CRIES
Tomorrow my friends will be getting home na. We planned to go to the bar and enjoy ourselves since hindi namin sila makikita ng ilang buwan. Noong una ay ayaw kong pumayag dahil walang maiiwan sa bata, kay Tiana but my daughter said that I should go and kaya niya na raw ang sarili niya.
Pinatulog ko muna ito upang maayos kaming makakaalis. Binilhan ko rin ito ng cellphone noong isang araw upang matawagan niya ako kapag nasa Manila na siya. Mabuti na lamang at tulog mantika ang bata kaya hindi ito mabilis magising. Alam naman na nito kung paano ako tatawagan kung sakaling nagising siya. Marami akong hinabilin sa kaniya gaya ng wag magbubukas ng pinto kapag may taong kumakatok dahil kami na mismo ang magbubukas nito dahil nasa amin ang susi.
I fixed my hair. Yesterday I went to the salon to change my hair color into a Pecan shade and I think it suits me. I heard so many compliments after they fixed my hair even the owner asked me if he could take a photo of me and I said yes, they did a great job though.
"Ready?" Ishi asked. Sinilip nito ang ulo niya sa pintuan. "Ganda mo girl! Bagay talaga sa'yo."
"Thanks, and you look hot in red." I winked at her. "Eliseo will go wild if he sees you wearing that, baka magka-inaanak na ako pagbalik ko sa Manila."
"Gago!" Natatawang sagot niya. "Hindi pa kami mag-aanak non 'no! Kailangan pa namin magtravel sa buong mundo bago anak."
"Bakit? Ilang bansa naba ang napuntahan niyong dalawa?"
"Hindi ko na mabilang pero marami na." Kumunot pa ang noo nito. "Balitaan na lang kita kapag nabilang ko na, nasa bahay namin list eh."
"K,"
"Tipid amp." Umalis na ito sa pinto.
Lumapit muna ako kay Tiana, saglit na hinaplos ang buhok nito bago hinalikan ang pisngi.
"I love you," I whispered to her ears.
Kinumutan ko ito ay nilagyan ng unan sa magkabilang gilid bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang mga kaibigan kong naka-ayos at ready na ready nang umalis.
"Let's go, friendship!" Mica excitedly shouted.
I made sure that I locked everything before walking away. Uuwi rin kaagad ako matapos ang ilang oras upang samahan ang anak ko, hindi ko kasi ito kayang iwan mag-isa.
We rode the elevator. Ishi already booked for the car and thank God that this time we can all be fitted. The driver is in front of the hotel now, he's waiting for us kaya mabilis ang naging paglakad namin dahil nakakahiya rito.
Nang makababa sa lobby ay agad naminy hinanap ang sasakyan. Nang makita namin ito ay agad kaming kumatok at pumasok na.
"What now? Do you wanna play, guys?" Nakangising ani ni Mica.
Base pa lang sa uri ng ngiti nito mababasa mong she's planning something.
"What is it?" Isay asked.
"The person who gets drunk first will do everything we ask as in anything." Ani ni Mica.
"Isn't that unfair?" Thea arched her eyebrows. "You and Lia can party till morning and never gets drunk, you can even go out of town kahit uminom na kayo, kaya alam namin na exempted na kayong dalawa."
"That's true." Lia commented. "Though, we can book for us guys, kami ang bahala sa inyo kapag lasing."
"That's the only benefit of your super high alcohol tolerance, Lia." Ishi said.
"But we can still try it." Belle added.
Napalingon kami dahil sa sinabi nito, Belle hates drinking kaya napakalaking bagay na um-agree ito.
YOU ARE READING
Mystify Love
RomanceGIRLS SERIES #1 YUSRA ALCANTARA (COMPLETED) "Sa susunod... huwag mo nang muling ipaparamdam sa iba iyong p-pagmamahal mo... kung hindi mo rin kayang panindigan, dahil sobrang sakit." ____ Warning: This story is not suitable for ages 18 and below. Re...