*HANAMICHI SAKURAGI POV*
Matapos kong maka usap si Mito at marining sa kanya na ikakasal na si Aiya. Nanlumo ako at hindi ko mapigilan ang sarili ko mapaiyak napahagulhol ako at napa upo sa cemento.Bakit ganito sa tuwing nagmamahal ako may humahadlang bakit hindi na lang ako hahayaan maging masaya sa taong mahal ko. Dati kay Haruko Agaki minahal ko ng subra pero hindi naman ako ang mahal niya tas ngayon kay Aiya naman. mahal namen ang isat isa pero kakambal ko naman ang karibal ko at wala na kaming pag asa ni Aiya dahil ikakasal na sila.Napa sapo ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko ng may bigla panyo iniabot sa likuran ko tiningnan ko ito kung sino IKAW...
"Hito punasan mo yang luha mo hindi bagay sayo ang umiiyak"Sabi nito pagak naman ako natawa sa tinuran nito
"Wala kang paki alam kung umiiyak ako buhay ko to eh"Sabi ko tipid naman na ngumiti ito bakit kaya siya ng dito kanina lang doon siya sa park tas ngayon dito sa labas ng mansion seguro sinundan niya ako" sabi ko saking sarili sabay tayo at kinuha ang panyo.
"Salamat dito bakit ka nga pala ng dito"Tanong ko tipid naman ito ngumiti
"Ahh kase nagpapahangin lang ako at nag lakad lakad para maka langhap ng hangin tas nakita kita kaya lumapit na ako hindi ko naman akalain na iyakin ka pala sa laki mong yan iyakin hehehehe" Asar nito sabay tawa
Abat inaasar pa ako ah,pero infairnes ang cute niya tika pansin ko maykahawig siya hindi ko lang alam kung saan tsaka kuna isipin yon ang mahalaga gumaan itong pakiramdam ko.
"Bye the way i am Temary Ruez"Pagpapakilala nito sabay lahad ng kanyang kamay ang ganda naman ng pangalan niya bagay sa kanya.
"Ako si Hanamichi Sakuragi ang henyo ng shohuko"Saad ko sabay abot sa kanyang kamay
"Wow nice name ah ngayon ko lang naririning yan"Ngiting sabi nito sabay kuha sa kanyang kamay
"Aba sympre henyo nga diba" Asar sabi ko pa tumalikod naman ito at sinundan ko
"Ui biro lang wagmo masyado seryusohin yon"Dugtong sabi ko kaya napahinto naman ito.
"Siya nga pala bago ka lang ba dito dahil ngayon lang kita napapansin eh"Tanong niya napakunot naman ang noo ko ibig sabihin matagal na pala siya dito sabi ko sa aking sarili
"Ahh bago nga lang ako dahil isinama ako dito ng mama at lolo ko"Saad ko at ikinagulat naman nito ang sinabi ko
"Huh ibig sabihin apo ka ni Don Hajime "Tanong nito
Napakamot naman ako sa ulo ko at ngumiti sa kanya
"Uo actually bago lang kame nagkakilala doon talaga ako sa kanagawa. Lumaki ako na hindi ko nakilala ang mga magulang ko"Saad ko pa tahimik lang ito nakikinig sakin
"Pasinsya na napa kwento tuloy ako"Dagdag ko pa na kinatango naman nito
"Okey lang naman yon masaya nga ako eh atlease maymakakausap na ako. Siya nga pala okey lang ba kung magtanong ako kung bakit ka umiiyak kanina may problima kaba? Okey lang kahit hindi mo sabihin sakin hehehe"Sabi nito bigla naman ako nalungkot at muli kung naalala si Aiya
"Hays bakit kase nagka ganito ang buhay ko palagi na lang ganito,hindi ako swerte sa pag ibig tuwing nag mahal ako minamalas naman.Dahil ang karibal ko ay kakambal ko masakit isipin na ikakasal na sila"Sabi ko at hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha ko agad ko ito pinahid at huminga ng malalim.
"Sorry to hear that, hindi ko alam na malalim pala ang pinag daanan mo sa pag ibig don't worry im here to help you"Sabi ni Temari agad naman gumaan ang pakiramdam ko kahit papano.
"Maraming salamat Temari buti at nakilala kita akala ko masungit ka nung nasa park ka,hindi ko akalain na subrang bait mo pala"Saad ko at napangiti naman ito
"Wala yon Hanamichi magaan din ang pakiramdam ko sayo kaya magkakasundo tayo"Wika nito na may ngiti sa labi
"Tamang tama may inihanda pagkain si Mama tara pasok muna tayo sa loob ng mansion para maipakilala kita sa mama ko at lolo ko" Ngiting sabi ko at tumango naman ito. At nag lakad na kame papunta sa loob ng bahay
Ng makapasok kame sa loob ng bahay abala naman ang lahat sa paghahanda ng tanghalian namen. At nakita ko si mama nasa sala nag babasa ng magazine. Lumapit ako sa gawi niya para ipakilala ko si Timari sa kanya ng marinig ni mama ang mga yabag agad itong ibinaba ang magazine na kanyang binabasa at tiningnan kame dalawa ni Timari.
"Ohh anak ng dyan kana pala ang ganda naman ng kasama mo"Ngiting saad ni Mama
"Ma si Timari nakilala ko kanina habang naglalakad ako sa park"Sabi ko ngumiti naman ito at agad na inilahad ang kanyang kamay sa mama ko.
"Hi po Mam nice to met you"Pagbati ni Temari at agad nakipag biso biso si Mama
"Hi umhh Tita na lang ang itawag mo sakin Temari dahil kaibigan ka ng anak ko welcome ka dito sa bahay"Saad ni Mama ngumiti naman bilang pag tugon
Mayamaya pa ay agad naman lumabas si Lolo sa kanyang kwarto at lumapit ito sa gawi namen..
"Oh Hanamichi ng dito kana pala at aba may kasama kang magandang dilag mukhang bagay na bagay kayo ah" Asar na sabi ni lolo namumula naman ang mukha ni Temari at napangiti naman ito.
"Hehehe kaibigan ko po siya Lo kanina ko lang siya nakilala"Wika ko napakamot naman ako sa aking ulo.
"Alam mo apo doon din naman papunta yon nagsisimula sa kaibigan pero kalaonan ay magiging kayo hehehe"Asar sabi ni Lolo nag kibit balikat lang ako mayamaya pa ay lumapit na samen ang kasambahay para sa tanghalian namen
"Okey Temari tara kakain na tayo tamang tama masarap ang food na inihanada hehehe idaan ko na lang sa kain"Sabi ko napangiti naman ito
Agad na kame nagtungo sa hapag kainan at nag simula na kame kumain.
Samantala sa Shohuko abala naman ang lahat sa paparating nilang laban.
Komplito na ang lahat maliban kay Neji wala ito sa practice.
"Bakit wala si Neji"Tanong ni coach Anzai
Agad naman lumapit si Haruko sa gawi nila at sinabi dito na busy si Neji dahil sa pag aasikaso ng kanilang kasal.
"Ahh coach katawag lang ni Neji kanina baka bukas pa daw siya makaka sali sa practice"Sabi ni Haruko at tumango naman si coach Anzai
BINABASA MO ANG
International World Wide Basketball Tournament [Ongoing]
FanficAng Buhay nang ating Henyo si Hanamichi Sakuragi, Makalipas ang dalawang taon na pagtigil nito sa paglalaro. Ngayon nagbalik na ito sa kanagawa,para makipaglaban sa International world wide basketball tournament. Ano ang gagawin ni Hanamichi Sakura...