WESTON
"Oh my! Oh my god! I thought after you unlike the photo, it will remove the notification, but I was wrong! How stupid I can be!" Paulit-ulit kong pag kausap sa aking sarili. Halos mag hysterical na ako rito sa loob ng aking kwarto sa sobrang taranta, kulang na lamang ay ipukpok ko ang aking sarili sa headboard nitong kama.
Huminga ako nang malalim, pilit na ipinapakalma ang aking isipan upang makapag-isip ng maaaring isagot sa sinabi nito.
"Should I say, it's just an accident? That the button automatically like that photo? Pero para naman akong tanga kapag ganoon ang dahilan ko." Ani ko sa aking sarili. "Or what if, what if sabihin ko bigla na lang lumabas? Argh! Mababaliw na ako!"
Nais kong sabunutan ang aking sarili upang makapag-isip ng maaaring dahilan na lulusot sa kaniya. Hanggang sa may isang idea ang pumasok sa isipan ko.
Me:
Excuse me? What are you talking about? And are you saying that I am your stalker? Are you of you out of you goddamn mind?Weston Sean Santiago:
Typing...."Tama! Mukhang gumana naman ang palusot ko sa kanya. Ang galing ko talaga! I am the best!" Pagbibigay puri ko sa aking sarili habang tinatapik tapik ang aking balikat.
Ngunit biglang nawala ang ngiti sa aking labi ng sinend nito ang screenshot ng pag like ko ng picture nilang magto-tropa sa account niya.
"Holy fuck." Bulalas ko sa sobrang gulat.
Wala na akong kawala. Meron siyang screenshot.
Weston Sean Santiago:
Don't worry, beautiful, before I accuse you, I have evidence to support my statement.Me:
I am not your stalker, Mr.Weston Sean Santiago:
If you said so. Lol.I just seen his message, dahil nahihiya ako! never in my entire life na nag stalk ako and this is just my first time! nalike ko pa sa sobrang pagkahumaling sa itsura niya!
Bumalik na lamang ako ng higa sa aking kama at hindi na nagtangkang mag online pang muli, na traumatize na ata ako dahil sa katangahan na aking ginawa. Ipinikit ko ang aking mga mata nagbabakasakali na makatulog ngunit ang perpekto niyang mukha ang nakikita ko kaya dali-dali akong napadilat at napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga.
"What the fuck? Yusra, why are you thinking of him?" Asik ko sa sarili ko. "Get him out of your head, please!"
Humiga muli ako matapos kong kausapin at kondisyonin ang aking sarili, tinakpan ko ang aking mukha ng unan at pinilit iwinawaksi siya sa isipan ko.
Napangiti ako ng tuluyan akong nagtagumpay sa pakikipaglaban na mawala siya sa isip ko hanggang sa hilahin at lamunin na ako ng antok.
Cute little puppies, cute little puppies~
Everybody loves these cute little puppies~Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock. Pinatay ko muna ito saglit bago muling natulog ngunit ilang minuto lamang muli na naman ito tumunog kaya wala na akong nagawa kung hindi bumangon at titigan ng masama ang cellphone ko.
Nag stretching muna ako saglit ng tumayo ako bago ko napagpasiyahang magtungo na sa banyo.
Habang naliligo ako hindi ko mapigilan ang mapakanta, lumalabas kasi ang pagkasinget ko kapag nagpupunta na ako sa bathroom upang maligo.
"Panalangin ko sa habang buhay..." Pagsisimula ko sa pagkanta, isa ito sa mga lagi kong kinakanta kapag naliligo ako. "Makapiling ka, makasama ka, 'yang ang panalangin ko~"
YOU ARE READING
Mystify Love
RomanceGIRLS SERIES #1 YUSRA ALCANTARA (COMPLETED) "Sa susunod... huwag mo nang muling ipaparamdam sa iba iyong p-pagmamahal mo... kung hindi mo rin kayang panindigan, dahil sobrang sakit." ____ Warning: This story is not suitable for ages 18 and below. Re...