DECISIONIlang na linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagbabago ang lagay ni Tiana. They said I should give up… we need to let go of Tiana, para hindi na ito mahirapan, but how? How can I let go of my daughter? She’s my life, my first born kaya bakit ang dali lang para sa kanilang sabihin iyon?
“Yusra… it’s for her sake. Tiana needs to rest, anak para hindi na siya mahirapan." Mom said.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at inipit yon sa gitna ng palad niya habang taimtim na nakatingin sa akin.
“H-how can you say that, Mom? Bakit parang… Bakit parang ang dali-dali niyong sabihin na palayain ang anak ko?!”
Hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses sa kaniya, pati na rin sa mga kaibigan kong tahimik lamang na nakatingin sa amin habang nakaupo sa gilid.
“B-Bakit parang dali lang sa inyong sabihin na bitawan ko ang anak ko?” Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi.
“Hindi rin madali sa amin ‘to, Yusra. We love Tatiana more than our lives, siya ang baby nating lahat pero anong gagawin namin? Kitang-kita sa mukha niya ang paghihirap, you from all people, you knew what’s happening to her.” Sagot ni Isay sa akin. “Doktor ka, alam mo at masasabi mo kung nahihirapan ang pasyente mo.”
“Pero hindi ko siya pasyente, she’s my daughter! And I am her mother!” I said. Tumingin ako sa kaniya. “Apat na linggo lang nakahiga ang anak ko! At alam kong babalik pa siya sa akin! Dahil nanay niya ako!”
"Be reasonable, Yusra. Intindihin mo rin ang kalagayan ni Tiana, hindi lang ikaw ang nahihirapan, siya rin! Isay has a point, you are the doctor here and you know how this situation works! Masakit sa amin panuorin si Tiana na walang buhay na nakahiga, that everytime her monitor works and the doctors tried to revive her, sa tingin mo? Hindi kami nasasaktan? Hindi kami nahihirapan? Mahal na mahal namin si Tiana, Yusra, dahil siya ang nagbigay kasiyahan sa amin pero ang hirap… ang hirap na makita siyang ganiyan.”
"Kung kinakailangan niyong pumikit para hindi makita ang sitwasyon ng anak ko gawin niyo, kung kinakailangan na umalis kayo sa kwarto niya sa tuwing nakikita niyo siyang nire-revive, umalis kayo, p-pero parang awa niyo na, don’t ask me to let go of my daughter… h-hindi ko kaya, ang hirap… masakit… kaya kahit ngayon lang, kampihan niyo ako sa desisyon ko.”
Bawat salitang aking nilalabas ay nawawarak ang puso ko, hindi ko kinakaya ang sakit at tuluyang napaluhod ako sa harapan nila. As if I am begging them to be with me with my decision.
“H-hindi ko kayang mawala ang anak ko at walang ina ang kayang mawalan ng anak… kaya p-please, huwag niyo ipagawa sa akin ang bagay na hindi ko kayang gawin. Hindi ko susukuan ang anak ko. Tuluyan nakong pumalahaw ng iyak sa harapan nila. Nakatitig silang lahat sa akin, hindi mawari kung anong gagawin. "Nanay niya ako, at walang ina ang kayang sumuko sa a-anak niya…"
Bumukas ang pinto ngunit hindi ko alam kung sino ang pumasok doon dahil panay pa rin ang pag-iyak ko habang nakaluhod sa sahig. Lahat sila ay natigilan dahil sa sinabi ko.
Namalayan ko na lamang na yumakap sa akin ang isang matipunong braso upang itayo ako.
Nagtama ang mata namin ni Weston, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang pilit niyang tinutuyo ang luhang pumapatak sa aking mata. Hindi ako nagsalita kahit ang mga mata niya ay nagtatanong sa akin ngunit ang tanging nagawa ko na lamang ay humilig sa dibdib niya habang patuloy na umiiyak.
“What happened babe? Are you okay? Is there something wrong?” Bakas ang pag-aalala sa kaniyang tanong, kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya. "Ma, what happened, bakit umiiyak ang asawa ko?"
YOU ARE READING
Mystify Love
RomanceGIRLS SERIES #1 YUSRA ALCANTARA (COMPLETED) "Sa susunod... huwag mo nang muling ipaparamdam sa iba iyong p-pagmamahal mo... kung hindi mo rin kayang panindigan, dahil sobrang sakit." ____ Warning: This story is not suitable for ages 18 and below. Re...