Dahil naging team captain na si Rukawa subrang natuwa naman ito. At agad niya ito ibinalita sa kanyang kapatid ang kanyang tagumpay.
Kina umagahan maagang nag insayo si Rukawa para mas lalong lalakas sa paparating nilang laban.
Samantala sa bahay nila akagi maagang nagicing si Haruko dahil gusto nito mag jogging para ma ibsan ang kanyang stress.At si Akagi naman ay abala sa pag aayos ng kanyang mga gamit dahil sa araw na iyon ay may pupuntahan sila ni kugore.
Nagsisimula na mag jogging si Haruko ng matanaw niya sa di kalayoan si Rukawa na abala naman ito sa paglalaro.
"Hays kay aga aga naman naglalaro ang taong ito wala pa rin pagbabago, noon hangang ngayon ay paglalaro pa rin ng basketball kaya naman subrang galing nito."Sabi ni Haruko sa sarili at naisipan nito lapitan si Rukawa
Ng makalapit ito ay agad naman napalingon dito si Rukawa tila na gulat ito.
"Hi ang aga mo naman mag practice umhh congrats pala sayo isa kana team captain"Sabi ni Haruko na nahihiya at napakamot sa ulo nito.
"Ahh eh salamat Haruko ano pala ang ginagawa mo dito" Tanong ni Rukawa
"Maaga kase kame nagicing ni kuya dahil may aasikasohin sila ni kugore at ako naman ay naisipan kong mag jogging ito kase ang routine ko hehehe"Tungon ni haruko kay Rukawa
Huminto muna sa pag practice si Rukawa dahil gusto nito maka usap si haruko. Namiyagi ang katahimikan sa kanilang dalawa tila nag hihintay kung sino ang una mag sasalita sa kanila.Hindi rin matiis ni Rukawa ang katahimikan kayat ito na ang una nag salita.
"Umhh Haruko gusto ko lang humingi ng paumanhin sayo noon at ngayon dahil hindi kita napapansin sa kabila ng mga ginagawa mo para sa akin.
Dahil naka focus kase ako noon sa paglalaro ko at pasinsya na rin dahil sa mga effort na ginagawa mo noon ay binabaliwala ko sana pwede pa tayo mag simula ulit bilang magkaibigan "Sabi ni Rukawa ngiti naman ang tugon ni Haruko"Ano kaba Rukawa wala na sakin yon,matagal kuna kinalimutan ang bagay na yon. at Syempre hindi naman mawawala ang pagkakaibigan natin kahit na masyado kang tahimik ng dito parin ako para suportahan ka sa mga laro mo. Lalo na ngayon at team captain kana sa shohuko"Ngiti sabi ni haruko kay Rukawa
Nag iisip naman itong si Rukawa kung paano niya sasabihin kay haruko na yayain ito makipag date para masabi niya dito ang kanyang nararamdaman..
"Umhh haruko ano kase nakakahiya pero free kaba mamaya pwede ba tayo lumabas kung okey lang sayo"Sabi ni Rukawa na nakayuko.
Napakunot noo naman si haruko dahil first time siya nito yayain mamasyal dati rati ay puro basketball lang ang iniicip nito pero ngayon tila nag iba ito tiningnan niya ito na may bahid na ngiti sa mga labi.
"Uo naman wala din naman ako gagawin dahil aalis si kuya"tugon nito kay Rukawa
"Cge haruko mamaya susundoin kita sa bahay niyo"dagdag pa na sabi ni Rukawa.
Ngiti lang ang tugon ni haruko at nagpatuloy na ito sa pagjojoging.
Samantala abala naman si Neji at Aiya sa pag aayos ng kanilang kasal na gaganapin.bago paman lumubo ang tiyan nito kailangan mapa labas na nila na kinasal na sila para hindi mahahalata na nagpapanggap lamang sila.
"Neji pwede ba natin imbitahan sila Mito at ang kanyang mga kaibigan"Tanong ni Aiya kay Neji
"Uo naman para lalo iisipin nila na totoo ang kasal na magaganap"Sabi ni Neji
"Maraming salamat Neji at ginagawa mo ito para kay sakuragi at para na rin namen ng anak ko"Ngiti sabi ni Aiya
"Wala yon gusto ko lang din maka bawi kay sakuragi malapit na rin matapos ang training niya at makakabalik na siya dito"Tugon ni Neji at ngumiti lng si Aiya.
Samantala dumating na nga ang hapon kaya naghahanda na si haruko para sa lakad nila ni Rukawa,susundoin siya nito sa kanilang bahay.
"Nakakapagtaka talaga si Rukawa himala niyaya niya ako mamasyal. Pero wala na ako nararamdaman dito hangang kaibigan na lang dahil si neji pa rin talaga ang nasa puso ko. at matagal pa seguro ito mawala kapag hindi ko subukan mag move on kailangan aliwin ko ang sarili ko para makalimutan siya gaya ng ginawa ko noon kayat naka move on ako kay Rukawa"Sabi ni Haruko sa isip niya at nag simula na ito mag ayos sa sarili
Mayamaya pa ay dumating na sa Rukawa sa bahay nila. Naglakad na ito patungo sa hanarap ng bahay para kumatok.
Agad naman napansin ni haruko ang pag dating ni Rukawa kaya dali dali ito pumunta sa pintoan para buksan ito.
"Hi halika pasok ka muna"Sabi ni haruko na nakangiti kay Rukawa
Agad naman pumasok si Rukawa sa loob ng bahay nila Haruko
"Salamat haruko at pumayag ka na mamasyal tayo"Sabi ni Rukawa ngiti lang ang tugon ni haruko
"Umhh tara na Rukawa wala si kuya eh may inaasikaso siya"Pag aaya ni Haruko at agad naman sumunod si Rukawa dito
Naglakad na nga sila dalawa para mamasyal bigla naman nila nakita si Mito at ang kaibigan nito
"Mito saan ang punta niyo"Tanong ni Haruko
"Ahh hi Haruko bibili lang kame ng masusuot para sa kasal ni Neji at Aiya"Sabi ni Mito tila nalungkot naman si Haruko sa kanyang narinig
"Kelan ba ang kasal nila"Tanong ni Rukawa
"Sa susunod na araw buti nga inimbitahan kame"Sagot ni Mito
Napasimangot lalo si haruko sa tinuran ni Mito at napayuko ito para hindi nila mapansin ang lungkot sa kanyang mukha.
"Kayo saan ang punta niyo himala ah magkasama kayo dalawa"Tanong ni Takamiya
"Maglalakad lang kame niyaya ko si haruko bakit masama ba magkasama kame dalawa" saad ni Rukawa
"Ahh hehehe wag muna pansinin si Takamiya Rukawa cge mauuna na kame sa inyo"paalam ni Mito sa kanila at agad na sila naglakad palayo
"Haruko ayos ka lang ba bakit ang tahimik mo"Tanong ni Rukawa
"Ahh eh wala Rukawa may naiisip lang ako"Sagot ni Haruko at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
Samantala matapos ang ilang minuto paglalakad ay narating nila rukawa ta haruko ang isang park.balak kase ni rukawa na sabihin dito kay haruko ang kanyang nararamdaman.
"Umhh haruko okey lang ba dito tayo"Tanong niya kay haruko tipid naman na ngumiti si haruko sa kanya
"Uo naman maganda nga eh kase fresh ang hangin at ang ganda pa ng mga halaman at mga bulaklak"Tugon ni haruko
Agad naman nag iisip si rukawa kung dapat ba niya sabihin kay haruko ang tunay niya nararamdaman baka kase ma dis appoint ito.
"Bahala na wala namang masama kung aamin ako,kung magalit man siya tatanggapin ko pero kung sasagotin niya ako matutuwa ako ng subra"Sabi ni Rukawa sa isip niya.
Ano ang magiging reaction ni haruko,ngayoy may pagtingin pala si Rukawa sa kanya sasabihin ba niya dito na may mahal na siya at walang iba kundi si Neji Sakuragi...ABANGAN
A/N Hi guys pasensorry po dahil subrang tagal ng update ko super busy po kase babawi na lng po ako kpag maluwag na ang oras ko promise..thanks and keep safe everyone 😘♥️
BINABASA MO ANG
International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]
FanfictieAng Buhay nang ating Henyo si Hanamichi Sakuragi, Makalipas ang dalawang taon na pagtigil nito sa paglalaro. Ngayon nagbalik na ito sa kanagawa,para makipaglaban sa International world wide basketball tournament. Ano ang gagawin ni Hanamichi Sakura...