FIRST
I went in my friend's direction. Abala ang mga ito sa pagkukwentuhan nang lumapit ako sa kanila. Rinig na rinig ko ang malakas na boses ni Mica at Rishi.
Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko sa kanila ang nais kong mangyari ngunit sa huli ay sinabi ko pa rin, at least I tried, right?
"C-can I stay at Weston's hotel room?" I asked them. "I just wanted to be with him but if it's okay with you guys."
Napalingon sila sa akin dahil sa sinabi ko. They stop what they are doing and give their full attention to me.
Medyo kinabahan naman ako sa tingin na iginagawad nila sa aking lahat.
"What?" Thea asked. "I'm sorry hindi ko gaanong narinig because of Ishi's loud voice."
"C-Can I stay with him till the end of this day?" Tanong ko muli.
Nagkatinginan sila, sa pamamagitan ng tingin ay nagtu-turuan ang mga ito at nag-uusap, hanggang si Lia na ang sumagot sa aking katanungan.
"No," Lia answered. "We know the fact that you're really excited to spend your day with him but Yusra, this is your first time meeting Weston. I know that you trust him but for us, hindi pa gaano, I'm not saying that Weston is a bad person but we cared for you, we cared for your safety."
"You're old enough to decide on your own, Yusra but we are concerned as your friends." Rishi added.
Napaisip ako dahil sa sinabi nila, I got their point, iniisip lang nila ang kapakanan ko lalo na't talamak ngayon ang pakikipagkita sa mga ka internet friends or lovers nila and after that, one person will vanish and will find dead.
"I know, I understand." Nakangiting saad ko. "Thank you for thinking about me, about my safety."
Tatalikod na dapat ako upang makapagpaalam kay Weston para makauwi na dahil masyado na rin kaming ginagabi nang magsalita si Mica.
"Yusra, if you really want to be with Weston right now, you can invite him to my place. Only him." Mica said. "Alam ni Tita na nasa bahay ka matutulog at para madali, you two can stay in our guest room and spend the rest of your night there."
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi ni Mica. Halos dambahin ko siya ng yakap sa sobrang tuwa.
"Thank you! Thank you! Thank you so much, Mica!" I kept on thanking her hanggang sa siya na ang kusang nag-patigil sa akin.
"I know that you really want to be with him so I deeply understand. So go now, tell that to your man." Nakangiting ani niya at sinenyasan niya akong umalis na.
Tumungo ako rito at lumapit kay Weston, kausap niya ang mga kaibigan niya bago ako nag excuse upang sabihin sa kaniya ang napag-usapan namin ni Mica.
"Is that okay with her?" He asked. "This is the first time that she met me and she will let me enter her house?"
"We trust you, Weston, that you wouldn't do something bad." I said.
"I'll take that as a compliment." Pagbibiro nito.
Hindi ko siya mapigilang hampasin dahil sa sinabi nito bago siya humarap sa mga kaibigan niya upang sabihin ang napag-usapan.
We decided to go home. We first travel to their condo so Weston can change there.
We waited for him at paglabas niya ay nakapaligo na ito at nakasuot ng pantulog, nagdala na lamang ng isang paper bag pamilit niya kapag aalis na kami kila Mica.
After that we traveled by Weston's car. Naiwan na ang mga kaibigan niya sa hotel room na pinagstayan nila kaya kami na lamang ni Weston at ng ibang kaibigan kong sumakay sa amin ang natira.
YOU ARE READING
Mystify Love
RomansaGIRLS SERIES #1 YUSRA ALCANTARA (COMPLETED) "Sa susunod... huwag mo nang muling ipaparamdam sa iba iyong p-pagmamahal mo... kung hindi mo rin kayang panindigan, dahil sobrang sakit." ____ Warning: This story is not suitable for ages 18 and below. Re...