Matapos mag usap ni Aiya at Neji agad ito nawalan ng malay dahil sa sari saring rebelasyon ng kanyang nalalaman idagdag pa dito ang kanyang pagbubuntis. kaya naman agad nila isinugod sa hospital si Aiya kasama si Neji at Haruko.
Ng makarating sila sa hospital agad sila sinalubong ng doktor
"Sir anong ngyari sa kanya"Tanong ng Doktor
"Dok bigla na lang siya nawalan ng malay please dok gawin niyo ang lahat para ma check siya"Sabi ni Neji tumango naman ang doktor at agad ipinasok si Aiya sa emergency room.
Samantala nag aalala naman ang mukha ni haruko dahil sa ngyari kay Aiya.
"Neji paano kung maymangyari masama kay Aiya,kasal anan ko to eh"Malungkot na sabi ni Haruko
"Haruko wagmo sisihin ang sarili mo,magiging maayos ang lahat magtiwala lang tayo"Saad ni Neji
Hindi naman mawala sa mukha ni Neji ang pag alala kay Aiya,dahil siya rin ay nagtataka kung bakit bigla ito nahimatay.
*NEJI POV*
Dahil sa natuklasan ko hindi ko alam kung dapat ba ako magalit sa kakambal ko,hanamichi bakit mo naman ginawa iyon at wala ka man lang binanggit sakin,ang taas pa naman ng respeto ko sayo.Napakuyom ako sa aking kamay habang naghihintay na lumabas ang doktor na tumingin kay Aiya.
Sana walang masamang mangyari kay Aiya kundi mananagot ako sa kanyang pamelya,Ano ang sasabihin ko sa pamelya niya nag iisang anak pa namn si Aiya at hindi basta basta ang pamelya niya dahil kilala ito sa London. Naguguluhan ako sa aking gagawin, ngayong hindi na matutuloy ang aming kasal ni Aiya. Napabuntong hininga ako at tiningnan ko sa haruko,bakas sa mukha nito ang pag alala sa kalagayan ni Aiya. Hindi pa rin namen napag usapan ang ngyari samen shittt ano ba kase tong pinasok ko!,Sana hindi na lang ako nag punta dito sa Japan.
Mayamaya pa ay agad na lumabas ang Doktor sa emergency room ni Aiya
"Sir sino ho ang kamag anak ng pasyente"? Tanong ng Doktor
"Ako ho ang fiance niya,Kumusta si Aiya"Tanong ko sa doktor
Hindi ko alam kung bakit ngumiti sakin ang doktor..
"Sir wala ho kayong dpat ipag alala ligtas na po siya,at goodnews magiging soon te be daddy kana buntis ho ang pasyente kaya seguro siya nawalan ng malay dala ng morning sickness niya"Paliwanag ng doktor
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ang balitang ito o ikakainis,dahil binaggit sakin ni Aiya na may ngyari sakanila ni Hanamichi.Kung ganon nagbunga ang ginawa ni Hanamichi,napayuko ako at tipid na ngumiti sa doktor
"Ahh cge dok maraming salamat at okey na po siya"Sabi ko ngiti lang ang tugon nito at tumalikod na.
Napakamot ako sa aking ulo sa ngayon hindi ako makapag isip ng tama dahil wala dito si hanamichi. ipapaalam ko ba sa kanya ang ngyari kay Aiya? at paano kung babalik agad siya dito masisira ang pag ttraining niya lalo na ang pangarap niya maging MVP sa buong mundo. Napabuntong hininga ako at bigla naman lumapit si Haruko sa gawi ko.
"Narinig ko ang sinabi ng doktor nag dadalang tao si Aiya totoo ba" tanong ni haruko napayuko ako at tumango
"Masaya ako at magkakaroon na pala kayo ng anak seguro hangang sa alaala na lang ang namamagitan satin. diba sinabi ko naman sayo nun na hindi ko pagsisihan ang ngyari satin dahil mahal na mahal kita"Umiiyak na sabi ni haruko
Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang bagay na yon at hindi ako ang ama ng dinadala ni Aiya,hindi pala nito narinig na mayngyari sa kanila ni hanamichi dahil bigla itong nawalan ng malay.tumingala ako at tinitigan si Haruko na basang basa ang luha ang kanyang mukha.
"Haruko hindi ko alam na malalagay ako sa ganitong sitwasyon,sasabihin kuna sana sa kanya na wala ako dapat panagutan dahil hindi naman ako ang naka galaw kay Aiya ng bigla niyang tinap ang bibig ko kaya nagtataka ako
"Neji wala kang dapat ipaliwanag alam ko naman na hangang doon lang ang limit ko sa buhay mo at hindi ako nag expect na mabigyan ng pag asa ang puso ko na mahalin ako,seguro tama na ung ipinag ubaya ko sayo ang sarili ko masaya na ako.at hiling ko magiging masaya kayo ni Aiya at sa magiging baby niyo."Sabi ni haruko na umiiyak
Gusto ko siya yakapin at sabihin sa kanya na siya ang gusto ko makasama,pero agad itong tumalikod at umalis.
*HARUKO POV*
Matapos kong malaman na buntis si Aiya wala ng dahilan pa na mag stay ako pampagulo lang ako sa buhay nila. Masakit isipin na nagmahal ako sa maling tao dahil pagmamay ari na siya ng iba.Dali dali ako sumakay ng taxi at umuwi na sa bahay namen,ng makarating ako nagtataka naman si kuya dahil umaga na ako naka uwi.
"Saan ka galing bakit ngayon ka lang"Tanong ni kuya yumuko ako at hindi ako tumingin sa mukha ni kuya baka mapansin niya mugto ang mata ko dahil kanina pa ako umikyak.
"Ahh wala kuya pinuntahan ko lang ung kaklase ko kaya na late ako ng uwi pacenxa na at hindi ako nakapag paalam sayo biglaan kase"Saad ko sa mababang tuno nagkibit balikat lang ito.
"Ahh cge kuya papasok na muna ako sa kwarto ko"Sabi ko tango lang ang tugon ni kuya naglakad na ako papunta sa kwarto ko pagka pasok ko isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon umiyak ng umiyak
Bakit ganito palagi na lang ako sawi sa pag ibig, noon kay rukawa matagal ako bago nakapag move on nung ni reject niya ako umaasa ako na magustuhan niya pero masakit pala na ako lang ang umaasa na mahalin niya.At hito ngayon kay Neji duble ang sakit ng nararamdaman ko,ang tanga ko kase alam ko naman na may fiance na siya at ipinagsiksikan ko pa ang sarili ko ayan tuloy nasasaktan nanaman ang puso ko walang tigil ang pag iyak ko hangang sa nakatulog ako.
Kinabukasan sa hospital
*AIYA POV*
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko isang kwarto na puti ang wall "Asan ako"Tanong ko sa aking sarili at bigla ko naalala ung naganap kanina sa bahay ni Neji. Tika nasaan pala si Neji inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang bouquet of pink roses saan kaya galing ang mga yan takang sabi ko sa aking sarili. Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Neji na mag dalang plastic seguro mga prutas un kung hindi ako nagkakamali.
"Mabuti naman at nagising kana kumusta ang pakiramdam mo"Tanong sakin ni Neji sa kalmadong tuno.
"Ahh hito nakaramdam pa rin ngpaghihilo maliban dun ay wala na.
"Mabuti naman kung ganon siya nga pala kina usap ako ng doktor at sabi niya healthy daw ang pagbubuntis mo"Saad nito yumuko naman ako dahil alam na pala nito ang tungkol sa pagbubuntis ko."Sorry Neji hindi ko nasabi sayo kanina okey lang na magalit ka sakin dahil nagkasala ako sabi ko nag simula nanaman tumulo ang luha ko.
"Shhh wagmuna isipin yon Aiya nakakasama kay baby ang ma stress ang mommy ang dapat mong gawin ay magpahinga at kumain ng prutas okey"Sabi nito napahinga naman ako dahil hindi pala ito galit sakin.
BINABASA MO ANG
International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]
FanficAng Buhay nang ating Henyo si Hanamichi Sakuragi, Makalipas ang dalawang taon na pagtigil nito sa paglalaro. Ngayon nagbalik na ito sa kanagawa,para makipaglaban sa International world wide basketball tournament. Ano ang gagawin ni Hanamichi Sakura...