FIGHT
Months passed and we were all busy preparing for our finals. This will be the last exam for this second semester and after that it's our vacation.
I went inside our classroom not in the mood to talk to someone. Hindi maganda ang timpla ng mukha ko noong nakaraang isang araw pa.
Pagkaupo ko pa lamang sa tabi ni Mica ay bumungad na kaagad sa akin ang nakangiting mukha nito, walang idea sa kung anong nararamdaman ko ngayon.
"What's happening to you? Why is your face like that? Nakasimangot ka, sige ka magkaka wrinkles ka niyan, Yusra."
Hindi ko alam kung concern ba talaga ito sa akin o nang-aasar lamang siya.
Hindi ako sumagot dito, inilabad ko na lamang ang cellphone ko sa aking bulsa at piniling ito ang pagkaabalahan.
Noong isang araw ko pang pilit na tinatawagan si Weston ngunit kahit isang beses ay hindi ito sumagot sa mga tawag ko. Maayos naman kami nagkausap noon bago niya biglang sabihin na may ginagawa siya. Nag-aalala ako dahil baka kung ano na ang masamang nangyari rito.
Noong sinabi niyang may gagawin siya, pumayag ako dahil baka importante iyon at sino ba naman ako para kwestyonin ang mga ginagawa nito pero ang akin lang sana, sana tawagan niya man lang ako or sagutin ang tawag ko. Hindi ko siya pinagbabawalan sa lahat because I know that he deserves go unwind pero paano naman ako? Kahit isang text or tawag lang ang kailangan ko make sure that he's okay wala akong natanggap.
I tried to text him again.
Me:
Please, Weston answer my call. You're making me worry."So he is the reason why you look like that, hindi matawagan ang babe niya." Mica said, umupo ito sa lamesa naming dalawa. "Baka naman busy?"
"It's okay if he's busy with his studies. I respect that! Pero ang nakakainis lang, I tried to contact him many times kahit isang beses hindi siya sumagot!" Kulang na lamang ay maiyak ako kay Mica habang nagsasalita ng mga hinaing ko. "I am worried sick for him!"
Umalis ito mula sa pagkakaupo sa lamesa, hinila niya ang upuan niya sa aking tabi at doon umupo.
"Yusra, baka sobrang busy kaya pati ang phone niya hindi niya mahawakan? Alam mo naman kapag nag-aaral minsan nakakalimutan na ang mundo sa outside world. Parang sa atin 'di ba? Paminsan ilang years ka pa bago mag reply kapag nag-aaral ka baks gano'n din siya since finals na." Mica's trying her best to calm me down. "Plus, Yusra, tandaan mo, wala kayong label dalawa."
Hindi ko maiwasang umirap sa huli niyang sinabi. Ayos na sana kaso ginatungan niya pa.
Mabuti at dumating na ang Professor namin kaya naiwasan ni Mica na sapakin ko diya. Ilang beses akong huminga ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili. Sa discussion na lamang muna ako makikinig at pansamantalang iwaksi sa aking isipan ang lalakeng gumugulo sa sistema ko.
Lecture after lecture until finally our lunch time comes.
Nakakulumbaba akong nakaupo sa upuan habang nakatapong ang dalawang siko sa lamesa. Katabi ko ngayon sa upuan si Lia. Nag order si Belle at Thea habang si Mica naman ay nagtungo sa comfort room at si Rishi hindi ko alam kung saang lupalop siya ng mundo nagpunta but don't worry, maya-maya lamang ay magpapakita rin ang isang iyon.
"You look like shit, Yusra. What's wrong with you? Do you have any problems or what? Tell me so I can help you." Lia said, hinawakan nito ang kamay ko.
I rested my head on her shoulder. Ilang beses akong nagbuntong hininga bago tuluyang magkwento at baka sakaling mabawasan ang masakit na nararamdaman ko.
YOU ARE READING
Mystify Love
RomanceGIRLS SERIES #1 YUSRA ALCANTARA (COMPLETED) "Sa susunod... huwag mo nang muling ipaparamdam sa iba iyong p-pagmamahal mo... kung hindi mo rin kayang panindigan, dahil sobrang sakit." ____ Warning: This story is not suitable for ages 18 and below. Re...