Mahigpit ang pagkakahawak ni Ichirou sa bola habang mabilis na dinidribol nito,dahil sa mabilis na kumilos si Rukawa agad nito nakuha ang bola sa kamay ni Ichirou.Tiim bangang naman nakatingin si Michael sa ginawa ni rukawa na ngayon ay tumira ito ng lay up. Agad na e shoots ang bola kasalukuyan lamang na ng 3 puntos ang shohuko.
" Okey lang yan Michael nasa preliminary pa lang naman tayo wala pa ito sa tunay na laban tiyak makakabawi tayo" Ngiting sabi ni Ebina Kaoru.
Mahigpit pa rin ang depensa ng Ryokufu sa team ng shohuko pagkatapos mag lay up ni rukawa bigla naman salubong ng dalawang kambal na sina Keiji at Seiji. At biglang sulpot ni Michael sa likod nito.
*PAANOONG*----
Gulat naman si rukawa dahil sa isang iglap nasa kamay na ni Michael ang bola.
* Huh ano ka ngayon rukawa! akala mo hindi kita ma isahan" Gigil na sabi ni Michael.
Agad na tumakbo si Michael habang mabilis na nag dribbling at palipat lipat ng direction ang bola sa kamay niya na kinalito naman nila Maki at Mitsui nasa harapan nito.
"Mitsui Maki wag niyo hayaan na makawala ang isang yan"! Sigaw na sabi ni Akagi"
Pero mukhang malakas si Michael at nagawa nito makalusot sa pagbantay nila Maki at Mitsui.
Tumakbo si Michael ng mabilis agad naman siya sinabayan ni Neji papunta sa shooting area,akmang itira ni Michael pero na block ito ni Neji at na pal pala ang bola papunta sa direction ni Rukawa.
"Rukawa!" Sigaw ni Neji.
Agad naman kinuha ni rukawa ang bola pero sinabayan siya ni Ichirou hangang sa nag agawan ang dalawa
" Fault" Sigaw ng referee.
*Samantala sa audience area*
Nakita ni coach anzai ang ginawa ni neji sa pag pasa ng bola kay Rukawa.
" Huhuhu magaling sakuragi talagang hindi niyo nakalimutan ang sinabi ko sa inyo noon,noong naglalaro kayo sa ryonan na dapat mag laro kayong dalawa na iisang team para madali niyo matalo ang kalaban." Ngiting sabi ni coach anzai habang nakatingin sa gawi ni neji at rukawa.
"Ui Mito nakita mo ba ang ginawa ni sakuragi agad niya pinasa kay rukawa ang bola diba dati tuwing naglalaro sila ayaw niya ipasa kay rukawa ang bola.Pero bakit ngayon nag iba na ata ang si sakuragi" Takang tanong ni Ukusu kay mito.
Hindi naman naka sagot si mito sa tanong ni Ukusu bagkos ay napatingin lang ito sa pwesto nila neji" Sana lang hindi sila magtataka sa ginawa mo neji. dahil hindi naman ikaw si sakuragi at sana naman dumating na si sakuragi para hindi nila mahahalata na kakambal niya ito ang naglalaro ngayon"Sabi ni Mito sa sarili.
Samantala sa clinic kung saan si sakuragi---
" Ah excuse me Mr.Sakugari pwede na ho kayo maka labas dito" Ngiting sabi ng doktor kay sakuragi.
" Talaga dok YES mabuti naman kung ganon dahil excited na ako makakalaro" Tuwang sagot ni sakuragi.
" Pero wag mo muna pwersahin ang katawan mo Mr. Sakuragi dahil hindi kapa ganon ka lakas nagrerecover kapa lang" Sambit na saad ng doktor at tumango naman si sakuragi.
Ngumiti naman si sakuragi at agad niya inihanda ang kanyang mga gamit para sa discharge.
" Ano na kaya ang ngyayari sa laro ni neji hindi kaya siya mahahalata ng mga kasamahan ko.kailangan kuna maka punta dun sa gymnasium para makapag subs ako sa kakambal ko." Sambit na sabi ni Sakuragi sa sarili.
Samantala habang nasa daan si sakuragi at dala dala niya ang kanyang bag papunta sa bahay nila Mito.
Agad na pansin ni sakuragi ang isang magandang babae sa daan mukhang na platan ito.
" Ahh Miss okey ka lang anong ngyari"Tanong ni sakuragi sa babae.
Tila na gulat ang babae sa nakita at ngumiti siya kay sakuragi
" Honey" Sabi ng babae
Agad na tumakbo ang babae papalapit kay sakuragi at agad itong niyakap.
"Bakit tinawag niya akong honey hindi ko kilala ang babaeng ito" Sabi ni sakuragi sa sarili na hindi maka galaw sa kinatatayuan nito tila na bigla sa ginawa ng babae.
" Ahh Miss bakit mo ako yinakap" Tanong ko sa babae.
" Huh Hon what are you talking about" Takang tanong ng babae at agad na binitawan si sakuragi.
Tinitigan ni sakuragi ang magandang babae" Bakit niya ako tinatawag na hon e wala naman akong girlfriend at parang namumukhaan ko ito hindi ko lang alam kung saan,pero subrang ganda naman niya" Ngiting sabi ni sakuragi sa babae.
"Uhm Miss hindi kita kilala" Sabi ng babae at nagulat naman ito sa sinabi ni sakuragi.
" Huh nagpunta ka lang dito sa Japan nakalimutan muna agad ako" Bulyaw na sabi ng babae.
" Ahh eh promise miss hindi talaga kita kilala" Mahinahon sabi ni Sakuragi.
" Neji are you insane? You told me before to come with you here in Japan" Sigaw na sabi ng babae
Gulat naman si sakuragi sa narinig sa babae" Neji tinatawag niya akong neji ang kakambal ko mukhang kilala niya ang kakambal ko" Sabi ni sakuragi sa sarili.
"Ah miss huminahon ka lang hindi ako si Neji." Paliwanag ni sakuragi sa babae
" Ano nagpapatawa kaba hon wag mo nga ako biruin, purket sinundan kita dito sa Japan nagkaganyan kana" Sabi ng babae.
"Ikaw ata ang nagkakamali miss dahil hindi ako si Neji ako ang kakambal niya si hanamichi sakuragi" Sabi ni sakuragi tila nagulat ang babae sa sinabi nito.
" Ano ka mo?" Tanong ng babae.
"Miss ako ang kakambal ni Neji ako ang henyo dito sa Japan nyahahaha" Tawang sabi ni Sakuragi.
"Paano ngyari yon bakit wala na banggit si Neji sa akin na merun siya kakambal" Sabi sa isip ng babae.
"Ay sorry akala ko ikaw si Neji alam mo ba kung na saan siya" Tanong ng babae
Napapakamot naman si sakuragi sa ulo niya na tinitingnan ang babae" Umhh ahh hehehe ano kase miss nsa tournament si Neji dahil hindi ako nakapag laro kaya siya muna ang pumalit sa akin" paliwanag ni sakuragi sa babae.
" Ahh ganon ba by the way ako nga pala si Aiya Takahachi ang fiance ni Neji" Sabi ni Aiya at inilahad ang kamay niya kay sakuragi.
Nagulat naman si sakuragi dahil sa kanyang narinig..
" Fiance siya ni Neji natatandaan kuna siya iyong babae nakita ko sa frame doon sa bahay nila Neji" Sabi ni sakuragi sa isip niya.
Agad naman inabot ni sakuragi ang kamay ni Aiya" Ahh hehehe ako pala si Hanamichi Sakuragi ang kakambal ni Neji" Pagpapaliwanag niya kay Aiya.
" Bakit kakaiba ang nararamdaman ko kay sakuragi tila may kuryente sa kamay ko, ngayon ko lang napag tanto gwapo din pala ito. at malaki ng kunti ang katawan niya kaysa kay Neji at pula rin ang buhok niya hindi maikakaila na magkakambal nga sila dalawa." Sabi ni Aiya sa sarili.
" Umhh Aiya gusto mo ba puntahan si Neji sumabay kana sa akin, dahil doon din ang Punta ko ihahatid ko lang muna itong mga gamit ko at pagka tapos deretso na ako doon.
Agad naman tumango si Aiya at sumama kay sakuragi.
Ano nga kaya ang reaction ni Neji ngayon na kasama ni sakuragi ang fuance niya. Kaya aabangan pa rin natin ang next update natin....
PS/Types and Grammatical error pagpasinsyahan niyo na bagohan lang po ako..lablab♥️
BINABASA MO ANG
International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]
FanfictionAng Buhay nang ating Henyo si Hanamichi Sakuragi, Makalipas ang dalawang taon na pagtigil nito sa paglalaro. Ngayon nagbalik na ito sa kanagawa,para makipaglaban sa International world wide basketball tournament. Ano ang gagawin ni Hanamichi Sakura...