Chapter 17

4.6K 108 11
                                    

GIFTS


"Yusra! Ano ka ba naman? Kailangan pa nating mag review malapit na ang exams natin, remember bawal tayong bumagsak dahil graduating students na tayo?"

Ang boses ni Mica ang namayani sa buong kwarto ko, I don't know how she gets in dahil hindi ko naalala na pinapasok ko siya and even she knock, I will not let her in. Ayokong makita nila... niya, kung gaano ako nasasaktan ngayon. 

Kahit araw-araw kong pilitin ang sarili kong maging okay sa nakalipas na ilang buwan, hindi ko magawa.

Tinalukbong ko ang unan sa aking mukha, hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. Walang pumapasok sa utak ko, kahit anong pilit kong gawin, ang sakit nang pag-iwan ni Weston ang sumasagi sa akin and I hate it. 

Ilang buwan na ba ang lumipas simula nang mawala siya, ngunit hanggang ngayon nakakulong pa rin ako sa sakit na iniwan niya. 

"You brat, get up!" My Mom's voice filled my room. Hinatak nito ang unan sa akin na nakatakip. 

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo mula sa pagkakahiga. Inis na tumingin ako kay Mom, she's mad, I can sense it. Tumingin ako kay Mica at naiintindihan naman niya kung anong ipinapahiwatig ko. 

"Kailangan ka pa nagkapaki sa akin, Mom?" Natatawang ani ko. "You didn't even get a fuck when you saw me in the hospital, right?" 

Hindi ito sumagot, hindi na ako nagulat nang malakas niya akong sampalin, I expected that. Sa buong buhay ko ngayon lamang ako sumagot sa kaniya. Ngayon lamang ako naglakas loob na sabihin kung ano ang nararamdaman ko.

"Bastos kang bata ka! Hindi kita pinalaking ganiyan!" Sigaw nito sa akin. 

"How did you know about me kung buong buhay mo kay Ate ka lang nakabantay?" Inayos ko ang nagulo kong buhok. 

"What?" She asked.

Umalis ako mula sa pagkakahiga. Inayos ko ang higaan ko bago humarap sa kaniya. 

"Totoo naman po 'di ba? All I want is your attention, but you never gave that to me." Ani ko. "Hindi ko gustong maging Doctor but you force me, you force me take nursing dahil iyon sa tingin mo ang tama."

"No, you like that." Sagot nito, nagulat siya nang makita ang luha sa aking mata.

"No, Mom, Ikaw lang ang may gusto niyan, not me. You never asked what I wanted to become dahil ikaw na kaagad ang nagdesisyon at syempre ako naman 'tong anak mong gustong makuha ang pagmamahal mo pumayag ako, kasi gusto ko sa akin ka naman naging proud, ako naman ang ipagmalaki mo sa mga kakilala mo." Pinunasan ko ang luha sa aking mata. "Buong buhay ko, pinilit kong aralin ang kursong hindi ko gusto dahil nag baka sakaling maging pantay na ang pagtingin mo sa amin ni ate. Do you know how many times I vomited while trying to dissect that frog? Do you know how I hate the smell of the hospital? Alam mo ba 'yon Mom, hindi di ba? Kasi wala kang pakielam sa akin!"

Humihingal akong matapos kong ilabas ang nararamdaman ko. I can feel my heart pounding fast.

"Y-Yusra..." My mother tried to held my hand ngunit ako na agad ang umiwas.

"Ngayon na nasasaktan ako dahil iniwan ako ng taong akala ko hindi ako iiwan, wala rin kayong alam 'di ba? Kasi never kayong nagtanong kung kumusta ako, kung okay lang ba ako." Kinagat ko ang aking ibabang labi habang pinipilit pa rin' magsalita. "Kailangan na kailangan ko kayo ngayon, kailangan ko ng nanay ngayon but you were never there for me. You always chose to work! To have your attention to Ate! How about me, Mom? Paano naman ako? " 

"A-anak. I'm sorry."

Peke akong tumawa. "Ngayon ko nga lang ho narinig sa inyo 'yan eh, na anak mo pala ako."

Mystify LoveWhere stories live. Discover now