DATE
Tatlong araw ang nakalipas mula ng dumating dito si Weston at mga kaibigan niya, at tatlong araw na rin ang nakaraan simula noong matulog kaming magkatabi. Sa loob ng tatlong araw na iyon, siya ang nag-susundo at naghahatid sa akin sa pagpasok at pag-uwi.
Noong una nahihiya ako sa kaniya dahil pumunta siya rito para lamang bisitahin ako at makasama sa break nila pero ito siya ngayon halos maging service ko na sa kakahitd at sundo sa akin sa bahay.
But I still make sure that we will always eat together, breakfast and dinner we will eat outside. I'm lucky dahil kahit isang beses ay hindi ko ito narinig magreklamo sa pagod.
Mabuti na lamang hindi pa kami nahuhuli ni Mommy kahit isang beses dahil tiyak na magagalit siya kapag nalaman niyang may kasama akong lalake.
Naiintindihan ko naman siya na ayaw niyang magaya kami sa kaniyang maaga nagkaroon ng anak at iwan matapos magsawa sa kaniya. Ayaw niya kaming matulad rito kaya hanggat kaya niya pa, she will do anything to keep us away from anything that will hurt us at para raw din sa huli wala kaming pagsisihan.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, I'm wearing a thin sleeveless crop top with shimmers along with a short skirt with slit on the hem of it, pinaresan ko ito ng two inch gold heels sandals. I spray some perfume and I'm good to go.
Pagkababa ko naabutan ko si ate kasama ang mga tropa niya they are looking at me, so I gave them "what are you looking at?" look kaya nag siaalisan ang mga tingin nito sa akin, mabait naman sila kaso nasa mood ako ngayon maging masungit.
"Where are you going, Yusra?" Ate asked, may dala itong tray naglalaman ng mga pagkain para sa mga bisita.
"We're going to the mall, I'm with Weston. Don't wait for me sa dinner doon na rin kami kakain. And by the way! Don't tell Mommy about Weston, okay?" I shouted while I was running away from her. "Bye, Ate! Love yeah!"
"Okay, take care. Tell Weston that I said hi to him!" Sigaw nito pabalik.
Alam nito ang tungkol kay Weston, dahil nahuli niya ako noon na kausap ito and she asked me so many questions, kaya wala akong nagawa kung hindi ikwento lahat kaya nga rin nasabi niya na kay Damien ang tungkol kay Weston noon.
They already met when Weston drove me home after we spent that night together. Thankfully that Mom is not there as of the moment kaya nakilala na ito ni Ate kaagad.
Speaking of Weston, my man. He was here now, narito na siya nakasandal sa hamba ng sasakyan nito. Nakangiting nakatitig sa akin.
"Careful, baby." Saad niya nang makita akong tumatakbong naka heels.
Tumigil ako sa pagtakbo at dahan dahan lumakad papunta sa kanya. umayos siya nang pagkakatayo. He's wearing a white long sleeve and brown pants. He looks so good in the afternoon and yummy too!
Lalong lumawak ngiti nito ng makalapit ako sa kanya kaya ginantihan ko naman siya ng ngiti, pwede na siyang maging endorser ng toothpaste.
"Let's go?" He asked and held my hand.
Tumungo ako bilang pagsang-ayon, inalalayan niya ako pasakay. Nakalagay ang kamay nito sa ulo ko upang hindi tumama sasakyan niya. Siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko.
Para naman akong walang kamay nito kung ituring niya ako. Joke.
"Thanks, babe." Nakangiti ani ko.
Tumungo ito saka hinalikan ang noo ko bago tuluyang umikot papasok ng driver seat. He then started his car and drove safely to the mall.
"Weston? Do you have any plans for tomorrow? Anyone to visit? Malapit ka ng umuwi sa Samar ulit, ilang araw na lang."
Nalulungkot ako pag iniisip ko na uuwi na siya, hindi nga namin gaanong nasulit ang pagpunta niya dito dahil may klase ako at napakaraming pinapagawa sa amin lalo na at duty din sa hospital.
YOU ARE READING
Mystify Love
RomansGIRLS SERIES #1 YUSRA ALCANTARA (COMPLETED) "Sa susunod... huwag mo nang muling ipaparamdam sa iba iyong p-pagmamahal mo... kung hindi mo rin kayang panindigan, dahil sobrang sakit." ____ Warning: This story is not suitable for ages 18 and below. Re...