Chapter 35- Pangungulila ni Sakuragi sa kanyag Ina

191 21 7
                                    

Habang papalapit si Neji at hanamichi sa kwarto kung nasaan ang ginang,at tumitindi ang kaba ng kanilang nararamdaman. Nakita nga nila na mahimbing natutulog ang ginang at bigla naman pumasok ang doktor nito at kina usap si Neji at Hanamichi.

"Kayo ba ang kamag anak ng pasyente" Tanong ng doktor

" Ahh hindi dok,kaya kame nagpunta dito dahil nais naming alamin kung sino ito dahil parehas po ang surename namen" Sabi Ni Neji.

Mayamaya pa ay may nurse na pumasok sa loob at lumapit ito sa doktor tila may binulong dito

" Dok may isa kamag anak ng pasyente ho nasa labas naghihintay" Sabi ng nurse

" Pacensya na kayo kailangan ko muna harapin ang kamag anak ng pasyente nasa labas daw hinahanap ang kanyang ate" Paliwanag na sabi ng doktor kila Neji at Hanamichi

Agad naman lumabas ang doktor para harapin at kausapin ang kamag anak ng kanyang pasyente. Sumama na rin sila Neji at Hanamichi para itanong dito ang tungkol sa ginang,Agad nila natanaw ang nakatalikod na lalake makisig ito at matangkad

" Excuse me ikaw ba ang kamag anak ng ginang" Tanong ng doktor sa lalake

Napakunot naman ang noo ng lalake tila na bigla ito,dahil napansin niya may dalawang lalake magka mukha

' Ahh yes dok ako si Yamato kapatid ko ho siya,matigas kase ang ulo niyan dahil sa gusto niyang hanapin ang  dalawa niyang anak.Napilitan siya mag punta dito sa kanagawa para siya daw mismo ang kuma usap sa dalawa niyang anak ni iniwan niya noon." Paliwanag na sabi ni Yamato sa Doktor

" Mr. Yamato stable naman ang pasyente kailangan lang e monitor dahil sa natamo nito at maliban doon ay wala na kaya safe na po siya" Sabi ng Doktor

" Maraming salamat dok sa pag aalaga mo sa kapatid ko" Pasalamat na sabi ni Yamato

" Wala ho anoman cge mauuna na ako dahil may isa pa ako pasyente na aasikasohin" Sabi ng doktor at nagpa alam na ito sa kanila.

Samantala naiwan naman si Neji at Hanamichi sabay sabay sila napatingin kay Yamato,tila pinag aaralan nito ang lalake. Si Yamato naman ay gulat pa rin ito dahil nakita na niya ang matagal na nila hinahanap.

" Kung hindi ako nagkakamali kayo nga si Neji at Hanamichi dahil parehas na parehas ang histura niyo ni Ate Hesa. Mabuti naman at ng dito kayo tiyak matutuwa si ate at hindi na siya mahirapan na hanapin kayo" Sabi ni Yamato na kina bigla naman ng dalawa

Dahil sa sinabi ni Yamato sabay napakunot ang noo ng dalawang kambal at nag tinginan sa isat isat

" Ano seryuso ka" Sabi ni Hanamichi

" Uo seryuso ako matagal na kayo pinapahanap ni ate Hesa dahil kayo ang anak niya na iniwan noon nung sanggol pa lang kayo" Paliwanag na sabi ni Yamato at lalong lumaki ang mga mata ng dalawa dahil sa narinig

Hindi alam ni Hanamichi kung matutuwa ba siya o maiinis,napakuyom ang mga palad nito sa kanyang mukha at hindi niya napigilan na tumulo ang kanyang mga luha.

" Bakit ngayon lang niya kame hinahanap sa haba-haba ng panahon na nangangarap ako na magkaroon ng magulang. At noong panahon na hirap na hirap ako kinokutya pa ng mga tao dahil Gonggong ako at walang utak puro basag ulo ang alam ko!.dahil wala akong magulang na gumagabay sa akin at ma swerte nga ito si Neji dahil may umampon sa kanya at hindi niya naranasan ang hirap na pinag daanan ko" Sigaw na sabi ni Hanamichi na patuloy umiiyak

" Hanamichi huminahon ka nasa hospital tayo" Sabi ni Neji sabay tapik sa balikat ng kakambal niya

" Hanamichi patawarin mo sana si ate Hesa hindi niya ginusto na mawalay kayo sa kanya" Sabi ni Yamato kay Hanamichi

" Hindi ako pwede huminahon,dahil ang alam ko noon patay na ang mga magulang ko. pero ngayon bigla na lang sumulpot at magpakilala na magulang namen,wala kayong alam sa buhay na merun ako ngayon napakahirap ng pinagdaanan ko noon. at alam mo ba dumating ung point na gusto kuna magpakamatay noon dahil....

Hindi na natapos ang sasabihin ni hanamichi dahil napahagulhol na ito ng iyak,hindi akalain nila Neji at Yamato na subrang nasasaktan si hanamichi. At masakit para sa kanya na makita ang kakambal niya nasasaktan.

Samantala gulat din si Yohie Mito sa kanyang narinig mula sa taong kausap nila neji at hanamichi.Awang awa ito sa kanyang bestfriend dahil alam niya kung gaano kahirap ang dinanas ni hanamichi noon. Ngunit unti unti niya natanggap noon na wala ng pag asa kung makikilala paba niya ang kanyang mga magulang. At hito nga natupad na ang matagal niyang ina asam asam pero labis din itong nasasaktan sa nakikita niya sa kanyang kaibigan.

" Ang mas mabuti pa hintayin natin magising si ate. At siya mismo ang magpapaliwanag kung bakit kayo iniwan noon" Sabi ni Yamato

Tumango naman si Neji,samantala si hanamichi ay patuloy pa rin na umiiyak.

Sa kabilang gawi naman ay nakatayo si Aiya,Nakita niya kung gaano nasasaktan si hanamichi gusto niya ito lapitan at yakapin ng sa ganon ay maibsan ang sakit ng kanyang nararamdaman.

" Patawarin mo ako Sakuragi,gusto kita lapitan at yakapin para damayan sa nararamdaman mo ngayon. Pero hindi ko magawa dahil ng dyan si Neji."Sabi ni Aiya sa isip niya na malungkot ang mukha naka tingin kay hanamichi.

Samantala agad sila tinawag ng nurse dahil gising na ang ginang.

Agad naman nagsi pasukan sila Neji,hanamichi,Mito,Yamato at Aiya

" Ate mabuti naman at gising na kayo" Tanong ni Yamato sa kanyang ate Hesa

Dilat lang ang mga mata nito na tila pinag aaralan ang loob ng kanyang kwarto

"Bakit ako ng dito? Anong ngyari sakin " Sabi ni Hesa

" Ate na accident ka po,at mabuti na lang ay nakaligtas kayo. Nadala agad kayo dito sa hospital" Paliwanag na sabi ni Yamato kay Hesa

Agad naman naalala ni Hesa kung bakit siya na accident...

*FLASHBACK*

Habang nag ddrive si Hesa papunta sana ito sa gymnasium kung saan naglalaro si hanamichi,dahil sabi ng kanyang investigator ay kumpirmado nga na ang dalawa niya anak ay kasama sa tournament na iyon.Kaya naman mabilis siya nag drive papunta sa kanagawa.Galing kase ito sa Osaka at ng may tumawag sa kanya hndi niya namalayan na mabilis pala ang takbo niya,kaya bigla ito sinalubong ng isang truck at sumalpok ito hangang sa nawalan ito ng malay..

*END OF FLASHBACK*

" Marami salamat at binigyan pa ako ng pangalawang buhay ni GOD alam kung madami ako kasalanan na nagawa noon at dahil sa kasalanan na yon ay pinagdudusahan ko hangang ngayon" Sabi ni Hesa na umiiyak

Hindi nito napansin ang dalawang lalake nakatayo sa gilid ng pintuan ng kanyang kwarto tila naghihintay ang nga ito kung sino ang una mag sasalita..

" Ate alam kung matutuwa ka dahil ng dito na ang dalawa mong anak na matagal muna hinahanap" Sabi ni Yamato

At duon lang na himasmasan si Hesa at unti unti niya iniangat ang kanyang mukha para makita si Neji at Hanamichi.

" AANAK MGA ANAK KO" Sabi ni Hesa at pilit na bumangon para masilayan ng mabuti ang dalawa niya anak na kambal.

International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon