*Balik sa Laro*
Hawak ni Michael ang bola at dinidribol ito at unti unti niya itong binilisan hangang sa tumalon siya para e shoot,subalit nabasa ni Akagi ang gagawin niya kaya sabay silang tumalon. Hangang sa ma supal-pal nito ang bola at patalbog ito sa pwesto ni Miyagi. Sabay naman na bumagsak ang dalawa.
" Akala mo makalusot ka nababasa na kita Michael"! Ani Akagi.
"Huh masyado ka namang agrisibo nagsisimula pa lang tayo"-Michael
Dahil nag sisimula na ang counting sa board lamang ng dalawang puntos ang ryokufu 2-4 ang score.
Sa bench area kung saan naka upo sila coach anzai at ang iba pa nila kasamahan.
" Coach mukhang malakas talaga ang Ryokufu" Ani Sendoh
" Uo Sendoh kilala kase si Michael na legend noong nasa america ito kaya mabilis niya rin basahin ang kilos ng kanyang kalaban" Sagot na wika ni coach anzai.
*Samantala sa bahay nila Mito*
"Sakuragi Masakit pa ba! ano ba kase ang kinain mo"? Tanong ni Mito kay Sakuragi.
Dahil dun sa bahay ni Neji napadami ang nakain ni Sakuragi kaya na impatso ito, at hindi natunawan kaya subra ito namilipit sa sakit ng kanyang tiyan. Agad naman dinala ni Mito si Sakuragi sa malapit na clinic.
" Hindi na masyado Mito, pero nghihina pa ako Kainis ngayon pa ngyari sa akin to paano ako makakalaro kulang ako ng lakas."Inis na sabi ni sakuragi sa kanyang kaibigan.
"Uo nga Sakuragi hindi naman natin alam na magkakaganyan ka,paano yan hindi pa alam ng ka team mo kung ano ang ngyari sayo malamang nag aalala na sayo ang nga yun ipapaalam ko ba"! Ani Mito
" Wagmuna Mito ang mabuti pa tawagan mo ang kakambal ko sabihin mo ng dito ako ngayon sa clinic." Utos ni Sakuragi kay Mito.
Agad kinuha ni Mito ang kanyang cellphone para tawagan ang kakambal ni Sakuragi.
" Hello sino to hindi kase naka register ang name mo dito sa phonebook ko" Tanong ni Neji.
"Ahh eh ako nga pala si Yohie Mito ang bestfriend ni Hanamichi Sakuragi,napatawag ako dahil nais ko lang ipaalam sayo na ng dito sa clinic ang kakambal mo si sakuragi" Anas ni Mito
" ooh shit" tila nagulat si Neji sa sinabi ni Mito.
"Bakit anong ngyari sa kakambal ko bakit nasa clinic siya" Tanong ni Neji sa kabilang lenya.
"Namimilipit kase sa sakit ng tiyan niya kaya dali-dali ko siya dinala dito sa clinic" Ani Mito.
" Saan clinic kayo e text mo sa akin ang address para maka punta agad ako diyan" Ani Neji
" Okey Neji e text ko sayo cge hintayin ka na lang namen dito" Pagpapaalam ni Mito.
"Shiit hindi pwede may mangyari sa kakambal ko, ngaun pa na nakilala kuna siya matagal na panahon na nangungulila ako sa kakambal kokaya dapat ako naman ngayon ang bumawi sa kanya." Sabi ni Neji sa isip niya.
Maya maya pa ay dali dali naman umalis si neji para puntahan si sakuragi sa lugar nila Mito.
*Balik sa Gymnasium*
Nakita ni Haruko ang kaibigan ni sakuragi maliban kay mito wala din.
"Ano kaya ang ngyari sa dalawa bakit hangang ngayon wala pa sila pati si Rukawa wala rin,ang mabuti pa lapitan kuna sila Noma,Takamiya at Uhkusu para Tanongin ang mga ito" Sabi ni haruko sa isip niya.
Agad nilapitan ni haruko ang kaibigan ni sakuragi..
" Noma,Takamiya Uhkusu!" Tawag ni haruko.
Napatingin naman ang tatlo sa gawi ni haruko at ngumiti ang mga ito.
BINABASA MO ANG
International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]
FanfictionAng Buhay nang ating Henyo si Hanamichi Sakuragi, Makalipas ang dalawang taon na pagtigil nito sa paglalaro. Ngayon nagbalik na ito sa kanagawa,para makipaglaban sa International world wide basketball tournament. Ano ang gagawin ni Hanamichi Sakura...