Game
He looks at me after I utter those words. Binalik ko ang tingin na ginagawad niya upang iparating na seryoso ako sa sinabi ko.
Siya na ang kusang umiwas, I saw how he clenched his fist.
"Excuse me," He said and stood up.
"Saan po kayo?" Tanong ni Tiana.
"Comfort room lang big girl." Nakangiting sagot niya sa bata.
Dumating na ang mga in-order niya ilang minuto pagkatapos niyang makabalik. Tahimik lamang kami at tanging pagtama lamang ng kubyertos ang maririnig.
After we ate our dinner, Tiana wants to go to the timezone wherein there's a room for a karaoke, kaya pinagbigyan namin ang bata. Tuwang-tuwa naman ito nang nakarating kami roon at agad siyang namili ng kakantahin sa song book.
"Mommy? Pwede niyo po ba hanapin 'yung kantang mahal ko o mahal ako?" Saad ni Tiana sa akin.
Inabot nito ang song book upang mahanap ko ang kantang gusto niya.
"Sure ka ba diyan? Alam mo ba ito?" Tanong ko.
Sunod sunod siyang tumungo at nag thumbs up pa. "Opo paboritong kinakanta noong mga kalaro ko dati po."
Hinanap ko sandali ang numero at nang makita ay pinindot ko ang number sa tv screen kaya agad naman itong tumugtog, tuwang tuwa si Tiana at kinuha na ang mic. Umupo ako sa tabi ni Weston, masaya siyang nakatingin kay Tiana na naghihintay sa kanta.
"Mommy, para po sa'yo 'to." Nakangising ani niya at inumpisahan na ang pagkanta.
She looks so innocent while saying those words.
Now playing Mahal ko o Mahal ako by Kz Tandingan.
"Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari
Alam mong narito ako
Lagi para sa iyo
Mahal kita nang labis
Ngunit iba ang iyong nais~"
I heard Weston's laugh, I looked at him with my frown face and acted as if I'm going to punch him so he could stop from laughing.
I looked at Tatiana again, feel na feel nito ang pagkanta, kahit mali-mali ang ibang lyrics niya dahil hindi pa naman nito kayang basahin ang nakasulat sa screen. Hindi ko maipagkakaila na maganda ang boses ng anak ko.
"When are you going to enroll her?" Weston asked beside me.
"I already asked Thea to enroll Tiana in Manila. She's going to attend Clarké University." Sagot ko.
"Hindi siya rito mag-aaral?" Takang tanong niya. "Bakit? You're going to stay here for three months right?"
"Yeah, sandali lang naman ang tatlong buwan. Mas okay na roon sa Manila para hindi na kami mahirapan kapag magt-transfer pa siya." Sagot ko. "Is my adoption to Tiana okay? May naghahanap ba sa kaniya?"
"At siya'y narito
Alay sa 'ki'y wagas na pag-ibig
Dahil nalilito
Litong-litong-lito
Sino ang iibigin ko?
"None, I tried tracing Tiana's parents but everytime I found them they vanished, they were hiding or they really abandoned Tiana." Sagot nito sa akin.
YOU ARE READING
Mystify Love
RomanceGIRLS SERIES #1 YUSRA ALCANTARA (COMPLETED) "Sa susunod... huwag mo nang muling ipaparamdam sa iba iyong p-pagmamahal mo... kung hindi mo rin kayang panindigan, dahil sobrang sakit." ____ Warning: This story is not suitable for ages 18 and below. Re...