Chapter 13- International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]

170 13 10
                                    

*Ang paghaharap ni Yohie Mito sa kakambal ni Sakuragi*

Matapos ang sinabi ni Mito sa security guard na si Hanamichi Sakuragi ang nagpapunta sa kanya sa Condo Unit,Tila naguguluhan ang Security sa mga nasabi ni Mito.

"Ano guard papasukin mo na ba ako"Sabi ko tumango naman ito.

"Okey dahil Si sir Neji naman pala ang naka usap mo halika."Sambit nito agad naman sumunod si Mito sa kanya.

"Grabe nakakalula ang building na ito ang ganda. paano kaya naka pasok si Hanamichi dito,seguro may kalukuhan nanaman ginawa un". Sambit ko sa aking sarili.

Patingin tingin naman sa paligid si Mito habang naka sunod sa security guard papasok sa loob.

"Okey boss sumakay ka na lang ng elevator para mas mabilis ka makarating sa 8th floor" Sambit ng security at tumango naman si Mito papunta sa elevator.

Habang binabaybay ni Mito ang Hallway papunta sa elevator,iniikot niya ang kanyang paningin sa paligid naka red carpet lahat ng hallway.

"Grabe ang yaman seguro ng may ari nito building,kahit saan mo tingnan puro mamahalin ang naka display"Manghang sambit nito sa sarili.

Pasakay na siya ng elivator,At merun naman siya nakaka sabay na mga cleaners.

"Ui girl alam mo ba dumating yong may ari kanina lang at usap usapan hinahanap daw nito ang kapatid niya nawawala" wikang sabi ng isang cleaners.

"Talaga OMG maykapatid pala si sir na pogi ang Hot pa naman niya"Sambit ng isa pa tagalinis.

"Uo nga ngayon ko lang siya nakita dahil sa London ito nanirahan,at take note! mgaling din daw sa basketball si Sir Neji" Wikang saad pa ng isa cleaners.

"Halata naman sa kanya sa tangkad ba naman niya mukha talaga habulin at hindi lang yon super yaman pa"Sabi ng isa pa.

Tahimik lang nakikinig si mito sa usapan ng mga cleaners habang.

"Sino kaya ang tinutukoy nila may ari,mukhang mayaman nga seguro dahil sa mga sinasabi ng mga ito,Malapit na ako sa 8th floor" Sambit ni Mito sa sarili.

Agad naman huminto ang elivator at lumabas na si Mito,tiningnan niya kung saan pinto si Hanamichi at nakita nito at nag doorbell na ito. Agad naman binuksan ni Hanamichi ang pintoan.

"Ang tagal mo naman Mito kanina pa ako naghihintay sayo"Wika ni Hanamichi kay Mito.

"Ah eh tagal kasi ako pinapasok noong guard,ang higpit naman pala dito hanamichi" Ngiting sabi ni Mito

"Ganun talaga basta exclusive ang building mahigpit talaga sila" Nyahaha tawang sabi ni Hanamichi kay Mito.

"Bakit mo pala ako pinapunta dito hanamichi"Tanong ni Mito.

"Ahh kasi may ipakilala ako sayo special na tao"Ngiting sabi ni hanamichi habang kakamot kamot sa ulo.

"Abah babae ba yan hanamichi! bakit hindi mo sinabi sa akin na merun kana pala binabahay na babae" Asar na sabi ni Mito kay hanamichi.

"Gonggong hindi babae kundi lalake Hahaha" Natatawa saad ni Hanamichi.

"Gagi na bakla ka naba hanamichi!!" Asar na sabi ni Mito.

"HINDI BAKLA ANG KAKAMBAL KO" Sambit na sabi ni Neji Kay Mito.

Bigla naman nanigas sa kinatatayuan si Mito dahil sa kanyang nakita,ang biglang pag sulpot ni Neji sa likuran nito. Kaya naman gulat ang romihistro sa mukha nito na naka awang pa ang bibig.

"Hanamichi!!Hanamichi!!Hanamichi sampalin mo nga ako!"utos ni Mito kay hanamichi dahil sa kanyang nakita.

"Gonggong totoo ang nakita mo Mito si Neji Sakuragi ang kakambal ko,kaya kita pinapunta dito dahil gusto ko personal mo makita ang kakambal ko. At siya din ang may ari ng building na ito. Kanina ko lang din siya nakilala noong nag practice ako sa gym. Paliwanag na sabi ni Hanamichi kay Mito blangko naman ang mukha nito na nakatingi sa dalawang kambal.

"Totoo ang sinabi ng kakambal ko AKO ANG KAKAMBAL NI HANAMICHI SAKURAGI, I'AM NEJI SAKURAGI"Pagpapakilala ni Neji kay Mito.

"Hanep Paano ngyari yon may kakambal si Hanamichi Sakuragi,ang pagkakaalam ko noon nag iisa lang ito dahil iniwan ito ng kanyang mga magulang. At ngayon bigla litaw nito na kakambal ni sakuragi it's impossible!! Dahil kamukha kamukha sila dalawa at ang tangkad at yong buhok parehong pareho malaki din ang katawan nito. Siya pala ang tinutukoy ng mga cleaners kanina sa elivator,kung hindi ako nagkakamali siya din ang may ari nito buong condo unit na ito. Wikang sabi ni Mito sa sarili habang nakatingin pa rin sa dalawa.

"Bakit natulala ka Mito hindi kaba makapaniwala merun ako kakambal na isang henyo rin nyahahah"Tawang sabi Sakuragi.

"Nagulat lang ako hanamichi hindi ko kasi lubos maicip na sa haba ng panahon na nag iisa ka at ngayon merun ka pala kapatid at kambal pa" Naguguluhan sabi ni Mito kay Sakuragi.

"So ngayon na alam mo na merun lang sana ako paki usap sayo Mito, Ayaw ko pa kasi ipa alam sa mga kaibigan natin. Hindi pa ito ang tamang oras na malaman nila may kakambal ako,maasahan ba kita Mito" Pakiusap na sabi ni Hanamichi kay Mito.

"Ako pa areglado Hanamichi alam mo namang mapagkatitiwalaan mo ako lalo na sa mga ganito ka komplikado,Maasahan mo ako hindi ako mag sasalita sa kahit na sino." Saad ni Mito at nag highfive sila dalawa ni hanamichi.

"Maraming salamat Mito ikaw lang kasi ang pwede ko pagsabihan" Wikang sabi ni Hanamichi sa kaibigan.

"Walang anuman hanamichi maasahan mo ako sa lahat ng bagay"Ngiting sabi ni Mito.

Samantala tuwang tuwa si Mito dahil sa natuklasan nito may kakambal ang kanyang matalik na kaibigan,dahil noon paman ay pangarap na nito magkaroon ng tunay na kapatid. At ngayon ay natutupad na ang hiling nito kaya naman subrang tuwa ito.

"Paano mo pala nahanap si Hamamichi"Tanong na sabi ni Mito kay Neji.

"Nagtanong tanong kasi ako sa mga kakilala ko dito sa japan,at nag hired din ako ng tao para hanapin ang kakambal ko. At nong nalaman ko na dito pala siya sa Japan agad ako nag punta dito para makita siya. Recently ko lang din nalaman na hindi pala ako tunay na anak ng mga magulang ko ang umampon sa akin,Malubha na kasi ang kalagayan ni Mom kaya bago siya binawian ng buhay sinabi niya sa akin na merun ako kakambal. Kaya tuwang tuwa ako nong nalaman ko at nababalitan ko din na sumali sa shohuko team si hanamichi para maglaro ng basketball. Nalaman ko din na gusto ng kambal ko maging MVP sa larong basketball kaya ng dito ako para tulungan siya makamit ang matagal na niya pinagarap"Paliwanag na sabi ni Neji kay Mito.

"Ayos maganda combination ito sa laro sino mag aakala na merun pala kakambal si hanamichi sakuragi at hindi nila malalaman na ibang sakuragi na pala ang naglalaro., sa tingin ko magaling din ito mag laro tulad ni hanamichi" Ngiting sabi ni Mito sa sarili.

"Hoy ano nginingiti mo dyan Yohie Mito, wagmo sabihin gusto mo tumira dito ano"Pang aasar na sabi ni Hanamichi kay Mito.

"Ahhh eh xmpre gustong gusto ko sa ganda ba naman ng lugar na ito,kaso hindi ko pwd iwan ang mga kaibigan natin sila Noma,Takamiya at ohkuso. Matagal na ang pinagsasamahan natin tas ganun na lang ka bilis na iwan sila yon ang hindi ko pwd gawin." Sagot na sabi ni Mito kay hanamichi.

"Tara samahan niyo ako dalawa puntahan natin ang maliit kung court ,dito ako madalas mag laro ng basketball dahil ito lang ang libangan ko pagkatapos sa business meeting ko. Dito ako madalas nagtatambay, hindi ko nga alam bakit ang hilig ko mag laro ng basketball bata pa lang ako nag traning na ako sa London at sumabak na rin ako sa mga official game." Ngiting sabi ni Neji kay hanamichi at Mito.

Agad naman sila nagtungo sa kabilang hallway kung saan ang mini court na sinasabi ni Neji sa kanila,habang naglalakad sila may mga tao naka tingin sa kanila tila naguguluhan ang mga ito dahil sa nakita magka mukha ang dalawa.Agad sila pumasok sa court,merun itong dalawang ring sa magkabila at marami din bola nasa corner box.

"Wow ang ganda naman ng court na ito Neji" Manghang tanong ni Hanamichi sa kakambal.

"Uo nga pwd na kayo mag one on one dito"Segunda sabi ni Mito.

Ngumiti lang si Neji at naglakad papunta sa mga bola,kumuha siya ng isa at inihagis kay Hanamichi.




Ps:Types and Grammatical error please let me know:) lab lab enjoy po sa pagbabasa.

Note: Ang story na ito ay wala sa manga o sa slamdunk movie..

International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon