Halos hindi makapaniwala si Neji at Hanamichi dahil tinawag sila anak ni Hesa,agad lumapit ang dalawa sa ginang unang nag salita si Neji
" Hindi ko akalain na dito pa tayo magtatagpo,matagal ko rin pangarap na magkaroon ng tunay na ina. Seguro kung hindi sinabi sakin ng umampon sakin hindi ko malalaman na maykakambal pala ako.kelan ko lang din nakilala si Hanamichi at tama nga ang sabi sakin ni mom na kamukha ka namen.Pinapatawad na kita sa nagawa mo pang iwan samin noon,alam kung may dahilan ka kung bakit mo ginawa na iwan kami ng kakambal ko basta- basta" Sabi ni Neji kay Hesa
" Patawad mga anak,alam kung malaki ang naging kasalanan ko dahil sa pag iwan ko sa inyo noon.Pinagsisihan kuna ang nagawa ko at pinapangako kung babawi ako sa inyo dalawa lalo kana Hanamichi alam kung ikaw ang mas nahihirapan ng subra kaya patawarin mo ako anak" Sabi ni Hesa na umiiyak
Samantala hindi mapigilan ni hanamichi ang pagpatak ng kanyang mga luha dahil sa salitang binitawan ng kanyang ina.Ramdam niya ang sensiridad na pagsisi na buntong hininga ito at lumapit kay Hesa
" Ma alam kung napakasakit para sakin na lumaki ako na walang magulang,palagi ko tinatanong sa sarili ko kung bakit iniwan ako.Ang alam ng karamihan ay patay na ang mga magulang ko pero Hito ka ngayon at ang kakambal ko isa na lang ho ang kulang yon ay ang ama namin Neji" Sabi ni Hanamichi.
Dahil sa huling salita binitawan ni Hanamichi biglang nalungkot ang expression ng mukha ni Hesa tila nalukungkot ito.
" Mga anak marahil nagtataka kayo kung bakit wala ang ama niyo,e kkwento ko sa inyo ang lahat na ngyayari samin noong kabataan ko" Sabi ni Hesa at sinimulan na mag kwento
"Sa Nagasaki Nihon University,naging kaklase ko si Akasuki ang ama niyo noong nasa secondary highschool ako, isang paaralan na sikat sa Osaka,isang Varsity player siya at ako naman ay isang cheer dance leader at the same time ay naglalaro din ako ng basketball. Isang anak mahirap si Akasuki, kaya naman nag apply ito bilang varsity player ng school namen para matustusan ang kanyang pag aaral hangang sa mag college kame dalawa. Matangkad si Akasuki at pula din ang kanyang buhok at nagtataglay din ito ng kakaibang lakas at galing, kaya dahil sa galing niya sa pag lalaro noon madami ang gustong kumuha sa kanya na maging basketball player sa Asia at Canada. pero hindi ito pumayag dahil ang gusto niya ay magkasama kame dalawa.Na buntis niya ako at itinago namen sa pamelya ko.Nagpakasal agad kame para maging legal ang pagsasama namen lihim kame nagsasama sa isang bahay sa osaka.samantala ang papa ko naman ay isang coach ng NBA noong 1990 tinagurian ito na isang legendary basketball player.Siya din ang nag training sa akin at ang kapatid ko si Yamato, ang angkan natin ay isa sa pinakamagaling na manlalaro sa buong asia at ngayon retiro na ito dahil matanda na at nais niya makilala ang kanyang apo bago siya mawala dito sa mundong ibabaw. Pinagbubuntis ko kayo noon at kasalukuyan naglalaro ang ama niyo para sa championship dito sa Osaka sa kasamaan palad ay natalo ang team nila.kaya naman dumaan ito sa matinding depression at hindi niya matanggap ang pagkatalo nila.
Kaya nagiging miserable ito at bigla nagbago ang ugali niya,nagiging babaero ito at napariwara ang kanyang buhay.At bigla na lang ako iniwan sa ere habang ipinagbubuntis ko kayo Hangang sa naghiwalay kami.Nabalitaan ko na lang na sumama siya sa isang babae na model at nagpunta sila sa USA,subra akong nasaktan sa ginawa ng ama niyo sakin.kaya itinago ko sa aking mga magulang ang pagbubuntis ko upang hindi malagay sa kahihiyan ang angkan namen,at naisip ko iwan kayo sa harap ng simbahan.Dahil subra ako na depressed noon at may oras na gusto kuna wakasan ang aking buhay pero hindi ko ginawa dahil iniisip ko ang kalagayan niyong dalawa. kaya naisipan kung iwan kayo sa harap ng simbahan pero agad nag bago ang isip ko at dali dali ako bumalik para kunin kayo pero huli na pala ako dahil wala na kayo doon.
Matagal din ako nag move on sa ngyari kaya agad ko sinabi sa lolo niyo at inamin ko sa kanya na nagka anak kame ni Akasuki.Ang akala ko noon ay itatakwil ako pero mali pala ako dahil tuwang tuwa ito na magkakaroon ng isang apo. kaya nag iikot ito dito sa japan para hanapin kayong dalawa, at may nakapag sabi na ikaw hanamichi ay sumali sa isang basketball team at nung nalaman ko tuwang tuwa ako dahil alam kung ikaw ang anak ko dahil sa minana mo ang kulay ng buhok ng papa mo si Akasuki. Patawarin mo sana ako anak hindi ko ginusto na mawalay sa inyo ng kakambal mo.Kaya agad ako nagpunta dito sa kanagawa dahil gusto ko na ako mismo ang haharap sa inyo,pinangunahan ako ng takot noon dahil segurado ako itatakwil niyo ako kapag nagkita tayo.Nabalitaan ko rin na kulang ka sa kakayahan sa paglalaro kaya minabuti kung sumailalim ako sa isang training, na ang lolo mo ang nagturo para gumaling ako. dahil alam kung magagamit ko ang aking kakayahan kapag nagkita tayo kame ng lolo mo e tuturo namen sayo para lalo kang lumakas hanamichi." Kwento ni Hesa sa kanyang anak
Samantala tahimik na nakikinig sina Neji at Hanamichi. at sa di kalayoan ay na mangha naman si Aiya at Mito sa kanilang natuklasan.
" Na unawaan kana namen Ma at salamat dahil hindi ka tumigil sa paghahanap samin ng kakambal ko"Ngiting sabi ni Neji
Agad naman nilapitan ni Neji at Hanamichi ang kanilang Ina para yakapin..
" Maraming salamat mga anak subrang saya ko dahil hindi pa rin talaga ako pinabayaan ng panginoon at binigyan niya ako ng pangalawang buhay para magkasama tayo" Ngiting sabi ni Hesa
" Hays salamat naman at naliwanagan na kayong dalawa" Wikang sabi ni Yamato
" Nakilala niyo na pala ang kapatid ko magaling din sa basketball yan" Sabi ni Hesa
" Uo mama nakilala namin siya kanina sa labas" Sabi ni Neji
" So paano yan gumagabi na may laban pa kayo bukas"Tanong ni Hesa
" Paano niyo ho nalaman na nay tournament bukas"Tanong ni hanamichi
" Ang lolo niyo ang nag sabi sakin,dahil ng doon xa sa mismong laro niyo" Sabi ni Hesa
Gulat naman ang dalawa dahil wala silang ka alam alam na isa sa mga coach ang nanunuod ay lolo pala nila Hanamichi at Neji.
BINABASA MO ANG
International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]
FanficAng Buhay nang ating Henyo si Hanamichi Sakuragi, Makalipas ang dalawang taon na pagtigil nito sa paglalaro. Ngayon nagbalik na ito sa kanagawa,para makipaglaban sa International world wide basketball tournament. Ano ang gagawin ni Hanamichi Sakura...