Chapter 9

1.3K 26 2
                                    

TIRED

After that day, Weston always made sure that he would tell me everything important that he's doing. 

Hindi ko siya inu-obliga ngunit siya ang may gusto na sabihin sa akin ang lahat, takot na muli kaming mag-away dalawa. Kahit ako rin naman, ayoko ng mag-away kami muli dahil hindi ko kinakaya ang sakit sa puso. 

We are already exposed to the nursing environment as early as second year, nakakapunta na kami sa mga Hospitals, this is what you call clinical rotation ngunit hindi kasi dalang ng mga nagd-duty talaga. 

I already talked about this to Weston na magiging busy na ako at ganoon din siya since he's third year college now and I am second year. 

"Nakakainis na!" Inis na ani ni Mica sa aking tabi. 

Nandito kami ngayon sa hospital, lunch break namin saglit kaya malaya kaming nakakapag-usap. 

"Hayaan mo na, matanda na kasi si ma'am kaya tayo ang napagdi-diskitahan." Bulong ko rito.

Simula noong naging parte kami ng hospital ng Clarké University ay parati kami ang pinag-diskitahan ng pinakamatandang nurse rito. Kami parati ang napupuna at pinapagalitan sa tapat ng maraming tao. Noong una ay take it as a lesson dahil baka tinuturuan niya kami kung paano talaga ang maging isang nurse but I was wrong, mukhang may galit talaga sa amin ang matanda. 

"I'm really patient with her because I still respect her and I wanted to be professional as possible kaso mukhang lalabas ang pagiging gaga ko kapag napuno na ako." Wika nito. "Ayoko talaga ng namumuna na wala naman akong ginagawang mali o masama parang bawat kilos na lang natin binabantayan niya, baka sa susunod bawal na rin huminga." 

Natawa na lamang ako at hindi na nag komento pa, mainit ang ulo ni Mica kaya ayaw ko ng gatungan pa lalo baka mas lalo siyang mainis sa matanda. 

Bumalik na muli kami sa pagkain at matapos iyon nagtungo na kami sa naka assign sa amin. Magkasama kami ni Mica ngunit iba ang ibinibigay sa amin na trabaho, we are in the emergency room. 

Sa bawat pagtulong na aming ginagawa ay may ngiti sa aking labi whenever I met the nursing care that they wanted. 

After a long and tiring day our duty is finally done. We can go home now pero hindi pa rin tapos ang mga gagawin dahil may mga report pa kaming kailangan tapusin at mga requirement na kailangan ipasa. 

When I went home, I went directly to my room so I could take a bath. Mabilis lamang ang mga kilos ko dahil ramdam na ramdam ko ang pagod.

It is already seven in the evening when I finished taking a bath, binalunbon ko ang towel sa aking buhok bago nagtungo sa kama. Kinuha ko ang aking phone to see if I got any messages from Weston and there it is, meron nga.

Weston:
Habibti, don’t forget to eat your food.

Rest if you have time.

I am still busy doing this goddamn Thesis proposal. My head is spinning already. Just kidding. I love you, habibti.

Napangiti na lamang ako dahil sa text nito, kahit marami pa siyang ginagawa, he still finding a way to text me. 

Me:
Nasa bahay na ako, Weston. You too, don’t forget to eat your food and take all your vitamins, okay? I love you too.

Napangiti ako dahil mabilis itong nagreply. 

Weston:
Can I video call you? I want to see your face for a bit.

Me:
Sure.

After a couple of seconds, Weston called me and I answered immediately. 

Mystify LoveWhere stories live. Discover now