ACCIDENT
Patuloy ang pagyakap sa akin ni Weston. Ramdam ko mula sa suot kong damit ang butil ng luha na nanggaling sa kaniya. He's still crying after I said Yes to him.
"I love you, mahal na mahal kita." He whispered.
"Mahal din kita," Bulong ko pabalik. "I have something to tell you."
"What is it?"
I almost forgot about the good news that I will tell him. Dapat ay sa bahay ko ito sasabihin kung saan dalawa lamang muna sila ni Tiana ang makakaalam ngunit maganda na rin itong pagkakataon upang malaman niyang buntis ako.
Weston made me happy, so it's my time to return the favor.
"I'm pregnant." I announce in his ears.
I can feel how his breathing stops after that. Nagmistulang napako ito sa kaniyang kinatatayuan. Ilang segundo rin itong natigilan hanggang sa napagpasiyhan kong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kaniya.
I put my arms around his neck while I left three loud kisses on his lips.
"I am pregnant, Weston." I repeated.
Nagtama ang tingin naming dalawa. He was blinking so fast, until he finally absorbed what I just said.
"Holy shit!" He shouted.
Weston immediately ran away from me. Naguguluhang sinundan ko ito ng tingin sa takot na baka may mangyaring masama rito.
I saw him go to his father's side while he put his palms on Tito's shoulder with a wide smile on his lips, he announced the good news.
"I'm going to be a father!" He shouted with excitement in his voice.
Gulat ang namayani sa lahat, ilang segundo lamang ay naghiyawan na sila sa magandang balita. Tito and Ate Winona both hugged Weston, they were so happy for him.
Maya-maya lamang ay nakaramdam ako ng mga bisig sa aking tiyan. Masaya silang yumakap sa akin.
"Congratulations anak." Mommy whispered.
"Thank you Mom." I answered and hugged her back.
Lumapit ang mga kaibigan ko sa akin sa sobrang tuwa nila ay halos magtatalon ang mga ito.
"Pareho kayo nitong na buntis." Ani ni Lia. "Nag-usap ba kayo?"
Malaking ang matang tumingin ako rito. "Juntis ka?!"
Natatawang tumungo ito sa akin. "Sexy pa rin kasi ako kahit anim na buwan na akong buntis."
"Gago?!" Gulat na sambit ng mga kaibigan ko. "Anim?!"
"Oo," Sagot nito, bahagya itong ngumiti. "Maliit lang ang tiyan ko kaya hindi gaanong halata."
"That's why you are always wearing dresses o kaya malalaking damit!"
Lahat kami ay tuwang-tuwa mula sa magandang balita, buntis din pala ang loko hindi lang sinabi sa amin dahil gusto niya kaming surpresahin ngunit sa kalagayan ng boyfriend niti ay nawala ito sa isipan niya and we understand her.
Masaya kaming nagkwentuhan, tinatanong kung saan daw namin na buo itong dinadala ko, kaya hindi ko maiwasan ang mamula sa mga tanong nila. Mga siraulo talaga kahit kailan.
"May celebration ba sa mansion niyo, Weston?" Ani ni Belle, hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Weston.
"Yeah, you should come. Huwag na kayong pumasok."
Ang lakas talaga mang demonyo nitong si Weston kahit kailan. Nakikisabay pa siya sa mga kaibigan ko.
"Ayun oh!" Sigaw ni Stephen. "Sulit pagpunta namin dito, sigarilyo." Dagdag pa nito.
YOU ARE READING
Mystify Love
RomansaGIRLS SERIES #1 YUSRA ALCANTARA (COMPLETED) "Sa susunod... huwag mo nang muling ipaparamdam sa iba iyong p-pagmamahal mo... kung hindi mo rin kayang panindigan, dahil sobrang sakit." ____ Warning: This story is not suitable for ages 18 and below. Re...