NIGHT OUT
I am still spacing out after I got inside the vehicle. Hindi pa rin ako makapaniwala that I will meet him there.
I don't know what would I feel, galit, sakit na ibinigay niya sa akin, pangungulila o pagmamahal. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngunit ang pinaka nangingibabaw ay galit at sakit.
"Are you okay?" Mica asked.
I shook my head and never spoke again. I lean my back at the backseat and look at the window figuring out what I should do to avoid that man.
It's been fucking ten years and the pain that he caused me is still here. It's like a mark that curved deep inside my heart. Hanggang kailan ba 'tong sakit na nararamdaman ko? I want to love again but I am still into him, I am still in love with the person that broke me.
Tears started to fall down in my eyes again, akala ko noon hindi na ako iiyak dahil lahat ng sakit ay naiyak ko na noon pero isang kita ko lang ulit sa kaniya, nasasaktan na naman ako. Bumalik na naman kung ano ang nararamdaman ko noon, I feel like I am the worthless Yusra again.
Mica hugged me so tight and I thanked her for that, her presence is enough to make me feel better.
"Shhh everything will be alright." She said, mad lalo nitong hinigpitan ang yakap sa akin.
"A-Akala ko okay na ako, Mica. Sa loob ng sampung taon pinilit ko siyang kalimutan and I thought I did pero mali ako. Tangina! Nakita ko ulit siya eh! Alam kong mahal ko pa siya pero hindi kasingtibay noon but after I see him again, wala na! My heart beats faster and faster, it screams his name, Mica." My lips trembled while speaking. "Baka kapag nalaman na naman niyang mahal ko pa siya, he will used that to hurt me again. H-hindi ko na kakayanin 'yon."
Pinunasan ko ang luha sa aking mata.
"Gano'n talaga. Even if we force yourself to forget someone, hindi pa rin iyon mangyayari. Sobrang hirap makalimot ng tao lalo na kung mahalaga at mahal natin pero kung tutulungan mo ang sarili mo Yusra, step by step you will achieve that. Start from the small things, babe. Tanggapin mo muna na hindi magiging kayo ni Weston, ang tanong tanggap mo ba na kahit kahil hindi na siya muling magiging sa 'yo?"
I look away because her question strikes me. Sa loob ng maraming taon laging sumasagi sa isipan ko 'yan na maaaring makahanap siya ng iba that will worth his love? After all that what he said to me right? Mas gusto niya ang taong mas malapit at nakakasama niya.
Sa tuwing iniisip ko na masaya na siya sa piling ng iba, nasasaktan ako kahit wala akong karapatan.
Nang makarating kami sa hotel room, dumiretso na ako paakyat sa kwarto. I just don't feel like talking to anyone right now. Humiga ako sa kama at napatingin sa kawalan.
Kailan ba ako matututo? Nakakasawa nang masaktan. Kung sana pwede na lang itulog ang sakit para kinabukasan wala na, wala ka nang pakiramdam. Pagod na ang mga mata ko kakaiyak, ang puso ko ba kailan?
Naramdaman ko ang paglubog ng kamang hinihigaan ko, lumingon ako upang makita ang mga ito at bumungad sa akin ang mga mukha ng mga kaibigan ko, kasama nila si Tiana na puno ng pag-aalala ang mukha.
Ngumiti ako rito and I tapped the space between me so I could hug her.
Tiana went beside me, I hugged her from the back. My friends sat down on the floor while looking at me.
"Huwag ka nang malungkot, kaya nga kami sumama sa inyo ni Mica rito para magsaya eh. Sige ka magtatampo kami sayo." Panimula ni Ishi.
"Kakarating ko lang ito ang bubungad sa akin?" Isay said, nandito na pala siya hindi ko napansin. "Let's be happy and forgot the fucking pain, okay?"
YOU ARE READING
Mystify Love
RomanceGIRLS SERIES #1 YUSRA ALCANTARA (COMPLETED) "Sa susunod... huwag mo nang muling ipaparamdam sa iba iyong p-pagmamahal mo... kung hindi mo rin kayang panindigan, dahil sobrang sakit." ____ Warning: This story is not suitable for ages 18 and below. Re...