Michael si Rukawa, at sabay din sila nang training nito sa isang sikat na training center sa America.

Ginawa lahat ni Michael Okita na mapabilib ang kanyang Daddy sa kanya pero bigo pa rin ito, dahil si rukawa ang magaling para sa kanya. Noong una okey lang kay Michael dahil kaibigan niya rin ito si rukawa, magkababata sila sabay na lumaki at sa iisang paaralan sila nag aral noong nsa grade school pa lang sila dalawa. Hangang sa nag high school sila pa rin ang magkasama,.nagiging matalik niya ito kaibigan. Tahimik lang si rukawa hindi masyado nagsasalita maypagka suplado pero nababaitan si Michael dito,kasi tuwing may problima willing naman ito makinig at mag bigay nang advice dito.

Hangang sa kalaunan merun sila kaklase na babae half Japanese at half American, Si Aiya Takahashi naging crush ultimate ito ni Michael Okita. Niligawan niya ito at naging sila nang dalaga.

Hangang sa nagkalabuan sila at gusto niya makipag balikan dito sa dalaga,humingi siya nang tulong kay rukawa na kausapin ito. Pero hindi niya akalain na traydorin pala siya nito.

Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa niya pang aagaw sa girlfriend nito.

"Walang hiya ka rukawa itinuring kita kapatid at matalik na kaibigan pero ano ginagawa mo!, Wikang sigaw ni Michael kay rukawa..

"Michael pakinggan mo muna ang sasabihin ko magpapaliwanag ako"sambit na saad ni rukawa..

"Kitang kita ko kayo dalawa ni Aiya naghalikan kayo!.paano mo ipapaliwanag ang nakita ko"! Sigaw na saad ni Michael kay rukawa.

"Mali ang iniicip mo Michael hindi ko magagawa sayo un makinig ka naman sa akin" pagmamakaawa ni rukawa.

Pero hindi ito pinapansin ni Michael nag kibit balikat ito at tulayan nang iniwan si rukawa mag isa sa daan.

Makalipag ang dalawang taon,nabalitaan niya ito bumalik sa kanagawa at sumali ito sa team nang shohuko high. Si Michael naman nagpatuloy ito sa America at sumali rin siya sa mga national league nang basketball at nanalo rin ito hangang sa naging sikat ito.Nagbakasyon ito sa tokyo hangang nakilala ni Michael ang team nang Ryokufu.

"Ui bakit ang lalim ata nang iniicip mo dahil ba ito sa laban na magaganap natin"Tanong na saad ni Totsuka Tetsuya.

"Wala pre naalala ko lang ang nakaraan namen nung rukawa na yon" wikang sagot ni Michael Okita.

International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon