Chapter 11-International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]

188 16 19
                                    

(SAKURAGI'S POV)

*Paghaharap na magkakambal*

Naguguluhan ako sa mga sinasabi nito na tila wala sa wisyo,baka pinag ttripan lang ako" sambit ko sa aking sarili na nakikinig lang sa paliwanag nito.

"Alam mo Bro Hanamichi noong naglalaro ka pinagmamasdan kita sa mga kilos mo, kuhang kuha mo sa ama natin ang mga galaw mo nasa dugo talaga natin ang galing sa pagbabasketball. Ang pagkaka alam ko isang team captain ang tatay natin hindi ko alam kung saan ito nanirahan ngayon. Dahil ang sabi sa akin ni mom nakita tayo sa simbahan habang nagsisimba sila at ipinapa ampon nga tayong dalawa."Pagkkwento ni Neji habang nakikinig ako at blanko pa rin ang icip ko sa mga sinasabi nito.

"Dinala ako sa London ng mga nag ampon sa akin at doon ako nag aaral, At naglalaro din ako ng basketball habang nag aaral ako. Recently lang din sinabi sa akin ni mom na merun ako kakambal at ikaw nga yon,alam mo ba tuwang tuwa ako ng malaman ko na si Hanamichi Sakuragi pala ang kakambal ko.

"Agad ako umuwi dito para hanapin ka dahil hangad ko rin naman na magkaroon ng isang kapatid, At kakambal ko pa. I am so proud of you brother i know its hard to accept pero ito ang katotohanan na magkakambal tayo.Sambit nito na masaya ang mukha.

Hindi ko akalain na merun pa pala ako pamelya,ang akala ko nag iisa lang ako yon pala ay merun ako kakambal. Tanging ang mga kaibigan ko lang ang nakakasama ko sa mahabang panahon,Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko natutuwa at naiiyak ako sa wakas may karamay na ako sa buhay. Salamat Bro Neji dahil hinanap mo ako niyakap ko ng mahigpit ang kakambal ko habang tumutulo ang aking mga luha,pacensya kana hindi ko lang mapigilan ang sarili ko"sambit ko nito habang yakap yakap kupa rin siya.

"Patawad din kapatid dahil hindi agad kita napuntahan dito,ngayon na ngdito na ako hindi kana mag iisa pa at tutulongan kita makamit ang dream mo maging MVP sa buong mundo.Sabay sabay natin tutuparin yon bro"Ngiting sabi nito at tinapik ako sa aking balikat.

"Saan ka nga pala nakatira ngayon" Tanong nito sa akin.

Nakikitira lang ako sa mga kaibigan ko" Sagot ko sa mababang boses.

"Bakit ka nga pala naglalaro dito mag isa"tanong nito sa akin.

Ahh kasi merun kame laban sa susunod na araw kaya minabuti ko mag practice dahil gusto ko ipanalo ang team ng shohuko.

"Ah kaya naman pala hindi ko akalain na dito pa tayo magkikita nagka taon pa  na sa practice mo pa."Paliwanag ni Neji

Palihim ko ito tinitigan mula ulo hangang paa,kuhang kuha talaga nito ang hitsura ko maging sa boses ko ay magka pareho kame. Medjo matangkad lang ito ng kunti sa akin at medjo dark ang pagka kulay ng buhok nito,hindi katulad sa akin ay pulang pula. Kung hindi mo titigan sa malapitan hawig na hawig talaga kame, sino ang mag aakala na merun ako kakambal; at mukha pa itong mayaman sa tingin ko sa pangangatawan nito ay yayamanin,hindi katulad sa akin na mukhang gonggong pero gwapo naman ako ng kunti lamang lang ito ng 5 paligo nyahahaha"_Sakuragi;

"Hoy ano nginingiti mo dyan bakit parang tuwang tuwa ka sa kakatitig sa akin,hangang ngayon ba shocked kapa rin ako lang to ohh ang kakambal mo hahaha" Ngiting sabi nito at nag high five kame dalawa.

So ngayon na nakilala muna ako ano plano mo" Tanong ko kumunot naman ang noo nito.

"Edi isasama kita sa condo ko dito sa Japan,para malaman muna rin kung saan ako nakatira. Tara na para makapag bonding naman tayo dalawa.

Agad kame umalis sa gym at nag punta kame sa labas kung saan siya nag park,grabe na mangha ako sa nakita ko dahil ang ganda ng sasakyan nito. Hindi  talaga ito ordinary na tao na katulad ko mukhang mataas ang standard nito sa buhay.Agad na ako sumakay at nag simula na ito mag drive pa punta sa bahay nito. Makalipas ang isang oras narating namen ang Osaka kung saan ito nakatira, nalula ako sa taas ng building na ito. Hanep talaga baka panaginip lang ito sa akin"Sampalin mo nga ako Neji Utos ko sa mababa kung boses nagulat naman ito sa sinabi ko.

"Huh seyuso kaba bro sa tingin mo ba magagawa ko sayo un na sampalin kita,kung iniicip mo nanaginip ka pwes hindi ito panaginip bro. Totoo ang lahat ng ito at simula ngayon dito kana rin titira kasama ako.

Ay hindi ko pwd iwanan ang mga kaibigan ko lalo na ang best friend ko si Yohie  Mito. Siya lang kasi ang nakakasama ko noong kabataan ko,itinuring kuna rin siya bilang kapatid ko. Kaya hindi ko sila pwd iwan lalo na ngayo na merun ako laban sila lang ang nagpapalakas loob sa akin.-Sakuragi

"Okey edi kung ganon dito na rin sila tumira malaki naman itong condo unit ko,para masaya at para makilala ko rin sila okey ba yon sayo Hanamichi"? Tanong ni Neji sa akin at tumango naman ako bilang pag sang ayon nito.

Bumababa na kame ng sasakyan at pumasok na kame sa loob ng condo unit nito, sa pag pasok namen na amazed ako sa mga gamit nito sa bahay mukhang mamahalin ang lahat ng ito. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid hangang sa matanaw ko sa kabilang gawi ang isang picture frame na may award,kung hindi ako nagkakamali si Neji ito kahawig na kahawig ko talaga parang ako lang ang nasa picture na ito.

"Ehem umhh gwapo ba" Ngising tanong nito na nasa likod ko.

Bakit may award ka saan kaba naglalaro"Tanong ko kay Neji.

"Naglalaro ako sa isang tournament sa America at UK at nag champion kame" Sagot nito na kakamot kamot sa ulo.

Wow ang galing! kaya pala sa pinakita mo galaw kanina bihasa kana sa paghawak ng bola maging sa pag rebound mo subrang taas. Daig mo pa si Rukawa Mayabang..-Sakuragi

"Huh si Kaede Rukawa ba kamo ang binansagan super rookie ng kanagawa"? Ngising wika nito na nagpapakunot ng noo ko.

Bakit mo kilala si Rokawa tanong ko.

"Kilala ko yan dahil nasa America ang pamelya niya, magka susyo sa negosyo ang magulang ko at magulang niya pero hindi pa kame nagkikita dahil busy ako sa pag aaral at sa pag training ng basketball", Paliwanag nito sa akin.

Ayos ahh buti na lang hindi pa kayo nagkakilala napakayabang kasi nun, pero kahit na ganun siya nagkakasundo naman kame sa laro. Yon nga lang minsan nagkakainitan kame lalo na noong hindi pa ako marunong sa basketball. Naalala kupa noon nasa high school academy kame na suntok ko siya dahil ang yabang niya kasi at siya ang crush ng babae gusto ko si Haruko Akagi. Pero kalaunan naging magkaibigan kame dahil sa iisang team kame ng shohuko high",Sambit na sabi ko at nakikinig naman si Neji na seryuso ang mukha.


Ps: Types and Grammatical error please let me know🥰

Ang story na ito ay wala sa manga fanfiction lamang para sa mga solid na taga subaybay kay hanamichi sakuragi..
At maraming salamat sa mga nagbabasa nito🥰😘

By:Genbell♥️







International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon