Pagkatapos nila magkita ni sakuragi agad na sumama si Aiya pra puntahan si Neji.
" Umhh Aiya dito ka muna hintayin mo ako dito, ipapasok ko lang muna tong bag ko at pagka tapos pupuntahan na natin ang kakambal ko" Sabi ni Sakuragi kay Aiya tumango naman ito.
" Cge sakuragi hintayin na lang kita dito" Sagot ni Aiya agad naman lumakad si sakuragi at pumasok na sa bahay nila ni Mito.
Habang papasok si sakuragi sa bahay,tinatanaw naman ito ni Aiya tila pinag aaralan ang lugar.
" Ito ba ang bahay ng kakambal ni Neji bakit wala siyang binabanggit sa akin,kung hindi ko ito nakilala tsaka ko lang malaman na may kapatid pala ang fiance ko at kakambal pa niya ito. Pero iba ito kay Neji napaka simply lang ng buhay niya kahit na maluko ito mag salita hindi maitatago sa mukha niya na mabait itong tao. Tsaka kung titigan ko siya parang may kilig akong nararamdaman dito sa puso ko. bakit hindi ko ito naramdaman kay neji noong una ko siya makilala sa America. Pero ngayon kay sakuragi kakaiba tila naninikip ang dibdib ko sa subrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi pwede ikakasal na ako kay neji dapat hindi ako mag isip ng kung ano ano baka imahinasyon ko lang or baka na paranoid lang ako." Sabi ni Aiya sa sarili habang hinihintay si sakuragi.
Samantala pumasok si sakuragi sa loob ng bahay para mag bihis at para maka Punta agad siya sa gymnasium kung saan nagsisimula ang laban.
"Ano na kaya ang nagaganap doon sa gymnasium kumusta na kaya ang mga teammates ko,seguro naman nakakapuntos na sila. magaling ata ang kakambal ko at nasubukan kuna rin ang mag one on one sa kanya. Hindi maikakaila isa din siyang henyo na tulad ko! hindi man kame sabay na lumaki pero iisang dugo naman ang nanalaytay sa amin at un ang pagiging HANAMICHI SAKURAGI" Sabi ni sakuragi sa sarili.
Dali dali nagbihis si sakuragi at lumabas na ito dahil ayaw niya maghintay si Aiya sa kanya..
" Bakit iba ang nararamdaman ko sa babaeng yon,Subrang ganda rin niya tulad ni haruko pero hindi naman ako ang mahal ni haruko kundi si rukawa.Ang swerte naman ng kakambal ko mayaman na may Fiance pa ubos ng ganda sana all na lang talaga nyahahaha" Natatawang sabi ni sakuragi sa sarili ata lumabas na ito ng bahay.
Agad naman napansin ni Aiya na papalapit sa kinaroroonan niya si sakuragi.
"Umhh ang gwapo talaga ni sakuragi bagay na bagay sa kanya ang jacket na sout niya at ang pulang buhok niya na babagay din sa mukha niya" Paghanga sabi ni Aiya sa sarili habang tinatanaw niya si sakuragi.
" Pasinsya na pinaghintay pa kita" Ngiting sabi ni sakuragi.
"Umhh Okey lang sakuragi hindi naman ako naiinip kaya okey lang" Sagot na sabi ni Aiya.
" Siya nga pala Aiya bakit ka nga pala nagpunta dito sa Japan" Tanong ni sakuragi.
Kumunot naman ang noo ni Aiya dahil sa tanong ni sakuragi sa kanya..
" Ang daldal pala ng isang to umhh bakit nga ba ako nagpunta dito ano nga ba ang pakay ko" sambit nito sa sarili.
" Umhh ano kase madami ako pakay dito sakuragi,una gusto ko maayos ang gusot sa amin ng kababata ko.At pangawala nabalitaan ko rin na ng dito ung ex boyfriend ko isa sa mga player ng Ryokufu." Pagpapaliwanag ni Aiya kay sakuragi.
Bigla kumunot ang kilay ni sakuragi pagka rinig niya ng team Ryokufu.
" Ryokufu sino kaya ang sinasabi niyang ex alam kaya nito na ang Ryokufu team ang makakalaban namen ngayon" Sambit ni Sakuragi sa isip niya tila naguguluhan.
" Sakuragi okey ka lang ba bakit nakatulala ka dyan may nasabi ba ako hindi maganda" Takang tanong ni Aiya blanko pa rin ang mukha ni sakuragi.
" Umhh Aiya sino ung sinasabi mong ex ng team Ryokufu" Tanong ni sakuragi.
Dahil sa tanong ni sakuragi bigla naman nagtaka si Aiya at kumunot ang dalawang kilay nito.
" Bakit sakuragi kilala mo ba ang team na yon" Tanong ni Aiya.
" Uo at hindi lang kilala! kalaban namen sila sa team namen ng shohuko,napakayabang ng mga yon! akala mo kung sino magaling eh wala naman sila binatbat sa isang henyong tulad ko" Gigil na sabi ni Sakuragi at si Aiya naman ang natulala.
" Segurado kaba sa sinasabi mo sakuragi,dahil ang ex boyfriend ko ang team captain nila si Michael Okita.
Dahil sa pagka sabi ni Aiya sa pangalan Michael lalong pumangit ang expression ng mukha ni sakuragi at napakuyom ito ng kamay niya.
" Ano si Michael Okita ang ex boyfriend niya ang asungot na yon at hambog pa" Sabi ni sakuragi sa isip niya.
" Alam mo kase Aiya, masyadong mayabang ang taong yon,purket ace player siya ng america grabe siya umasta" Sabi ni sakuragi
" Hindi naman siya ganong tao sakuragi, kasal anan ko kung bakit naging ganon siya.Kaya ako ng dito para maayos kame dalawa at sa matalik pa namen kababa si Kaede Rukawa." Sabi ni Aiya.
"Rukawa!" Sigaw na sabi ni Sakuragi.
gulat naman si Aiya sa pag sigaw ni sakuragi dahil sa pangalan rukawa.
" Bakit sakuragi kilala mo rin ba si keade rukawa" Tanong ni Aiya.
" Uo at hindi lang kilala ka team ko siya at mortal kung karibal sa puso ni haruko" Gigil na sabi ni Sakuragi.
Blanko naman ang mukha ni Aiya sa sinabi ni sakuragi na karibal nito si Kaede Rukawa..
" Bakit nasasaktan ako sa sinabi ni sakuragi parang may kirot dito dito sa puso ko" sabi ni Aiya sa isip niya.
" Ganun ba sakuragi si Kaede Rukawa ay kababata namen ni Michael Okita,nagkaroon kame ng mis understanding kaya nagkahiwalay kame at pumunta siya dito sa japan. Gusto ko humingi ng sorry sa kanilang dalawa dahil sa nagawa ko" Paliwanag na sabi ni Aiya kay sakuragi.
Natahimik naman si sakuragi sa narinig kay Aiya hindi nito akalain na ganito pala ang history nila.
" Pasinsya kana Aiya hindi ko akalain na mabigat pala ang dinadala mong problima lalo na sa ex boyfriend mo si Michael tika alam ba nila na ng dito ka sa Japan." Tanong ni sakuragi.
" Yon na nga sakuragi hindi pa nila alam at wala din alam si Neji sa binabalak ko. Kaya ako ng dito dahil gusto ko rin sila maka usap" Sabi ni Aiya na malungkot ang mukha.
" Maintindihan ka naman seguro ng kakambal ko Aiya,tayo na puntahan na natin sila sa gymnasium tiyak matutuwa si neji kapag nalaman niya ng dito ang kanyang Fiance.
Pagkatapos sinabi ni Aiya kay sakuragi kung ano ang pakay niya,agad na sila nagtungo sa gymnasium para makita si Neji at pati na rin si Kaede Rukawa at Michael.
Ano nga kaya ang reaction nila ngayon ng dito si Aiya Takahachi ang Fiance ni Neji at kasama pa nito si Sakuragi.....
Abangan ang susunod na update!!
PS/Types and Grammatical error lablab lang at maraming salamat sa pagbabasa ng kwentong ito..
BINABASA MO ANG
International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]
FanfictionAng Buhay nang ating Henyo si Hanamichi Sakuragi, Makalipas ang dalawang taon na pagtigil nito sa paglalaro. Ngayon nagbalik na ito sa kanagawa,para makipaglaban sa International world wide basketball tournament. Ano ang gagawin ni Hanamichi Sakura...